Gerald Anderson assures fans that next project with Kim Chiu will have a not-so-sad ending

After Tayong Dalawa, Gerald will miss "lahat—buong cast talaga, yung crew, yung staff." He adds, "Sina Ms. Gina [Pareño], Ms. Cherry Pie [Picache], Coco [Martin], sina Alex [de Rossi, si Jake Cuenca], lahat, buong cast talaga para kaming magka-pamilya dun."


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gerald Anderson pagkatapos ng live guesting nila ni Kim Chiu kahapon, ika-27 ng Setyembre, sa The Buzz kung saan pinasalamatan nila ang lahat ng sumubaybay ng Tayong Dalawa na nagtapos nitong nakaraang Biyernes.

"Nakakalungkot... Nakakalungkot," ang bungad ng young actor sa amin. "Pero siyempre, masaya rin ako dahil sa outcome at sa kung ano po ang nangyari dito sa Tayong Dalawa. Sobrang ano, e, nakakataba talaga ng puso. Mula umpisa pa lang, napakataas na ng rating namin at talagang sumusuporta sila sa amin hanggang sa ending namin po."

Sa seryeng ito naipakita ni Gerald ang kanyang potential bilang actor. Marami ang humanga sa kanyang pag-arte, lalo na sa eksenang namatay ang character ni Kim.

Ang kuwento niya, "Ano po, e, ten months kaming nagte-taping, 'tapos puro drama. Malaki pong tulong yun sa akin, mga taping at mga directors po namin, like sila Direk Trina [Dayrit] at sila Direk Ruel Bayani."

Talking about the soap's ending, marami raw ang nagreklamo at nagalit, lalo na mula sa mga Kimerald fans, dahil sa pagkamatay ni Audrey. Paano ba nila na-pacify ang kanilang mga tagahanga?

"Alam n'yo, talagang inasahan namin yun. Talagang magagalit sila dahil yun nga, inaasahan nila na happy ending para sa aming dalawa. Pero yung kuwento nun, magkapatid, alangan namang sirain namin ang kuwento para lang sa aming dalawa ni Kim?

"Selfish naman nun para sa amin," nakangiting pahayag ni Gerald.

Ang gumanap na kapatid ni Gerald dito ay si Jake Cuenca, na nagkagusto rin sa character ni Kim.

Bilang pambawi raw ng Kapamilya talent, ang next series nila ni Kim ay wala na raw silang matinding ka-love triangle.

UPCOMING PROJECTS. Sa susunod niyang proyekto sa telebisyon, nakakaramdam ba siya ng pressure na dapat mapantayan nito ang success na kanyang huling soap?

"Oo, grabe," sagot ng dating housemate ng Pinoy Big Brother Teen Edition. "Hindi naman siguro kailangang galing sa akin yun. Pero talagang mahirap at magdarasal na lang ako na sana, yung susunod na project namin, kasing-ganoon kaganda ng Tayong Dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumabas dati ang balita na pagkatapos ng serye nila ni Kim, posibleng paghiwalayin muna sila as loveteam. Subalit ang susunod niyang TV project ay kasama pa rin ang Filipino-Chinese actress. Masaya ba siya na magkakatrabaho pa rin sila?

Aniya, "Oo! Basta kahit noon pa, palagi kong sinasabi na kung maghiwalay man kami ni Kim, marami pa kaming gagawin na magkasama. Yun ang ipinangako ko sa mga fans at tutuparin ko ang pangako kong yun."

Natawa si Gerald nang tanungin namin siya tungkol sinabi ni Kris Aquino na siya ang magiging kasama ng dalawa sa next series nila.

"Akala ko nga sikreto yun, kaya siya na nga lang po ang nagsasalita," nakangiting sabi niya. "Pero yun nga po, mas may alam po si Ms. Kris dun, pero, sobra po akong excited dahil makakasama ko sila."

Habang hindi pa nagsisimula ang taping, "nakakakaba" raw ang ideya na makakatrabaho niya ang popular na TV host. "Hindi ako sanay," dugtong pa ni Gerald.

Kailan nila ito sisimulan?

"Ay, hindi ko rin po alam. Sabi nila November, so, let's see..."

Sa ngayon, he's busy with Tiagong Akyat. At anytime next week, posible raw simulan ang shooting ng movie nila ni Kim under Star Cinema. Wala pa raw itong title pero si Ruel Bayani ang magiging direktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN