Character actor Mon Confiado victimized by fly-by-night producer

Mon Confiado is part of the cast of the indie film Dukot (Desaparacidos) produced by Allen Dizon and directed by Joel Lamangan. "Definitely, isa ito sa mahahalagang pelikulang nagawa ko. Alam natin na 'pag Joel Lamangan, kahit indie lang, gaya ng Walang Kawala, lumalaki ang dating," says Mon.


Kung tutuusin, parang hindi indie film ang Dukot (Desaparecidos). Just consider the cast: Allen Dizon, Iza Ignacio, Snooky Serna, Gina Alajar, Emilio Garcia, Robert Arevalo, at iba pa. Malaking karangalan para sa character actor na si Mon Confiado ang mapabilang sa ensemble ng nasabing pelikulang idinirek ni Joel Lamangan para sa ATD Entertainment Productions ni Allen.

"Puro magagaling, perfect nga ang casting, e. Ang importante, naka-deliver naman ang lahat. Definitely, isa ito sa mahahalagang pelikulang nagawa ko. Alam natin na 'pag Joel Lamangan, kahit indie lang, gaya ng Walang Kawala, lumalaki ang dating. At saka natutuwa naman ako, favorite ako ni Direk Joel lalo 'pag may role na pasok ako—like Death Row, Aishite Masu—nakakasuwerte naman ako ng magagandang parts," nangingiting sabi ni Mon sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Noon ay nabanggit ni Mon na balak niyang mag-produce ng pelikula, hindi pa man bumubongga ang indie fims noon.

"Ngayon, parang hindi na ako handa," sabi niya. "Eventually, baka pasukin ko rin, lalo na kung kabisado na talaga ang ins and outs. I want to make sure na talaga. Si Allen na muna, paunahin na natin, at ang kagandahan sa ngayon, uso ang indie films."

Kung malugi man kasi, hindi gaanong masakit. Kasi nga, presyong indie ang lahat.

"May ginawa kasi kami noon, sa isang fly-by-night producer," halatang ayaw nang magbanggit ng pangalan ni Mon dahil nagka-trauma siya sa insidenteng yun. "Nagkamali lang talaga ako ng pagtitiwala. Ayun, hindi nag-prosper ang production, natangay pati ang investments ko. Tuluyan na rin nalusaw yung film production."

Natuto ng leksiyon si Mon at ayaw na niyang palakihin pa ang gulo. Charge to experience na lang daw yun.

"Kailangan lang na yung lalapitan, mga taong mapagkakatiwalaan at alam ang ganitong sistema. Marami naman talaga, pero nagkamali lang kasi ako noon," sabi niya.

Manghinayang man siya, wala na siyang magagawa. Parang nagbalik sa umpisa si Mon at hanggang ngayon, nag-e-enjoy na lang siya na nagti-TV at lumalabas sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lumabas ako sa Daisy Siete sa GMA-7, then sa George & Cecil naman sa ABS-CBN. Palipat-lipat ako. Recently, sa Tayong Dalawa [ng ABS-CBN], nakapag-guest pa ako. Galing pa ako before sa Totoy Bato [ng GMA-7]," banggit ni Mon.

Nagagawa niyang maglagare sa dalawang networks na walang sabit, dahil nga sa guestings lang naman ang karamihan sa mga ito. Bihira nga naman yun.

May nagawa rin siyang isang indie film, yung Istasyon mula sa direksyon ni Cesar Apolinario na siya ring nagdirek ng Banal. Kasama rin siya sa Bigasan ni Joven Tan at Pangarap Kong Jackpot ni Carlo J. Caparas.

Ayon kay Mon, ang Istasyon ay tungkol sa nangyari sa isang fiesta sa Quiapo.

Dagdag niya, "May gustong ipagawa sa akin si Direk Cesar Apolinario, indie film din. Kailangan ko lang magpapayat nang husto. One hundred sixty pounds ako ngayon, I should weigh around 110 lbs. for that role. Kailangang magmukha akong buto't balat. Kaya next time, kung makikita mo akong mukhang bangkay na, epekto na yun ng pagpapapayat for the role. Kinakarir ko talaga. I already lost ten pounds."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN