Sunshine Dizon on being compared to Nora Aunor: "I'm not even close to her level."

"Napakarami na ng na-achieve ni Ate Guy, to be compared to her. Ako bubot pa lang. I'm just hoping and praying din na sana kung anuman yung na-achieve ni Ate Guy, kahit konti ay maabot ko yun," says Sunshine Dizon, who is reprising a Nora Aunor role for the second time.


Panay papuri ang bukambibig ni Sunshine Dizon tungkol sa kanyang leading man na si Marvin Agustin sa kanilang pagsasama sa Sine Novela Presents Tinik Sa Dibdib, na mapapanood na simula sa Lunes, September 28 sa Dramarama Sa Hapon ng GMA-7. Ka-back-to-back nito ang Kaya Kong Abutin Ang Langit na pinagbibidahan naman ni Iza Calzado.

Sa wakas daw ay natuloy na ang pagsasama nila ni Marvin, na dapat ay nauna na sa Gaano Kadalas Ang Minsan? noong isang taon. For health reasons ay naudlot ang kanilang pagtatambal kaya napalitan si Sunshine ni Camille Prats sa naturang proyekto.

"Obviously, I'm very happy and proud that Marvin is my partner in this soap," sabi ni Sunshine. "Kasi nga last year, hindi natuloy sa Gaano Kadalas Ang Minsan?. And now finally we're together in one show, I'm very happy talaga because he's a very giving and supportive co-worker. He's very dedicated sa craft niya. I'm very blessed and glad na siya po ang nakapareha ko rito."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa back-to-back grand press launch ng Tinik Sa Dibdib at Kaya Kong Abutin Ang Langit last September 22 sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Maging ang iba pang members ng cast ng Tinik Sa Dibdib ay pinuri rin ni Sunshine.

"And may I just add, not only Marvin but the whole cast. You know, si Tita Daria Ramirez [who plays her mother], I love her so much! We taped already a scene na parang sinusumpa niya ako. I swear, ano pa lang, reading pa lang, blocking pa lang, kinikilabutan na ako, wala pa yung mismo eksena.

"And she's such a giving actor din, na, well, siguro through the years of experience, talagang beterana na po sila na they know when to give and exert much. Even si Tito Bembol [Roco], and the rest of the cast, talagang I'm so blessed na I feel na every character, lahat kami we have one goal in mind—to make the project really work," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHAT IF? Sa ganda ng rapport nila ni Marvin, hindi kaya ang ending nito ay ligawan siya ng aktor?

"May ganun?" natatawang sabi ni Sunshine. "I just want to make it clear, Marvin is really just a good friend of mine. Pero for that matter, kung sino man ang magiging girlfriend niya, or if ever Marvin decides to get married na, she will be very lucky because napakabait, napaka-dedicated, at napakahusay na tao towards family, others, especially with his mindset in his business. So, napakasuwerte kung sino man yung babae na 'yon."

Paano kung ligawan nga siya ni Marvin?

"Siguro si Marvin ang tanungin natin diyan," sagot ni Sunshine. "Pero totoo, I'm very happy po na siya ang naging ka-partner ko. Napakasarap katrabaho po."

Wala raw lovelife ngayon si Sunshine. Pero wala ba siyang manliligaw?

"I have a lot of friends, but it's really not my priority at the moment. Hayaan na lang muna natin yun."

Happy ba siya being single?

"Yeah. Masaya naman po ako. And it will be unfair din sa guy kasi I'm working din almost every day. When it comes, it comes. At saka when I do get to date, it's normal naman because I'm single," pahayag ng aktres.

FOLLOWING THE FOOTSTEPS OF NORA. Ayaw na nga munang isipin ni Sunshine ang lovelife ngayon dahil mas gusto niyang mag-focus sa very challenging role niya sa Tinik Sa Dibdib, lalo na nga't pangalawang Nora Aunor starrer na ito na ginawa niya. Una nga rito ay ang Bakekang na ipinalabas din sa GMA-7. Kaya sinasabing siya na raw ang susunod sa yapak ng Superstar. Ano ang comment niya rito?

"Naku, hindi naman po!" sabi niya. "Nakakahiya naman pong ikumpara ako kay Ate Nora because I'm not even close to her level. Napakarami na ng na-achieve ni Ate Guy, to be compared to her. Ako bubot pa lang. I'm just hoping and praying din na sana kung anuman yung na-achieve ni Ate Guy, kahit konti ay maabot ko yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang masasabi niya sa naging magandang pagtanggap ng mga Noranians sa remake niya ng Bakekang noon kaya siguradong tatanggapin din ang pagganap niya sa Tinik Sa Dibdib?

"Oo nga po, I heard about that. Thank you po talaga. I heard about it nga, but kasi hindi ko naman narinig from their mouth, so hindi ko ma-confirm. But when I heard about it, I was really happy because when you get their approval, it's an honor also. Kasi parang I heard din pag hindi nila gusto, ayaw talaga nila, nagre-react daw sila.

"So, you know, to be approved by the 'konseho,' salamat naman. That means to say that I gave justice naman siguro nung Bakekang time and I also won for Bakekang. So, siguro that's something na rin to show the really avid and solid fans of Ate Nora, na kahit paano nabigyan ko naman ng justice yung role. And sana dito sa Tinik kasi mas mahirap ito, sana I can live up to their expectations again."


JOLINA MAGDANGAL. Samantala, matapos makiusap sa mga press na huwag silang pag-awayin ni Iza Calzado dahil magkaibigan pa rin naman daw sila, may isa pang pakiusap si Sunshine na huwag din silang gawan ng isyu ni Jolina Magdangal.

May mga naglabasan kasing intriga na masama raw ang loob ni Jolina kay Sunshine dahil inagawan na siya ng hosting job sa GMA morning show na Unang Hirit. Matatandaang si Sunshine muna ang nag-takeover kay Jolina sa UH dahil na rin sa pagiging busy ng huli sa taping ng teleserye nitong Adik Sa 'Yo. Pero natapos na nga ang airing ng Adik Sa 'Yo, e, hindi pa nakakabalik si Jolina sa UH. May balita pang hinaharang daw ni Sunshine ang pagbalik ni Jolina sa morning show.

"Naku, huwag naman po sanang ako ang sisihin," reaksiyon ni Sunshine. "Huwag naman pong ganun. Kasi when I got to work sa UH naman, that was the time when Jolens started doing Adik Sa 'Yo. So, I have nothing to do with whatsoever case Jolina has with UH. That will never be my call especially this is about the News department. We're talking about the News department, hindi po 'yan Entertainment. And I have nothing whatsoever to do with their decision," depensa ni Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, " Sana po huwag n'yo naman kaming gawan ng isyu ni Jolens. Okay naman po kami, e."

Natawa naman si Shine sa isyung pati raw ang ka-loveteam ni Jolina na si Marvin Agustin ay inaagaw niya dahil ito nga ang leading man niya sa Tinik Sa Dibdib.

"May ganun talaga?" natatawang sabi niya. "Hindi naman po ako ang nagde-decide kung sino ang makakasama ko sa soap. At saka kahit sino ang makasama ko ay okay lang sa akin."

Hindi raw nagugustuhan ni Sunshine ang mga lumalabas na isyu ng awayan sa pagitan niya at ng ibang artista.

"Yun nga po. Kasi wala naman akong inaaway na tao. At saka ano ba naman ang makukuha ko kung mang-aaway ako? Kaya sana tigilan na 'yang mga awayang isyu na yan. Hindi po nakakatulong sa industriya 'yan," pagwawakas ni Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN