Ara Mina recalls terrifying experience while rescuing her family trapped in Provident Village

"Grabe talaga! Thank God, nailigtas naman sila. Nagpaiwan ang mommy ko doon dahil hindi niya maiwan ang house. Pumayag lang kami dahil humupa na ang bagyo, tumigil na ang ulan at unti-unti nang bumababa ang tubig," says Ara Mina about rescuing members of her family who were trapped in Provident Village.

To all PEPsters, we are launching a donation drive for the victims of Ondoy. If you wish to give in-kind donations, we listed down vari


Isang puyat at ngarag na Ara Mina ang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kaninang umaga, September 29. Ikinuwento niya sa amin ang mga pangyayari bago tuluyang ma-rescue ang kapatid na si Cristine Reyes, ang ina nilang si Francis Marie Klenk, at iba pang kamag-anakan sa paglubog ng kanilang tahanan sa Provident Village, Marikina. (Click here to read related story.)

Pagkatapos na matiyak ang kaligtasan ng mga kamag-anakan ay dumiretso na si Ara sa taping ng Tinik sa Dibdib ng GMA-7, at nakasingit pa ang guesting niya sa taping kagabi ng Ruffa and Ai ng ABS-CBN, na ipalalabas bukas ng umaga, Sept. 30.

"I was about to go to Startalk that Saturday afternoon," simula ni Ara. "Pero natanggap ko ang tawag ni Cristine. Iyak siya nang iyak. Na-trap na nga raw sila sa lumulubog na house sa Provident. Hindi ako nag-panic. Ang naisip ko, agad-agad, humingi ng tulong. Kinontak ko yung boyfriend ko. Dumating agad siya at nakipag-discuss ng mga posibleng puwede naming gawin."

Hindi naman pinabayaan si Ara ng non-showbiz boyfriend niya. Nagtawag sila ng mga posibleng mahiraman ng speedboat o jet ski na magagamit para ma-rescue nga ang mga taong na-trap sa bahay nila sa Provident Village.

"He was able to secure a motor raft, pero mga tatlo lang ang mailululan. Mabuti na lang, si Cristine, nag-MMS siya sa mga kaibigan, including Richard Gutierrez, na nagpadala talaga ng speedboat.

"Matagal bago kami nakapunta sa Provident. Kinansela ko na ang iba ko pang trabaho that day dahil buhay na ng family ko ang nakataya doon. Sinamahan ako ng boyfriend ko hanggang sa bungad ng village, at para maihanda na ang mga sasakyan na magre-rescue kina Cristine.

"Hindi talaga madaling pumasok sa village dahil talagang napakalalim na ng tubig. Yung kapatid kong lalaki at iba pa niyang kasama, sila ang nagtulong-tulong para matunton ang bahay. Mahirap nang matunton yun dahil wala na ang street signs, at gabi na kami nakakilos, kaya puro flashlights ang dala-dala namin, at backpacks na puno ng pagkain dahil nagugutom na yung mga pamangkin kong na-trap doon," kuwento ni Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga tumulong naman sa kanila, pero yung talagang rescuers ay matagal daw bago nakarating sa lugar.

"Hirap na hirap sila papunta doon," ani Ara. "Hindi ko nga alam kung yung raft na nahiram namin, nagka-damage na. Kasi, maraming beses na nabunggo yun doon. May mga kawad kasing hindi nakikita sa tubig, pati mga poste.

"Grabe talaga! Thank God, nailigtas naman sila. Nagpaiwan ang mommy ko doon dahil hindi niya maiwan ang house. Pumayag lang kami dahil humupa na ang bagyo, tumigil na ang ulan at unti-unti nang bumababa ang tubig."

Alam ni Ara na may ilang ulit nang bumabaha sa Provident Village, pero hindi yung gaya nitong nakaraang bagyong Ondoy, na wala pang tatlong oras, napakalaki na ng itinaas ng tubig.

"It was really terrifying," sabi ni Ara. "Hindi pa namin nalilinis uli yung bahay, marami nang nasira. Hindi nga namin alam, kasi kung ako ang masusunod, ayoko nang pabalikin ang mommy ko doon. Sa akin sila nakatira ngayon sa Don Antonio Heights sa Quezon City habang nagpapalipas muna kami ng impact ng nangyari."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN