Mark Herras is willing to wait for Ynna Asistio

"Si Ynna kasi parang napaka-understanding na tao, 'tsaka wala kang puwede ireklamo," says Mark Herras about Ynna Asistio. He has been courting her for the past few years.


Bukod sa ina ng debutanteng si Ynna Asistio na si Nadia Montenegro, aligaga ring sinasabing masugid na manliligaw ng dalaga si Mark Herras.

Kapansin-pansin na laging kadikit ng dalagang aktres ang kanyang escort sa buong gabi ng kanyang 18th birthday celebration noong Biyernes, September 25, sa Tektite auditorium sa Ortigas Center, Pasig City.

Habang naghihintay ng pagsisimula ng debut party, sandaling kinapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at Startalk ang binatang tungkol sa kanyang umanoy panliligaw kay Ynna.

Para kay Mark, mas mainam na raw ang mahigit dalawang taon niyang paghihintay para kay Ynna dahil nagkaroon siya ng sapat na panahon para magkakilanlan silang dalawa.

Dagdag pa niya, "If ever dumating yung time na 'ito na nga,' at least, di ba? I mean, kasi mas naging okay pala na dapat makikilala mo muna ng husto yung isang tao, di ba? So, if ever dumating na doon sa point na okay na, wala ng problema, malinis na lahat, wala na kayong dapat alamin, kung anu-ano, di ba, parang lahat malinaw na."

Binanggit naman ng PEP sa kanya ang nauna nang sinabi ni Ynna na hindi dahil tumungtong na siya sa ika-18 na taon ibig sabihin nito ay agad na siyang papasok sa isang romantic relationship. Hindi naman ito inalintana ni Mark. Aniya, walang problema kung sakaling kailangan pa niyang maghintay ng mas matagal pa.

Patuloy pa ni Mark, "Katulad nga ng sabi ko, wala namang nagmamadali e. Wala namang may lakad, wala naman kailangan madaliin sa mga bagay-bagay. Kung anuman, di ba, siguro sa right time. Sa ngayon, yun nga, ine-enjoy namin yung company ng isa't isa and, siyempre, yung company nga nila Tita Nads and yung family niya."

Sa kanyang panunuyo kay Ynna, naging malapit na rin siya sa pamilya. Pahayag ni Mark, "Naging close kami ni Ynna because nga dun sa naging relationship namin nila Tita Nads, very casual, di ba? Pumunta ako sa bahay nila kahit wala si Ynna, di ba? I mean, kahit kakuwentuhan ko lang si Tita Nads, ganun, siguro ganun lang yung medyo kakaiba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din Mark na maayos din naman ang kanyang relasyon sa ama ni Ynna, ang dating alkalde ng Kalookan na si Macario "Boy" Asistio.

Ayon sa paglalarawan ni Mark, "Okay naman kami ni Tito Boy. Hindi naman yung naiilang ako pag nandiyan si Tito Boy, so okay na rin. Okay na rin, kilala na rin ako ni Tito Boy, so far so good naman yung nangyayari."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN