(Updated) Cristine Reyes still stranded on the rooftop of her house in Marikina

It's been more than 12 hours, but Cristine Reyes is still on the rooftop of her family home in Marikina.


Pasado alas dose na ng madaling araw nang makatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng update tungkol sa kalagayan ni Cristine Reyes at ng kanyang mga kasama—ang ina, ang 18 taong gulang niyang kapatid na si Mina Princess, mga pamangkin na may edad na walo at tatlo, mga kasambahay at kapitbahay—na mahigit 12 oras nang nasa tuktok ng kanilang bahay sa Princeton St., Provident Village, Marikina City.

Ayon sa text message ng sister-in-law ng aktres na si Claudine Cruz, ang ina ng dalawang bata, sa PEP contributor na si Allan Anthony Alterra (published as is): "Un mga bata ok na nreScue na pero c aa [Cristine] nandun pa."

Mula pa kanina ay marami nang nag-attempt na pasukin ang nasabing village. Isa na nga rito ay ang co-star ni Cristine sa Patient X na si Richard Gutierrez, na lulan ng rubber boat.

Subalit, delikado ang sumuong dahil bukod sa malalim ang baha ay malakas din ang agos.

Dalawang beses nang humingi ng tulong ang Kapamilya actress—una, sa special edition ng 24 Oras kaninang alas-otso; pangalawa, sa Kapuso Mo, Jessica Soho bandang alas diyes kuwarenta ng gabi—at malungkot nitong sinabi na "wala pa ring rescue."

Sa nauna niyang pahayag, "sobrang bilis" ang mga pangyayari, na kahit mataas ang kanilang bahay ay inabot ang ikalawang palapag. Sa kuwento raw ng kanyang ina, "taong 1978" pa huling nakaranas ng pagbaha ang lugar, at hindi raw ito kasing-taas at kasimbilis ng tubig na lumusob ngayon.

"Nung kinuha ko ang pamangkin ko, lumingon ako [sa garahe], lubog na car ko," ang salaysay pa ng 20-year old actress sa una nitong interbyu.

Bandang ala-una ng hapon noong magpasya ang kanyang pamilya na manatili sa bubong. "Mahangin" daw dito at wala silang nai-akyat na pagkain. Kasalukuyang gumagawa ng paraan ang mga rescue teams.

Samantala, isa pang biktima ay ang YES! writer na si Candice Lim, na nakatira rin sa Marikina. Sa ngayon, nasa ikatlong palapag na sila ng kanilang bahay, at ayon sa kanyang text message as of 7:30 p.m., "they're four steps away from being flooded."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakikiisa ang PEP sa pagdarasal na sana maging maayos ang lagay ng mga nasalanta ng bagyong si Ondoy, at sana ay tumigil na ang ulan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN