Dingdong Dantes laughs off attempts to pit Marian Rivera against Rhian Ramos

"Natatawa nga ako dahil inintriga pa sina Marian [upper inset] at Rhian [lower inset], and I know these ladies, hindi sila nagpapaapekto sa ganyan," said Dingdong Dantes.


Ayon kay Rhian Ramos, ang kapareha ni Dingdong Dantes sa teleseryeng Stairway to Heaven, kung di lang daw siya marunong magpigil, baka nahulog na ang loob niya sa binata. Kahit daw kasi sino ang makapareha ni Dingdong ay pupuwedeng ma-in love rito. Totoo naman raw na taglay ni Dingdong ang mga katangiang magugustuhan ng isang babae.

Natawa lang si Dong nang banggitin namin sa kanya ito, at sa sinabi pa ni Rhian na hindi rin kasi niya ugaling magtangka sa pag-aari ng iba. Na ang ibig sabihin, may respeto si Rhian kay Marian Rivera na siya umanong karelasyon ni Dingdong sa kasalukuyan.

Alam ni Dingdong na may mga nag-iisip na nagpapalit siya ng girlfriend sa tuwi-tuwina. Mali raw ito.

"Kasi, akala ng iba, parang trend na lang sa akin 'yan," sabi ni Dingdong. "Sana hindi yun basta paniwalaan ng mga tao. Napuputol din naman yung karaniwang nangyayari, gaya nga sa naobserbahan ng marami sa love life ko.

"Kumbaga sa larong baccarat, nagtutuloy-tuloy 'yan, pero may pagkakataong nasisilat din. Ganoon din naman sa love. Ang importante, huwag nating i-focus doon talaga. Mahirap i-predict o sagutin 'yan," natatawang sinabi ni Dingdong.

Nangangahulugan lang na, so far, si Marian ang nakaputol ng trend na yun sa love life ni Dong. Kung walang Marian, puwede kayang ma-in love siya sa iba, lalo na kay Rhian na kapareha niya sa ngayon sa isang teleserye?

"Masasagot ko 'yan kung walang Marian. Kaso, nariyan na si Marian, kaya ayoko nang mag-entertain pa ng ganyang thoughts," aniya.

RHIAN'S QUALITIES. Kahit hypothetical, ayaw nang bigyan ni Dingdong ng ibang kahulugan ang ipinagpapalagay ng iba tungkol kay Rhian.

"I respect Rhian," pagdiin ni Dingdong. "Kahit sabihing opinyon ko pa, ayoko nang mabigyan pa yun ng ibang kahulugan ng ibang tao. Ayoko yung 'pag nagpe-perform kami ni Rhian sa harap ng kamera, may iba pang tumatakbo sa utak niya, at iisipin pa niya kung ano ang tumatakbo sa utak ko. Huwag na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang gusto ko kasi, every time na nagkakaharap kami ni Rhian sa trabaho, yung hindi niya basta inaasahan kung ano ang maibibigay ko sa kanya.

"Don't get me wrong. Rhian is very attractive. That's one reason kung bakit nakuha niya yung role na Jodi sa Stairway to Heaven. She has the qualities kung bakit siya ang nakita para ipareha sa akin.

"Isang package 'yan, kasama na ang talent ni Rhian. It's how she carried herself. Nakakatuwa si Rhian, the way she walks, para siyang nagga-glide.

"It's a representation of confidence. Alam niyang dalhin ang buo niyang package," napakindat pa si Dong sa kanyang sinabi.

Madaling ma-attract si Dingdong sa magagandang mata. Yun daw ang window to the soul na tinatawag. Hindi rin makapaniwala si Dingdong na sinabi ni Rhian na proud ito na sila ang magkatambal, being paired with one of the sexiest men in the world.

"Naku, luma na 'yan!" at saka siya natawa nang malakas. "Nagpapasalamat na lang ako at nagtitiwala si Rhian sa akin."

MARIAN NOT INSECURE. Dahil umuusad naman ang ratings ng Koreanovela adaptation ng GMA-7, mukhang wala nang dapat pang ipag-alala si Dingdong sa kung paano tinatanggap ang tambalan nila ni Rhian, despite the fact na alam ng publiko na may Marian na sa buhay niya.

"Kami naman ni Marian, we're doing just fine," nangingiting sabi ni Dong. "Natatawa nga ako dahil inintriga pa sina Marian at Rhian, and I know these ladies, hindi sila nagpapaapekto sa ganyan.

"Kung anuman kasi, I don't have to side with anybody, at maramdaman kong naipit ako sa dalawa, dahil wala namang reason. I should know na wala talagang dahilan para mag-isnaban sila at one point o magkaroon ng friction sa kanila.

"Wala namang ibang kahulugan yung sinabi ni Marian na hindi siya kailangang ma-insecure kay Rhian, kasi, wala naman talaga. Oo naman. I don't think she said it para lang magtaray o mag-create ng intriga sa kanila. She's just confident enough na hindi siya dapat ma-insecure kahit kanino, hindi lang kay Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, kami nina Rhian at Marian, naiintindihan namin kung bakit naririto kami. Para magampanan nang tama yung mga trabahong assigned sa amin. Hindi para makaramdam pa ng mga ganyang bagay.

"Hindi 'yan dapat hinahaluan ng mga personal na bagay. We all know that it's all part of work. The same way na hindi rin ako dapat ma-involve personally kay Rhian," ang nasabi ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN