Iza Calzado says Sunshine Dizon is also an important actress of this generation

Iza Calzado has been called an important actress of this generation. But she doesn't want to be referred to as such alone. "Uy, hindi lang ako...si Sunshine is also an important young actress. Please, let's not leave her out. She has won more awards than I have. And she has been acting since she was kid...." Iza said.


It is the first time for GMA-7's top-caliber young actresses Iza Calzado and Sunshine Dizon to occupy the Kapuso Network's afternoon block. Iza in Kaya Kong Abutin Ang Langit, back-to-back with Sunshine's Tinik Sa Dibdib.

They were both given equal importance in the back-to-back press conference for their new shows held last Tuesday in GMA-7's Studio 5. During Iza's interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) and other members of the showbiz press, tinanong namin si Iza tungkol sa "superstar" treatment sa kanila ni Sunshine ng GMA-7.

"Wala na kaming masasabi kung hindi maraming salamat. I want to keep it short and simple, thank you. Kasi, parang ano pa nga, parang pinalalabas pa ni Ma'am Wilma [Galvante] na, 'Salamat, pinagbigyan n'yo kami,'" sabi pa ng very flattered na si Iza.

Nang marinig niyang sinabi yun ng GMA Senior Vice President for Entertainment, ano ang eksaktong pumasok sa isip niya?

"Actually, when they met with us, well, me, personally—separately naman kaming tinawag—that's how she says her gratitude. 'Thank you for doing this. Thank you, pumayag kayo.'"

Dugtong pa niya, "Alam nyo, sinabi ko noon, gagawa ako ng sine novella, kung maganda ang material. Kung hindi ko gusto ang material, I will have to pass....

"Actually, before, yung in-offer, hindi naman sa hindi siya maganda, pero yung role kasi, hindi siya ganoon ka-special and I will do something very similar to that. So, sabi ko, lalo siyang hindi magiging special. Kasi, pinagsunod, di ba?" kuwento pa ni Iza sa pagpili niya ng project.

Pero sa kaso ng Kaya Kong Abutin Ang Langit, nagkaroon ba siya ng second thoughts about doing it?

"Sa material? Hindi... Ini-explain sa akin yung synopsis and then, finally I watched the film, doon sa synopsis pa lang, gusto ko na siya, e. Parang, uy, maganda 'to. Naiiba 'to sa mga ginagawa ko kasi, this gives me an opportunity to showcase my range as an actress. Versatility."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IMPORTANT ACTRESSES OF THEIR GENERATION. Marami tuloy ang nagsasabi na si Iza could be considered as an important actress of her generation.

"Uy, hindi lang ako...si Sunshine is also an important young actress," pagko-correct ni Iza. "Please let's not leave her out. She has won more awards than I have. And she has been acting since she was kid. But being one of the...because I don't want to be considered as most important," pakumbaba ni Iza.

At sa batch nila, iilan lang silang katulad ni Sunshine na maituturing na mga importanteng aktres ng kanilang henerasyon.

"Seriously, thank you po na nasasabi n'yo 'yan tungkol sa amin. Alam n'yo, hindi madali na mapanatili and to make it, and to maintain. Maintaining it is another factor and I hope to God that I can maintain it and hopefully, do better in every role. And I hope that the role which will be given to me will make me a better actress. So, thank you po. Sa mga nagsasabi niyan, nakakataba po ng puso."

PINOY HOLLYWOOD ACTRESS. Marami nang nagbigay kay Iza ng titulong "Pinoy Hollywood Actress." Dahil ito sa premiere kamakailan lang ng Hollywood movie niyang The Echo. Ano naman ang pakiramdam niya sa tuwing tinatawag nga siyang Pinoy Hollywood Actress?

"Actually nakaka-pressure siya. Hindi ko alam if I am already worthy of it because I haven't... I don't even have an agent yet, let's be honest. Hindi ko sasabihin rito na, 'Ah, hindi, lagi ako run. 'Tapos, nag-audition ako.' Ano ba?

"Honest lang palagi. After The Echo, I haven't gone to L.A. sa Hollywood. Sobra ko siyang pinag-iisipan..."

Bitin ang huli niyang sinabing ito kaya tinanong ng PEP kung ano ang ibig niyang sabihin sa sobra niyang pinag-iisipan.

"Pinag-iisipan ko siya. Do I wanna go there [Hollywood]? Do I wanna make a career there?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagsabi kay Iza na kaya nga niyang talbugan sa aktingan ang Spanish actress na si Penelope Cruz na isa ring Hollywood actress.

"Talaga? Pero ang katawan ni Penelope, kakaiba! I love it!" natatawang sabi niya tungkol kay Penelope.

May nag-suggest kay Iza na huwag kayang kumain ng one month para tapatan ang katawan ni Penelope.

"Yeah, yung sa hindi pagkain, alam mo naman ang pinanggalingan ko," natawa pa si Iza pagkasabi nito. Iza is referring to her former self noong bata pa siya na umabot ng halos 200 pounds ang bigat niya.

MAKING A NAME IN HOLLYWOOD. But then, is she really considering making a name in Hollywood ?

"You know, that is a dream. That is my prayer," aniya.

Kung mag-hit ang The Echo internationally, would that be a sign?

"Basta...I just probably need something to push me again in that direction. Hindi ko pa nararamdaman. Alam n'yo, ako kasi, kailangan kong maramdaman. Ganoon akong tao. Ayoko ng pinipilit ang sarili ko sa isang bagay na parang wala...hindi pa.

"Pero alam n'yo, nakakatawa rin yan. Kasi, ikaw rin...you will make it happen. Maybe I've been...there are so many things that happened...I bought a house...there are so many things. Maybe nalihis ako ng landas nang konti, so, tingnan natin kung gusto ko pang ipagpatuloy ang journey na yun, we'll see..."

Pero sabi nga niya, natsa-challenge siya sa title, so, puwedeng yun ang maging drive niya or mag-push sa kanya?

"Actually, yun na! May mga oras sa bahay na, ano ba? O, 'eto ang mga sinasabi nila. Gagawan mo ba ng paraan 'to? Ano ba? Kasi, it has always been my dream," nasabi pa ni Iza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN