Gladys Reyes talks about how Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos rescued her family

Gladys Reyes and her kids, Christophe and Aquisha, are now okay. Thanks to Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos who headed to Cainta, Rizal, to help them.

To all PEPsters, we are launching a donation drive project for the victims of Ondoy. If you wish to give in-kind donations, we listed down various drop-off points. Please CLICK HERE.


Gaya ng ilan sa mga artista, stranded din sina Christopher Roxas at Gladys Reyes, kasama ang kanilang dalawang anak na sina Christophe at Aquisha, sa loob ng kanilang bahay sa Vista Verde Executive Village, Cainta, Rizal.

Ang lugar na kinatatayuan ng bahay ng showbiz couple ang isa sa masasabing naapektuhan nang husto ng bagyong Ondoy dahil nagkaroon ng matinding pagbaha sa lugar.

Maayos na ang kalagayan ngayon ng pamilya ni Gladys dahil sa tulong ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Kahapon, ika-27 ng Setyembre, nakausap ng Showbiz Central si Gladys sa pamamagitan ng telepono.

Nang kumustahin ng host na si Pia Guanio si Gladys, heto ang panimula niya, "Hay, naku. 'Eto, thanks to Judy Ann, of course, and Ryan, dahil sobrang sila yung nagpunta dun sa bahay namin sa Vista Verde. Sobrang binaha. Nakakagulat, kasi yung mas matagal na nakatira dun, sinasabi nila na first time nangyari yun."

Bagamat may ikalawang palapag ang kanilang tahanan, hindi pa rin makapaniwala ang actress na tataas nang ganun ang tubig sa kanilang lugar.

Ang kuwento niya, "May second floor rin naman kami kaya lahat kami, pati yung mga bata, nandoon kami sa second floor. Late na 'kong nakapag-text, noong morning kasi...Buti yung pinsan ko, nagkaroon pa ng chance na iligtas ang van ko at doon nakapag-charge kahit kaunti."

Noong naisipan niyang manghingi ng tulong, si Juday ang kanyang pinadalhan ng text message. Ang pagkakaibigan ng dalawa ay umusbong noong 1996, ang taon ng paglabas ng serye nilang Mara Clara.

Aniya, "Naisip ko talaga si Juday na i-text. Nagulat ako na ang bilis ng response niya. Kasi, yung iba...siyempre, ang hirap ng signal. Nakaka-ano talaga na bigla silang nakarating kahit ano...Delubyo talaga ang nangyaring ito."

Halos isang araw din silang nakulong sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan. Simula pa raw noong Sabado ay hindi na sila nakababa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, natakot na 'ko noong wala talagang tigil ang ulan. 'Tapos noong gabi, natatakot na 'ko, hindi pa rin tumitigil ang ulan. Nasa pangatlong hakbang na ng stairs namin. Naiisip ko na lang talaga yung mga anak ko. Yung mga gamit, mapapalitan naman, okey lang. Pero siyempre, yung safety ng mga anak ko.

"Awa naman ng Diyos, hindi naman umabot sa second floor, so, parang tingin ko, may posibilidad kung hindi pa talaga tumila ang ulan kagabi [Sabado]," ang salaysay ni Gladys.

Noong oras ng interbyu, magkasama na sa sasakyan sina Gladys at Juday.

"Si Juday is driving kaya hindi siya maka-ano, heto, siya ang nagda-drive ngayon. 'Tapos, isang sasakyan, nandoon si Ryan naman. Pero sobrang nakakaiyak yung ginawa nila.

"Si Ryan, lumusong talaga, hanggang beywang ang baha. Sinundo ako na may dala-dalang parang raft na hiniram niya yata sa kapitbahay dahil hindi na kayang pumasok. Kahit mataas ang sasakyan, sobrang malulubog talaga.

"Sumakay kami run, kasama ang mga anak ko, pati sila, nakalusong. Pati yung mga tumulong din sa amin na mga mama, marami rin pong salamat sa inyo. Sa pinsan ko at mga kasambahay namin," pagdedetalye pa ni Gladys.

Nanawagan din siya para sa pangangailangan ng kanilang lugar.

Aniya, "Lalo na ang shortage ng pagkain, tubig, rechargeable lamp. Sa Kingsville po, nandoon naman ang mga parents ko, yun, rechargeable lamp po. Yung iba kasi, siyempre, hindi agad maiwan ang bahay nila. So, yun ang importante sana, rechargeable lamp, pagkain at tubig."

Natapos ang panayam sa muling nagpapasalamat si Gladys kina Ryan at Juday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN