Maxene and Pia Magalona launch Laban ni Maria cervical cancer prevention awareness campaign

Maxene Magalona and mom Pia spearhead a campaign against cervical cancer. "Cervical cancer is the only kind of cancer that can be prevented with a vaccine," Maxene (left) said about the number two killer cancer among Filipina sufferers.


Ginanap noong Miyerkules ng gabi, September 23, ang Laban ni Maria: Rocking Against Cervical Cancer concert and fashion show sa Eastwood Central Plaza sa Eastwood City, Quezon City.

Ang event na ito ay kaugnay sa inilunsad na kampanya ng mag-inang Maxene at Pia Arroyo-Magalona laban sa cervical cancer. Kasama nina Maxene at Pia sa kampanyang ito ang grupong Bravehearts, na nagsisilbing information arm ng Cervical Cancer Prevention Network Program (CECAP) ng Cancer Institute Foundation (CIF) at ang pharmaceutical company na GlaxoSmithKline (GSK).

Matapos maging biktima ng leukemia at mamatay ang King of Rap na si Francis Magalona noong Marso, naging aktibo ang mag-ina sa pagpapaalam sa mga kababaihan na kayang labanan ang sakit na cervical cancer.

Ani Maxene, "Cervical cancer is the only kind of cancer that can be prevented with a vaccine." Doon na nga raw pumapasok ang kumpanyang GSK na may bakuna laban sa dalawang most common cancer-causing human papilloma virus (HPV), ang HPV 16 at 18. Matagal na raw available ang vaccine o bakunang ito, ngunit walang masyadong nakakaalam.

SECOND KILLER CANCER AMONG FILIPINAS. Noong Mayo ng taong ito, lumabas na ang TV ad nina Maxene at Pia tungkol sa cervical cancer prevention. Sa TV ad, in-encourage ng mag-ina ang mga kababaihan na makipag-usap sa kani-kanilang mga doctor kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng cervical cancer na kinokonsiderang pangalawang killer cancer sa mga Filipina.

At para mas mapaabot pa ng mag-ina ang mensahe nila sa lahat ng tao, hindi lang sa mga kababaihan, nagpasya silang ilunsad ang Laban ni Maria sa Eastwood City. Sa pamamagitan ng concert cum fashion show na ito, layunin nilang mas mahikayat pa ang lahat, lalo na ang mga kabataan, na maging aware tungkol sa cervical cancer.

Pagkakataon din ito para i-promote nila ang Laban ni Maria statement shirts mula sa kumpanyang iniwan sa kanila ni FrancisM na Francis Magalona Clothing Co. (FMCC).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I came up with that idea," sabi ni Maxene habang nagho-host nang gabing yun sa event. "Kasi nung nag-uusap kami [Bravehearts], we were meeting and then I said, 'Hey, let's make a T-shirt about cervical cancer.' And then yun na, sila na nag-isip, pero it was my idea," pagmamalaki ni Maxene. (CLICK HERE to watch clip)

Paliwanag naman ni Pia nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago ito umakyat ng stage kasama si Maxene, sarili daw talaga nilang initiative ang Laban ni Maria.

"Kasi when they [GSK] were talking to us, it was only for the TV ad and about the vaccine. Pero kami, sabi namin, how can we further let everyone know about this. How can we help other women pa, lalo na those who cannot afford it, and those who really don't know about the screening and the vaccine. So together with Bravehearts, we came up with this campaign and these shirts, which we sell for P650 each. From that P650 we give P80 sa Bravehearts for the funding of those women na hindi maka-afford ng screening at vaccine. Lalo na yung mga women sa malalayong lugar," paliwanag ni Pia.

T-SHIRTS AND ELMO. Sa concert, tumugtog ang mga bandang Astrojuan, Us-2 Evil-0 (with Saab Magalona filling in for Mich Dulce na on leave muna sa banda nila ni Quark Henares (CLICK HERE to watch clip), Imago at Pupil.

Highlights ng event ay ang pagkanta ng anak na lalaki nina FrancisM at Pia na si Elmo Magalona ng "Girl Be Mine," ka-duet ni Aia de Leon ng Imago. Nagkaroon pa ng mini-fashion show sa kalagitnaan ng performance nila (CLICK HERE to watch clip), at ang duet din ni Elmo with Ely Buendia. Kinanta nina Ely at Elmo ang "Higante" na kasama sa collaboration album ni Ely at FrancisM na In Love And War, na ayon kay Pia ay may November 2 release.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang makausap ng PEP si Elmo pagkatapos ng event, sinabi nitong first time niyang maka-duet ang dating frontman ng legendary Pinoy band na Eraserheads. Thankful si Elmo kay Ely sa pag-alalay sa kanya, lalo na't hindi naman talaga siya sanay sa pagpe-perform sa harap ng maraming tao.

"He helped me. And the band, they're very cooperative," sabi pa ni Elmo. Nang tanungin kung siya na ba ang magpi-fill in para sa kanyang yumaong ama sa pagpo-promote ng huling album nito sa sandaling ilabas na ito, sinabi ni Elmo na gagawin niya ang buong makakaya niya para magaya ang performance ng ama.

"As long as they give me the opportunity to do it and try to copy what my dad did, so that it's a good entertainment for all of them," pagtatapos ni Elmo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN