Boy Abunda explains decision to support Noynoy Aquino's presidential bid

A television ad featuring Boy Abunda's interview with presidential aspirant Manny Villar airs until October 15, but the TV host clarifies that that was done out of friendship, and that his support goes to Senator Noynoy Aquino, who's been like a brother to him.


Right after The Buzz last September 2, nagbigay ng ilang minuto si Boy Abunda sa piling entertainment press, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), para sagutin ang ilang isyung kinakaharap niya.

Nangunguna rito ang tungkol sa desisyon niyang i-endorso ang kandidatura ni Noynoy Aquino sa pagka-pangulo, kahit na sa nakalipas na eleksiyon ay identified siya sa kampo ni Manny Villar.

Ang panimula ng talk show host-endorser-talent manager, "I've been with Manny Villar for 11 years. 'Sipag at Tiyaga' [campaign] pa lang, magkasama na kami ni Manny. Mabuting tao, mabuting kaibigan... Kaibigan ko silang mag-asawa. At maaga pa lamang ngayon na nagpahiwatig na siya for presidency, tinanong ako..."

Pero bago ibigay ni Boy ang rason kung bakit iba ang pinili niyang suportahan sa darating na eleksiyon, idinetalye muna niya kung paano ang naging work relationship nila ng dating Senate President.

Ang kuwento niya, "Dalawa ang ginawa ko for Manny this year. I did a radio commercial. Naaalala n'yo pa ba noong kasagsagan ng C5 controversy? They did a radio material and they asked me if I am willing to do the interview na ako ang magtatanong, si Manny ang sasagot. Pero, hindi kami nagkita run. Nag-record siya on a different day. I was glad to do it for him.

"'Tapos, ABS-CBN marketing had an initiative. Kinausap ako if I was willing to help, do an interview with Manny dun sa kanilang ancestral house sa Tondo, sa kanilang bahay. Of course, I'll do it for Manny."

At doon lang niya nakita ang Senador sa personal.

Sa pagpapatuloy niya, "Ginawa ko ang interview na yun, three hours yun. It was a three-hour interview that I did for Manny Villar. Dun lang kami nagkita ni Manny. Si Manny kasi, ito talaga, mula sa aking puso—he's a wonderful person, he's a beautiful person. Hindi 'yan nakikipag-usap na, 'Ikaw, akin ka na, ha, mag-usap tayo...' Walang ganoon. He's not like that. He doesn't ask for anything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, when I saw him, I did the interview for three hours. Yung material na yun was supposed to be for ABS-CBN. Yung napanood n'yo, yung ini-interview ko siya sa Tondo...But because the material was very effective, nakita natin sa lahat, nagmukha siyang commercial. But ang intent noon, technically, it was just supposed to be a vignette para sa The Buzz at sa SNN."

Wala na rin daw naganap na pag-uusap sa kanila pagkatapos noon.

Aniya, "Ang paliwanag dito, kailanman, dahil nga itong presidential election ay matagal na kaming nagsasama ni Senador Manny Villar, wala sa akin kumausap, wala sa akin umupo na, 'Uy, sa presidential election, i-endorse mo ako.' Kahit hindi naman si Manny, kahit sa media strategy or media people ni Manny, nobody talked to me about formal arrangements. Nobody talks to me about, 'O, akin ka na'—verbal or otherwise.

"So, in terms of commitment, dun lang ako committed sa aming pagiging magkaibigan dahil matagal na panahon na kaming nagkatrabaho, because I endorsed 'Sipag at Tiyaga.' Matagal...because he's really a friend."

GOING FOR NOYNOY. Malaking pagbabago ang hatid sa kanya ng biglaang pagpanaw ng dating Pangulong Cory Aquino.

Sa pagpapatuloy ng kanyang kuwento, "Nangyari ang nangyari...pumanaw si Tita Cory, Pangulong Cory, hindi naman natin kagustuhan. Wala namang makakaalam. Fast forward hanggang sa magdeklara si Noy na may intensiyon din siyang tumakbo sa pagka-presidente."

Matalik na magkaibigan si Kris Aquino at si Boy. Subalit sariling desisyon daw nito ang pagpili sa kuya ni Kris. At na-appreciate daw niya na hindi naman siya nakaramdam ng pressure mula sa kampo ni Villar.

Aniya, "In fairness to Manny Villar and his camp, wala namang tao si Manny Villar na nag-pressure sa akin na, 'O, paano ngayon, kanino ka na?' In fairness talaga to the camp of Manny Villar, nobody called me to say, 'O, sino na ang susuportahan mo?' That's on one side and on the other side.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In fairness naman to Kris and Noy, nobody talked to me to say, 'Hoy ha, kay Noy ka na ngayon'.

"So, it was my decision alone. Ano ang aking decision? Kung wala si Noy, klaro naman ang usapan. I will support Manny kahit sa panahon na delikado pang magpahiwatig. Nagpahiwatig na ako na ang susuportahan ko talaga sa pagka-presidente, si Manny Villar. Pero ngayon, na nagpaalam na si Noy ng kanyang intention sa pagtakbo as presidente, hindi rin choice ito, e.

"Hindi choice dahil hindi naman ako pinapamili ng kahit sino between Manny and Noy. It is not a choice, and I am not made to choose. Hindi ito choice. Ang pinag-uusapan dito, kulang na lang naman sa apelyido ko, Aquino."

Hindi na nga raw iba kay Boy ang pamilya Aquino.

"I mean, the daughter, the sister, is my best friend. Malapit na malapit ako kay Noy Aquino. Pamilya ito, e. So, I have not been asked by Noy, by Kris, but ako na mismo ang nagsasabi, you know, pinag-isipan ko ito noong bumabagyo kagabi [September 26]," pahayag ni Boy.

Hindi ba niya naisip ang pagkakaibigan nila ni Villar?

Sagot niya, "Sabi ko nga, the first person who will understand me is Manny dahil alam niya kung gaano kahalaga ang pamilya."

Muli namin siyang tinanong kung hindi ba talaga siya sinabihan o tinanong ni Kris tungkol sa pag-endorso niya kay Noynoy?

"Wala!" giit niya. "Because it is really naturally assumed. Parang tumakbo ang kapatid ko, tatanungin pa ba ako? Pero I always say na napaka-disenteng tao ng mga Villar, wala talagang tumawag sa akin."

Nilinaw din ng talent manager ang mga naglabasang kuwento na nagkaroon ng hindi magandang epekto sa pagkakaibigan nila ni Villar ang naging desisyon niya. Sa katunayan, magandang mensahe pa raw ang natanggap niya mula sa chief of staff ni Villar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Boy, "It said na, 'I respect your decision. Nakakaiyak lang, matagal tayong nagsama.' Wala...napaka-hindi sila nang-uusig, wala, nothing. Si Manny, hindi nakikipag-usap sa ganoon. He's really, really shy. He doesn't talk politics to you."

At kahit na bukal siya sa pagsasabing ang anak ng dating Pangulong Cory ang susuportahan, mapapanood pa rin daw ng mga Pilipino ang infomercial nila ni Villar.

Heto ang kanyang paliwanag, "So, tapos na ang aking commercial kay Manny Villar...One day, tinawagan ako ng media group ni Manny. 'Boy, can we air your material?' Parang kailangan nila ang material ko na ini-interview ko si Manny Villar. So, sabi ko, 'Sandali, ha, baka lalo akong makalito. I will have to consult people already.'

"Dalawang tao ang kinunsulta ko—si Kris na nasa Hawaii at saka si Noy Aquino—nang personal. Nagpasintabi ako, personal. Sabi ko, 'Noy, nagpapasintabi ako dahil until October 15, may mga commercials pa akong lalabas, yung interview ko na gagamitin nina Manny Villar kasi pumayag ako.'

"Bakit ako pumayag? Kasi, number one, gusto ko talagang pagbigyan si Manny. Ang text sa akin ni Kris, 'Alam ko naman 'yan...' Sabi ko, 'Krissy, humihingi sila ng pahintulot kung puwedeng magamit ang materyales ko hanggang September 30?' Sabi ni Kris, 'No, you can even allow them until October 15, because Manny Villar has been good to Mom, has been good to me, and has been good to you, Boy.'"

Paglilinaw ni Boy: "Manny is not an enemy. With Manny Villar, we can run a decent campaign, di ba? Maayos na pag-uusap."

25-MILLION-WORTH ENDORSEMENT? Pinalinaw rin namin sa kanya ang isyu na 25 million pesos daw ang naibayad na sa kanya ni Manny, subalit tinalikuran pa rin niya ito?

"Hindi ko rin alam kung saan galing yun. Nakakuha ako ng text message kay Ellen Tordesillas, kasamahan natin sa ABS-CBN. Unang reaction ko, natawa ako. Pangalawang reaction, parang, 'Huh? Saan nanggaling yun?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam kung saan nanggaling yun. But then again, sigurado ako, hindi nanggaling yun sa Villar camp dahil alam ng Villar camp na walang perang involved doon sa ginawa ko," ang diretsahang sinabi ni Boy.

Diretsahan naming inulit ang tanong: Hindi ba siya at all tumanggap ng pera mula kay Manny Villar?

Walang kakurap-kurap niyang sagot: "Hindi ako tumanggap ng piso. Hindi ako tumanggap ng 25 million."

Dugtong niya, "May isa pa ngang tsismis, e. May 12 million daw na isinosoli ko, pero, hindi raw tinatanggap ni Manny Villar. Sinabi ko sa interview ko na sigurado ako na sasabihin ng mga Villar na hindi totoo ito dahil sasabihin nilang hindi totoo.

"At sinasabi ko rin mata sa mata sa inyong lahat na walang perang namagitan sa amin. Now, ang tanong, 'Bakit mo ginawa yun, Boy?' Ang ginawa ko lang ay interview. It was not even a commercial. Ano ba naman ang interview na yun for 11 years na pinagsamahan namin ni Manny? At hindi pa 'yan kampanya, it was just for interview.

"At remember, ang humingi sa akin ng pabor na yun, ni hindi nga sila Manny, ABS marketing."

TEXT MESSAGE FROM A DETRACTOR? May mga text message raw na kumalatat kumukuwestiyon sa desisyonni Boy. Totoo bang napaiyak daw si Kris nang mabasa niya ito?

Aniya, "Naaawa si Kris kasi, parang alam ni Kris ang buong istorya. Parang, huwag naman si Boy, wala naman 'yang kinalaman. Kung may mga forces man na gusto kaming sirain, intrigahin, et cetera, huwag naman."

At ito raw ay intrigang hindi niya dapat palampasin.

Ang pahayag ni Boy, "Natatalo ang pikon. Kaya ako nag-decide na magsalita dahil may mga intrigang pinalalampas, pero, may mga intriga na hinaharap. Alam ko naman, like itong pag-uusap natin, ayoko ng paliwanag ako nang paliwanag. Nagpapaliwanag ako ngayon dahil tinatanong ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagsalita na ako sa TV Patrol, sa 24 Oras. Sinadya kong huwag magsalita sa The Buzz, SNN, at mga iba kong shows dahil ayokong akusahan na ginagamit ko ang mga palabas ko para ipaliwanag ang side ko."

Tinanong din namin kung lahat ba ng mga alaga niya ay susuporta rin kay Noynoy.

"Ay hindi, hindi ko pini-pressure ang aking mga alaga. May mga alaga ako na gustong mag-endorse. May mga alaga na ayaw. Like for example, for the longest time, Ariel [Rivera] wouldn't endorse anybody dahil ayaw niya talaga. Hindi talaga siya nag-e-endorse.

"Nagkataon lang that Mariel [Rodriguez] and Bianca [Gonzalez] are very close to Kris. Ai-Ai delas Alas is very close to Kris. Eric Santos is very close to Kris, pero kanila 'yan, sarili nilang desisyon, hindi ako nagre-require ng aking mga artists na i-endorse si Noy or kahit sinong kandidato. Kung type nila, okay. Kung halimbawa, kailangan naman nila ng opinion ko, magtatanong sila," ang pagtatapos ng TV host.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN