Ara Mina will accept if Manny Pacquiao offers financial support for her candidacy

"Sorry to say, I know he's a hero, but you know, magkaroon ka naman ng balls to ano... na magtanggol, na idepensa ako. Sobra na akong nadudurog, di ba? Na kayod ako nang kayod, na trabaho ako nang trabaho pambayad ng bahay," says Ara Mina about boxing champ Manny Pacquiao (inset).


Tatanggapin daw ni Ara Mina if ever mag-alok ng financial support ang Pinoy boxing champ na si Manny Pacquiao sa kandidatura niya bilang konsehala ng District 2 ng Quezon City sa 2010 elections. Ito ang sabi ni Ara nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Tinik Sa Dibdib last September 22.

"Alam mo, tatanggapin ko. Tatanggapin ko, kasi sa kunsumisyon na ibinigay niya sa akin, kulang pa yun!" diretsahang pahayag ni Ara.

Magkano ang worth ng "kunsumisyong" naranasan niya nang ma-link sila noon ni Manny at mabalita pang ang boksingero raw ang nagbigay kay Ara ng bahay niya ngayon?

"Aba, bayaran na niya yung bahay ko para tapos na, di ba? Hindi, kasi masyadong... Sorry to say, I know he's a hero, but you know, magkaroon ka naman ng balls to ano... na magtanggol, na idepensa ako. Sobra na akong nadudurog, di ba? Na kayod ako nang kayod, na trabaho ako nang trabaho, pambayad ng bahay. Siyempre, iba yung sa politics, iba yung sa bahay.

"Kasi 'pag ganyan talaga na tatakbo ka sa politics, maraming willing na mag-support sa 'yo, in kind or financially. So it's up to you kung tatanggapin mo," saad ni Ara.

Kung tutulong ba si Manny sa pangangampanya niya, papayag si Ara?

"Sasabihin ko sa kanya, 'Go! Why not?' Hindi ba? Diyos ko, 'no!" sambit ng aktres.

Kung kukunin siyang guest sa sitcom ni Manny with Marian Rivera na Show Me Da Manny, papayag siya?

"Antagal! Antagal, oo, antagal naman akong tawagan!" natatawang sabi ni Ara.

ARA FOR COUNCILOR? What about Ara's non-showbiz boyfriend, tutulong ba ito financially sa campaign niya kapag natuloy nga siyang tumakbo?

"Ayoko namang tanungin siya na, 'Uy, tutulong ka ba?' Nakakahiya naman."

Ano ang naging reaksiyon ng boyfriend niya nang nalaman nito na tatakbo siya?

"Tinanong niya ako kung gusto ko ba talaga. Sabi ko, oo. Sabi niya, 'Okay, I'll support you.' Hindi 'I'll support you' na... hindi naman financially na sinabi, siguro moral support," paglilinaw ni Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero marami na raw nagpahayag ng tulong kay Ara kung tatakbo siya.

"Actually, ngayon umaano lang ako kung sino yung mga voluntary na mag-aano, kunwari sa t-shirts, ganyan. Marami naman, marami naman na kaibigan ko na, 'O, ako sa stickers, ha? Ako yung sa ano. Tulong namin sa 'yo!' So, hindi ako yung tipong 'Give me money!'"

Tatakbo raw si Ara dahil naniniwala siya na ito ang "path" niya at dahil nandito ang pamilya niya. Ang lolo niyang si Mel Mathay ay dating mayor ng Quezon City, samantalang ang ama niyang si Chuck Mathay ay naging congressman naman.

"Hindi naman tayo makikipagbanggaan sa mas mataas na posisyon," sabi ni Ara.

At hindi rin daw sila magkakabanggan ni Aiko Melendez, na nagpahayag nang tatakbo naman bilang vice mayor ng Quezon City. Matatandaang nagkaroon ng isyu noon sa pagitan nina Ara at Aiko dahil sa ex-husband ng huli na si Jomari Yllana.

"Last term na niya, sa District 2 din siya," banggit ni Ara.

May intrigang hinintay lang niyang matapos ang term ni Aiko bago siya tumakbo. Totoo ba ito?

"Iyon naman ang tama, e," sagot ni Ara.

Pinagbigyan lang ba niya si Aiko?

"Hindi, hindi rin... Hindi rin time, hindi pa rin ako ready nung 2004 and 2007. But this time, I'm at the right age and I think this is the right time for me to run. Kasi ano, e, I mean yung time nung '04 at '07, ang dami ko pa ring gustong ma-achieve sa career ko dito sa showbiz, e," paliwanag ng 30-year-old actress.

TINIK SA DIBDIB. Sa Tinik Sa Dibdib, ginagampanan ni Ara ang dating role ni Ms. Pilar Pilapil sa 1985 movie.

"Ano siyempre, natsa-challenge ako, Pilar Pilapil yun, e," sabi ni Ara. "Pinanood ko yung movie kasi para medyo 'yon ang ma-copy ko na acting, para medyo maiba sa Dapat Ka Bang Mahalin?. Kasi dun, maarte na laging nangse-seduce. Dito [Tinik Sa Dibdib], parang straightforward na bungangera ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halimbawang napanood ni Pilar ang pagganap ni Ara sa Tinik Sa Dibdib at hindi nito nagustuhan, ano ang mararamdaman niya?

"Well, I tried my best. Pero, siyempre, iba pa rin siya. Pilar Pilapil is Pilar Pilapil," sabi ni Ara.

Parang katulad din ito ng sinabi ni Sunshine Dizon na "Nora Aunor is Nora Aunor." Si Sunshine kasi ang gumaganap sa dating papel naman ng Superstar sa movie version ng Tinik Sa Dibdib.

"Hindi man namin mapantayan yung pagganap nila, at least we tried our best, at sana ma-appreciate rin ng mga tao at magustuhan nila," ani Ara.

Bukod kina Sunshine at Ara, kasama rin sa Tinik Sa Dibdib sina Marvin Agustin, Bembol Roco, Daria Ramirez, Rico Barrera, Michelle Madrigal, Deborah Sun, Jen Rosendahl, Miguel Tanfelix, at Maybelyn dela Cruz.

Mapapanood na ito starting September 28 sa Dramarama sa Hapon, sa direksiyon ni Gil Tejada Jr.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN