Celebs join rescue operations; some still stranded

By speedboat or surfboard, with anything they could use, showbiz personalities joined rescue operations to help stranded colleagues and strangers. Richard Gutierrez and Jericho Rosales (in photo), Raymart Santiago, TV director Rico Gutierrez, are some of the celebrities who have taken an active hand in putting flood victims to safety. Reports from various sources say nearly 60 people were killed by rising floodwaters or collapsing walls, after tropical storm Ondoy (international name, K


Bandang ala una y medya, ika-27 ng Setyembre, nang mailigtas ni Richard Gutierrez ang co-star niya sa Patient X na si Cristine Reyes mula sa 12 oras na pananatili nito sa bubong ng kanyang bahay sa Provident Village, Marikina City.

Nailigtas rin ang mga kasama ni Cristine sa bubong dahil sabay sa pagdating ni Richard ang mga taong hiningan ng aktres ng saklolo.

Nanghiram si Richard ng speedboat mula sa kanyang kaibigan para mapuntahan si Cristine, na panay daw ang tawag nito para tulungan siya at ang mga kasama niya.

Apat lamang ang puwedeng sumakay sa speedboat na dala ni Richard kaya nalungkot ito dahil hindi niya naisakay ang mga tao na kanyang nadaanan at sumisigaw ng tulong.

Tumulong din sa pagsagip ng mga biktima ng baha si Jericho Rosales, na isang surfing enthusiast. Ginamit nito ang kanyang surfboard sa pagliligtas sa isang matandang babae, isang bata at aso.

Pinangunahan naman ni Raymart Santiago ang pagliligtas sa mga kapitbahay niya sa kanyang lugar na malapit sa Marikina River. Tumulong din ang TV director na si Rico Gutierrez na nakatira rin sa village na tinitirhan ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart.

STILL STRANDED. Samantala, ilan pa sa mga naiulat na nakakulong pa rin sa kani-kanilang bahay ay sina Chokoleit, Lindsay Custodio, at Gladys Reyes na mga residente ng Rizal.

As of this moment, stranded pa rin sa rooftop ng kanilang bahay sa Pasig City ang ABS-CBN TV director na si Arnel Natividad at ang kanyang 74-year-old mother na si Mrs. Corazon Natividad.

Hindi na makontak si Arnel ng kanyang pamilya dahil nawalan na ng battery ang kanyang cell phone.

Sa huling text message niya sa asawang si Mildred Natividad, na executive producer ng Showbiz Central, sinabi ni Arnel na "low batt" na ang kanyang cell phone at magkahalong uhaw at gutom na ang nararamdaman nila ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Stranded ang mag-ina sa kanilang bahay sa No. 99 4th Street, Countryside Village sa Rosario, Pasig City. Mahirap na mahanap ang nabanggit na address dahil nagmistulang dagat ang buong Rosario dahil sa tubig-baha.

Nakikiusap si Mildred sa mga may mabuting kalooban na magpahiram ng speedboat para mailigtas ang kanyang asawa at biyenan.

Sa pamamagitan ng PEP (Philippine Entertainment Portal), nananawagan ang mga residente ng Rosario, Pasig City, na tulungan sila. Takot ang kanilang nararamdaman dahil ayaw na nilang abutin pa ng dilim sa bubong ng kanilang mga tahanan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN