Marvin Agustin "reincarnates" Phillip Salvador's role in Tinik Sa Dibdib

Tinik Sa Dibdib" data-url="https://www.pep.ph/news/23329/marvin-agustin-reincarnates-phillip-salvador39s-role-in-tinik-sa-dibdib" data-desc="Marvin wishes to compete in the Olympics." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26d325aa0.jpg"> Tinik Sa Dibdib" data-url="https://www.pep.ph/news/23329/marvin-agustin-reincarnates-phillip-salvador39s-role-in-tinik-sa-dibdib" data-desc="Marvin wishes to compete in the Olympics." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26d325aa0.jpg"> Tinik Sa Dibdib" data-url="https://www.pep.ph/news/23329/marvin-agustin-reincarnates-phillip-salvador39s-role-in-tinik-sa-dibdib" data-desc="Marvin wishes to compete in the Olympics." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26d325aa0.jpg">

Tinik Sa Dibdib" data-url="https://www.pep.ph/news/23329/marvin-agustin-reincarnates-phillip-salvador39s-role-in-tinik-sa-dibdib" data-desc="Marvin wishes to compete in the Olympics." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26d325aa0.jpg"> Tinik Sa Dibdib" data-url="https://www.pep.ph/news/23329/marvin-agustin-reincarnates-phillip-salvador39s-role-in-tinik-sa-dibdib" data-desc="Marvin wishes to compete in the Olympics." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26d325aa0.jpg"> Tinik Sa Dibdib" data-url="https://www.pep.ph/news/23329/marvin-agustin-reincarnates-phillip-salvador39s-role-in-tinik-sa-dibdib" data-desc="Marvin wishes to compete in the Olympics." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26d325aa0.jpg"> Tinik Sa Dibdib" data-url="https://www.pep.ph/news/23329/marvin-agustin-reincarnates-phillip-salvador39s-role-in-tinik-sa-dibdib" data-desc="Marvin wishes to compete in the Olympics." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26d325aa0.jpg">

"Kasi parang ang hirap namang lampasan ang isang Phillip Salvador in terms of acting skills, e. Sa ginaya, gusto ko yung attack niya sa character, saktong-sakto, e. So ganun ang ginagawa ko, tapos nilalagyan ko lang ng konting timpla ng mas ngayong panahon na ito," says Marvin Agustin about reprising Phillip Salvador's role in Tinik Sa Dibdib.


Si Marvin Agustin ang gaganap sa papel na ginampanan noon ni Phillip Salvador sa pelikulang Tinik sa Dibdib, na pinagbidahan dati ng Superstar na si Nora Aunor at gagampanan naman ngayon ni Sunshine Dizon.

Challenge ba sa kanya to portray a role na originally ay si Phillip ang gumanap?

"Of course," sagot ni Marvin nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pinanood niya ba yung movie?

"Oo naman."

Ilang percent ang ginaya niya sa pag-atake ni Phillip sa role?

"Kasi parang ang hirap namang lampasan ang isang Phillip Salvador in terms of acting skills, e. Sa ginaya, gusto ko yung attack niya sa character, saktong-sakto, e. So ganun ang ginagawa ko, tapos nilalagyan ko lang ng konting timpla ng mas ngayong panahon na ito," sabi ni Marvin.

Hindi ba mahirap ang role na mabait siya sa Tinik Sa Dibdib, pero may itinatagong lihim?

"Parang ano, tao lang na nagkakamali. Tao, taong-tao yung character. Nagkakamali, pinipilit itama, pero nagkakamali ulit. Alam mo yung ganun? Ganun yung character.

"And yet, magugustuhan nila kasi parang hindi siya yung typical superhero na hindi nagkakamali, na lahat tama yung ginagawa. E, lahat naman tayo nagkakamali, e. So maraming makaka-relate."

Handa na ba siyang maikumpara kay Ipe?

"Ay naku, kung ikukumpara lang, e, di ikumpara na nila para masarap, di ba? E, Phillip Salvador yun. Kung maikukumpara lang, sige, please, ikumpara na ninyo ako. Pero I don't think may makakalagpas dun sa Phillip Salvador na yun," saad niya.

Sa palagay ba niya ay magugustuhan ni Phillip ang ipapakita niyang acting sa Tinik Sa Dibdib?

"Isa siya sa mga gusto kong i-please dahil, siyempre, sa kanya nanggaling ang character na ito. Ako naman binibigyang-buhay ko lang naman sa pangalawang pagkakataon. Kumbaga, parang nire-reincarnate ko lang yung ginawa niya."

Ano naman ang magiging pakiramdam niya kapag pinuri ni kuya Ipe ang acting niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Daig pa sa award yun!" bulalas ni Marvin. "Sabihin niya lang na okay, kahit konti okay, daig pa sa award yun, daig pa sa award yun."

LOVE & SPORTS. Kumusta ang lovelife ni Marvin?

"Tinik sa dibdib!" natatawa niyang sabi. "Wala pa, wala pa naman. It's something na wala pa sa buhay ko ngayon."

Bakit wala pa siyang buhay-pag-ibig?

"Wala pa, e," maikli niyang tugon.

Hindi niya hinahanap?

"Hinahanap paminsan-minsan. Pero palabas-labas lang naman."

Hindi ba mahirap ang walang lovelife?

"Hindi naman... Hindi, kasi minsan we tend to focus on the things that we don't have and yet, ang dami-dami namang bagay na meron tayo. Andami kong ginagawa and masaya ako with my kids, my family, my work, my business. And my sports," sabi niya.

Marvin is into archery. Isa nga sa mga wishes niya ang makasali sa Olympics.

"Sa 2012 pa yun."

Sasali siya?

"Well, sana mag-qualify. It's not... hindi siya yung sasali ka, e. Pag hindi ka nag-qualify, hindi ka puwede. Kailangan makalusot ka sa tournament in 2011, the world championships and yung Asian Games," sabi niya.

Ano namang preparations ang ginagawa niya para rito?

"I've been training and I've been joining tournaments. Kagagaling ko lang Korea, nag-tournament ako for the world championships," banggit ni Marvin.

Nanalo na siya?

"Wala pa, I haven't actually won yet, mga tournament lang. You get better kasi exposure tournament yun, e."

MARVIN'S TWINS. Kinumusta rin ng PEP kay Marvin ang kanyang four-year old twins at kung kumusta si Marvin bilang ama.

"Masayang-masaya, masayang-masaya! Hindi ko maiko-compare sa kahit na anong success na nadama ko sa buong buhay ko whenever I'm with them. Hindi maikukumpara sa kahit na anong tagumpay na nagawa ko sa buhay ko. I'm very happy when I'm with them," saad ng celebrity dad.

Papayagan niya bang mag-artista ang kambal niya?

"Oo, kung 'yon ang gusto nila, e. E, di makakatulong pa sila sa akin!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero aniya, "Hindi... Di ba, kung 'yon ang gusto ng mga bata, e. But still, sayang naman. I could afford to send them to school, so sana mag-aral sila."

Tinik Sa Dibdib" data-url="https://www.pep.ph/news/23329/marvin-agustin-reincarnates-phillip-salvador39s-role-in-tinik-sa-dibdib" data-desc="Marvin wishes to compete in the Olympics." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26d325aa0.jpg"> Tinik Sa Dibdib" data-url="https://www.pep.ph/news/23329/marvin-agustin-reincarnates-phillip-salvador39s-role-in-tinik-sa-dibdib" data-desc="Marvin wishes to compete in the Olympics." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26d325aa0.jpg"> Tinik Sa Dibdib" data-url="https://www.pep.ph/news/23329/marvin-agustin-reincarnates-phillip-salvador39s-role-in-tinik-sa-dibdib" data-desc="Marvin wishes to compete in the Olympics." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26d325aa0.jpg">


Tinik Sa Dibdib" data-url="https://www.pep.ph/news/23329/marvin-agustin-reincarnates-phillip-salvador39s-role-in-tinik-sa-dibdib" data-desc="Marvin wishes to compete in the Olympics." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26d325aa0.jpg"> Tinik Sa Dibdib" data-url="https://www.pep.ph/news/23329/marvin-agustin-reincarnates-phillip-salvador39s-role-in-tinik-sa-dibdib" data-desc="Marvin wishes to compete in the Olympics." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26d325aa0.jpg"> Tinik Sa Dibdib" data-url="https://www.pep.ph/news/23329/marvin-agustin-reincarnates-phillip-salvador39s-role-in-tinik-sa-dibdib" data-desc="Marvin wishes to compete in the Olympics." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26d325aa0.jpg"> Tinik Sa Dibdib" data-url="https://www.pep.ph/news/23329/marvin-agustin-reincarnates-phillip-salvador39s-role-in-tinik-sa-dibdib" data-desc="Marvin wishes to compete in the Olympics." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/26d325aa0.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN