PEP EXCLUSIVE: Marian Rivera endorses Noynoy Aquino's candidacy

Without being asked, GMA-7's top female star Marian Rivera (main photo) has expressed her support for the candidacy of Senator Noynoy Aquino (inset, bottom). Noynoy's youngest sister, Kris Aquino (inset, top) affirmed: "This is really genuine friendship, hindi ba? You know that si Marian, when she's on your side, she's really on your side."


Ang itinuturing na "Primetime Queen" ng GMA-7 na si Marian Rivera ang latest celebrity na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Sen. Noynoy Aquino bilang pangulo sa 2010 elections.

Sa pakikipagusap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) editor-in- chief na si Ms. Jo-Ann Maglipon kay Kris Aquino kaninang bandang 5:30 ng hapon, September 24, nabanggit ng bunsong kapatid ni Noynoy ang pagbu-volunteer mismo ni Marian para i-endorse ang senador.

Ayon kay Kris, ang plano talaga niya ay kunin ang top stars ng GMA-7 at ABS-CBN upang tumulong sa kampanya ni Noynoy. Kaya kinausap niya ang kaibigan niyang talent manager na si Popoy Caritativo upang alamin kung susuportahan ng alaga nitong si Marian si Noynoy.

Eleven years nang magkaibigan sina Kris at Popoy.

Ang sabi raw ni Popoy kay Kris: "You know, hindi ko prinesyur at all si Marian. Hindi ko binanggit yung idea kung puwede siyang mag-endorse kay Noynoy."

Si Marian daw mismo ang nagsabi kay Popoy nito: "Popoy, kay Noynoy tayo, ha. Dito tayo kay Noynoy... Kuya Noynoy ko na rin 'yan, dun tayo pupunta."

Personal conviction daw ito ni Marian at hindi na siya kailangang tanungin.

Sabi pa raw ng Darna star, "Hindi lang dahil kay Ate Kris kaya ko ginagawa ito. Dahil din ito sa nanay niya [former President Cory Aquino]. Kasi naniniwala talaga kami kay Cory."

Gusto pa sanang imbitahan ni Kris si Marian sa isang dinner upang ipaliwanag ang plataporma ni Noynoy para makumbinsi siyang i-endorse ang kandidatura ng kapatid. Pero sabi naman ni Popoy kay Kris, "Hindi na kailangan ang dinner. Dapat pa nga, kami ang mag-treat sa inyo ni Marian. Kasi sa pagka-busy n'yo na, hayaan n'yo na."

Tuwang-tuwa naman si Kris nang malaman niya ito dahil si Marian nga naman ang itinuturing na pinakamalaking female star ngayon ng Kapuso network.

"This is really genuine friendship, hindi ba?" ani Kris. "You know that si Marian, when she's on your side, she's really on your side. Biro mo, yung millions na tinanggihan niya. Kasi, mga dalawa na ang lumapit na gustong maging presidente kay Marian. Tapos ang sabi nga nila, 'Hindi, we are all really committed to another candidate.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na binanggit ni Kris kung sino ang dalawang pulitiko na lumapit kay Marian, pero madali nang hulaan kung sino ang mga ito dahil iilan pa lang naman ang nag-anunsiyo na tatakbo sila bilang presidente.

Kris is very touched dahil hindi pa man siya nagsasabi ay nagpahayag na agad si Marian na susuportahan niya ang kampanya ni Noynoy sa susunod na eleksiyon.

ABS-CBN STARS. Samantala, napag-alaman ng PEP na nakatakdang magkaroon ng dinner sina Kris, Noynoy, at ang iba pa nilang mga kapatid na sina Ballsy, Pinky, at Viel, kasama ang top stars naman ng Star Magic.

Sa magaganap na dinner, bahala na raw si Noynoy magpaliwanag sa ABS-CBN stars kung ano ang stand niya at kung ano ang gagawin niya para sa bansa.

Ang iba raw sa kanila kasi ay gusto nang mag-commit, pero yung iba ay gusto munang malaman kung ano nga ba ang plataporma o ano ang stand ni Noynoy sa ilang partikular issues. Ilan sa kanila ay sina Piolo Pascual, na gustong malaman ang tungkol sa moral ascendancy ni Noynoy, at Diether Ocampo, na gusto namang malaman ang gagawin ni Noynoy para sa mga kabataan.

Marami raw mga tanong ang mga Kapamilya stars na ito na nagpapatunay na hindi lang emotional decision ang kanilang gagawing pagsuporta kung saka-sakali. Bagamat malinaw rin naman na marami ring emotional decisions na involved dito dahil kaibigan nga nila si Kris. Pero higit pa rito, naniniwala raw sila kay dating President Cory Aquino.

DINGDONG DANTES. Ilang araw lamang ang nakalilipas pagkatapos ideklara ni Noynoy ang kanyang desisyon na tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas, nabanggit na ni Kris ang kagustuhan ng kanilang pamilya na kunin si Dingdong Dantes upang maging youth spokesperson sa kampanya ni Noynoy.

Bagamat nagpahayag na si Dingdong na malaking karangalan ang pagpili sa kanya ng Aquino family upang maging youth spokesperson ni Noynoy, napag-alamn ng PEP na hindi pa personal na nagkakausap ang aktor at ang senador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN