StarStruck alumnus Kirby de Jesus has high hopes now that he's with Viva Artist Agency

"Malaki pa rin ang utang na loob ko sa GMA-7. If not for StarStruck, hindi naman ako makikilala. Ngayon na I'm with Viva, mas maaasikaso na nila ang mga bookings at schedules ko," says Kirby de Jesus.


Maraming entertainment press ang hindi agad nakakilala sa StarStruck 2 Avenger na si Kirby de Jesus nang i-introduce siya, kasama ang iba pang bagong contract stars ng Viva Artist Agency (VAA) na sina Biboy Ramirez, Pinoy Big Brother Teen Edition ex-housemate Jamilla Obispo, Are You The Next Big Star finalist Jay Perillo, at ang sister ni Regine Tolentino na si Marisa Maristela.

Wala na ang baby fat ni Kirby. Gumuwapo rin siya lalo at tumangkad. Nagpapasalamat nga ang binata sa VAA dahil sa tiwala nilang may maitutulong pa sila sa career nito.

Matagal na raw walang kontrata si Kirby sa GMA Artist Center, pero patuloy pa rin siyang binibigyan ng projects sa Kapuso network.

"Nabibigyan pa rin naman ako ng projects. Ang pinakahuling nagawa ko ay yung Zorro. Before that, I was also in Marimar. Heto nga at kakatanggap ko lang ng tawag na magte-taping ako for Rosalinda.

"Malaki pa rin ang utang na loob ko sa GMA-7. If not for StarStruck, hindi naman ako makikilala. Ngayon na I'm with Viva, mas maaasikaso na nila ang mga bookings at schedules ko," saad ni Kirby nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

GROWN-UP KIRBY. Nabansagan noon na isang "pasaway" si Kirby noong nasa Starstruck pa siya. Promise nga niya na hindi na siya gano'n at mas seryoso na siya sa career niya.

"Good boy naman ako noon pa," sabi niya. "Mali lang ang interpretation nila sa pagiging makulit ko. Pero nakatulong din yung mga naging sermon sa akin at sa pagtawag sa akin na pasaway. Makulit nga ako noon at medyo matigas ang ulo. Siguro dahil bata pa ako noon.

"Ngayon na 20 years old na ako, mature na ang pag-iisip ko. Mas gusto ko nang magtrabaho nang maayos ngayon. Sayang din kasi ang mga pagkakataon na pinalagpas ko," diin ni Kirby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto ulit makagawa ng pelikula si Kirby at gusto niya sanang makatrabaho ang longtime crush niyang si Anne Curtis.

"The last movie I did was Paupahan [directed by Joven Tan]. Last year 'yon at bading ang role ko. I want to do different roles at sana nga, Viva would give me yung mga projects na matsa-challenge ako. Si Anne, matagal ko nang crush 'yan and kung mabigyan ako ng chance to work with her, matutuwa talaga ako," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN