Kris Bernal says love team with Aljur Abrenica can't rival Kimerald popularity yet

Aljur Abrenica broke his hand during a taping mishap, but gamely worked the Bench runway with Kris Bernal yesterday. The actress proved her worth as his showbiz partner by being ready to help him in every way she could: "Feel ko, shucks, kailangan ko siyang alalayan. Talagang hahawakan ko siya. Kung kailangan ko siyang kargahin kung kaya ko, why not?"


Tuwang-tuwa ang Kapuso loveteam na sina Kris Bernal at Aljur Abrenica nang rumampa sila sa stage para sa kanilang big launch cum fashion show bilang mga bagong endorsers ng Bench Raw Overhauled Jeans na ginanap kagabi, September 25, sa Trinoma Activity Center.

Una munang rumampa ang mga male at female models ng Bench na kinabibilangan ng ilang model-actors gaya nina Luke Jickain at StarStruck 4 Avenger Dex Quindoza. Pero pinaka-highlight ang pagrampa nang solo nina Kris at Aljur hanggang magsama sila sa finale. Mismo ang big boss ng Bench na si Ben Chan ang nag-abot ng bouquet sa dalawa bilang pag-welcome sa kanila sa Bench family.

Ang laki ng pasasalamat ni Kris Bernal sa Bench nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ilan pang entertainment press, habang ini-interview naman ng iba si Aljur na katabi nito pagkatapos ng launch.

"Sobra po kaming nagpapasalamat ni Aljur sa Bench at kinuha nila kaming endorsers. Dahil nga marami silang billboards at saka maganda ang exposure, so very happy ako na finally Bench na ako. At proud ako na Bench endorser ako!" bulalas ni Kris.

Bago pa ang Bench ay endorser na ng ibang clothing line sina Kris at Aljur. Pero nilinaw ni Kris na natapos na ang kontrata nila rito kaya free na silang lumipat sa Bench. Bakit niya gusto ang Bench?

"Unang-una, gusto ko yung clothing nila. Every time na tumitingin ako sa Bench, gusto ko yung mga denim pants nila, maganda talaga. So ngayon, nakukuha ko na siya for free. Happy ako kasi menos gastos," masayang sambit ni Kris.

Nang sabihin sa kanila ng GMA Artist Center (talent arm ng GMA-7 na humahawak sa career nina Kris at Aljur) na nakikipag-negotiate ito sa Bench para sa kanila ay nakiusap silang ipursigeng maisara ang deal.

"Kasi gustung-gusto po talaga namin. So, finally. Very thankful din kami sa Artist Center dahil binigay nila kami sa Bench."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READY TO MODEL UNDERWEAR? Ngayong endorser na siya ng Bench, rarampa na rin ba siya sa next big fashion show ng Bench?

"Sana. Pero kailangan kong paghandaan yun, di ba?"

So, kaya na niyang rumampa kahit Bench underwear lang ang suot niya?

"Underwear lang? Hindi ko pa kaya yun! Hindi pa, hindi pa underwear. Pero gusto kong rumampa."

Pero di ba, sa malapit nang ipalabas na launching movie nila ni Aljur na Nandito Ako... Nagmamahal Sa 'Yo under Regal Entertainment ay nag-sexy swimsuit na siya, so why not magpa-sexy sa fashion show?

"Kaya naman. Two-piece, two-piece lang. Ganun lang. Pero kung seksi-seksihan talaga ang concept, hindi pa siguro. Pero kung two-piece kaya ko pa. Kaya yun."

ALJUR IN A CAST. Naawa naman si Kris kay Aljur dahil naka-cast pa rin ang kanang kamay ng aktor nang rumampa sila sa Bench launch nila. Two months pa raw na naka-cast si Aljur dahil sa pagkabali ng mga buto nito sanhi ng aksidenteng nangyari sa set ng nagtapos nilang teleserye na All My Life. Nagkamali ang aktor ng suntok at ang nasuntok niya ay ang matigas na pader. Nagka-fracture daw ang buto sa kamay at kinailangan pang lagyan ng bakal.

"Ako ang nahihirapan para sa kanya. Sabi ko nga sa kanya, 'Bago ka rumampa i-check mo muna, i-practice mo muna kung okay lang galaw-galawin'. Kasi natatakot ako baka mamaya kung ano na naman ang mangyari sa sobrang galaw niya, e. So yun, okay naman, natuwa ako sa kanya."

Muntik na ba niyang alalayan si Aljur?

"Korek, parang feel ko, shucks, kailangan ko siyang alalayan. Talagang hahawakan ko siya. Kung kailangan ko siyang kargahin kung kaya ko, why not?"

Hanga nga si Kris sa professionalism ni Aljur dahil ginagawan nito ng paraan ang kanyang mga commitments kahit naka-cast ang kamay, gaya na lamang ng malapit nang ipalabas na movie nila, na kinailangang tapusin na dahil September 30 ang playdate nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, nag-shoot pa kami ng movie na may cast siya na kailangan tanggalin. So, talagang ang hirap. Tinanggal talaga siya kahit namamaga yung kamay niya. Kasi nga kailangan for the continuity of the movie."

Kinakabahan ba siya dahil malapit na ngang i-showing ang launching movie nila ni Aljur?

"Sobra, kinakabahan talaga ako. Bonggang-bongga ang promotion namin ni Aljur. Talagang kahit pagod kami, pumupunta pa rin kami sa mga malls para makapag-promote. At sana... positive naman yung vibes namin na kakagatin siya ng mga tao, susuportahan siya ng mga tao."

NO RIVALRY WITH KIMERALD. Kinu-consider sila ng Bench ngayon bilang hot new pair, ano ang masasabi niya rito?

"Buti naman. At saka tuwang-tuwa ako kasi nakita ko yung billboard namin sa Balintawak, e. Yun yung pinakagusto kong puwesto ng billboard dahil ang laki-laki, di ba? My gosh, papunta sa amin, kitang-kita pa, grabe. Kaya very thankful talaga kami sa Bench."

Kasama sa bakuran ng Bench ang loveteam din nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Feeling niya ba mas titindi ang rivalry nila sa titulong hottest loveteam?

"Wala naman akong nararamdamang rivalry kasi unang-una, ako, hinahangaan ko talaga ang Kimerald. Fan ako ng Kimerald. At saka malaki na ang pinagdaanan nila... Ang dami pa naming pagdadaanan at saka kami ni Aljur, fan kami ng Kimerald."

Sina Aljur at Gerald ay nagpatalbugan na sa pagrampa sa Cosmopolitan Bachelor Bash. Siya ba ay ready nang makipagtalbugan kay Kim sa pagrampa sa Bench fashion show?

"Ako, gusto kong makatrabaho si Kim Chiu. Isa rin yun sa mga pangarap ko na sana makasama ko siya, makita ko siya, ma-meet ko siya finally. Pero siguro pagdating sa ganyang pinagtatapat kami, wala pa siguro akong karapatan. Hindi ko pa siguro kayang tapatan si Kim Chiu dahil napakalaking artista na po ni Kim Chiu. Siguro ma-sta-starstruck ako pag nakita ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOPING FOR ANOTHER PROJECT WITH ALJUR. After All My Life, ano ang susunod na TV project nila ni Aljur?

"Hindi ko pa masabi. Hindi ko pa alam kung ano yung susunod naming show. Pero may naririnig-rinig kami. Pero hopefully sana matuloy and sana kami pa rin ang magkasama," pag-asam ni Kris.

Malulungkot ba siya kung paghihiwalayin muna ang loveteam nila at ipa-partner sila sa iba?

"Oo naman, malulungkot talaga ako. Kasi unang-una, nakasanayan ko nang katrabaho si Aljur, e. Nakasanayan ko nang araw-araw kaming magkasama. So, kung bagong partner, feel ko parang bagong artista na naman ako. Parang feel ko, kalalabas ko lang ulit ng StarStruck. Yun ang magiging pakiramdam ko. So ngayon, ini-enjoy ko muna yung loveteam namin."

Pero open ba siya na maipareha sa iba?

"Oo naman. Kami ni Aljur open kami sa ibang girls, ibang guys, at saka nasa GMA po yun, e. Kumbaga, napakalaki ng tiwala namin sa GMA na alam nila kung ano ang tama, kung ano ang dapat naming gawin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN