Mariel Rodriguez defends Willie Revillame's one-million cash donation for typhoon victims

"Kailan ba naging maliit ang one million? Alam n'yo, hindi lang naman yung moment na yun tumulong siya, e. Marami pa siyang ibang tinulungan na hindi natin alam, di ba? Ang dami sa pamilya namin na nawalan din ng bahay, sino ang tutulong dun, si Kuya [Willie] ang tutulong dun. So, I think it's unfair to judge kung magkano ang ibibigay. Dapat maging thankful tayo na nagbigay. There's no help na malaki o maliit, ang importante yung sincere na pagbibigay," says Mariel Rodri


Hindi napigilan ni Mariel Rodriguez na maging emosyunal at ma-touch nang aminin ni Direk Lauren Dyogi, tumatayong Business Unit Head ng Pinoy Big Brother Double Up, na never pumasok sa isip nito na palitan ang tatlong female hosts ng PBB na sina Mariel, Toni Gonzaga, at Bianca Gonzales.

"Nakakahiya, naiiyak ako! Kasi ngayon lang namin narinig 'yan. Kung mayroong show na 100 percent ang ibibigay namin, ito yung show na ito talaga. Naiiyak ako. I'm so gross, umiiyak ako!" bulalas ni Mariel bilang reaksiyon sa pahayag ni Direk Lauren, na ikinatawa naman ng mga press na dumalo sa presscon ng Pinoy Big Brother Double Up kahapon, September 30, sa Plaza Ibarra sa Timog Ave., Quezon City.

Nauna rito, inamin ni Mariel, pati nina Toni at Bianca, na nag-isip din sila na baka mapalitan na sila as hosts ng PBB dahil maraming mga baguhan at mas bata na pumapasok sa showbiz. Pero malaki nga ang pasasalamat nila dahil hindi sila pinapalitan ng management. Napakalapit na raw sa mga puso nila ang PBB, kaya siguradong malulungkot sila kung mapapalitan sila as hosts.


PBB DOUBLE UP. After ng presscon ay muling na-interview ng PEP (Philippine Entertaiment Portal) at ng iba pang press si Mariel. At dito nga ay inihayag niya ang labis na kasiyahan sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Double Up ng ABS-CBN. Mapapanood ang live "magical opening" ng PBB sa Linggo, October 4, 7:30 p.m. sa ABS-CBN. Regular naman itong mapapanood sa Pimetime Bida simula sa October 5.

"Sobra kong saya na muling magbubukas ang Bahay ni Kuya sa October 4. Super saya ko talaga!" excited na sambit ni Mariel.

Bakit Double Up?

"Kasi, kami rin, hindi pa namin alam. Actually, malalaman lang natin 'yan sa October 4. Pero kami, meron kaming sari-sarili naming mga haka-haka. Ako, feeling ko, baka puwedeng two seasons in one. Ang una kong guess, dalawa yung bahay. Feeling ko, may chance na totoo yun. Kasi sinabi nga, major renovation, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano'ng mga dapat abangan sa mga bagong housemates?

"Kasi every season naman, they never chose the same. Like there was no Keana [Reeves] No. 2. There was no Ethel Booba No. 2. There was no Sam Milby No. 2. Laging iba. Ang dapat talagang abangan yung iba't ibang stories ng bawat housemate. Yung paano sila makikisama sa isa't isa. At saka yung mga task ni Kuya, kasi yun talaga yung bongga dun, e. Feeling ko nga, he will do something to help yung mga victims nitong baha. Feeling ko lang, if it's not the first, it will be the second task or something."

TYPHOON ONDOY. May alam ba siya kung may nasalanta ng bagyong Ondoy sa mga housemates na papasok?

"Meron akong alam na binaha, na almost hindi makapunta sa pictorial. Pero I think sa kagustuhan talaga nilang maging housemate, alam mo, umabot sila. That's what I heard, ha. Kasi nag-VO [voice over] ako for that kaya alam ko. E, lahat naman, wala namang pinili yung Ondoy, e—mahirap, mayaman, bata, matanda. Di ba, lahat talaga, grabe! Pero nakita ko naman na lahat nag-e-effort tayo. Hindi kailangan malaki, maliit na tulong, pero nakita ko na meron talagang tumutulong talaga."

Naapektuhan din ba siya ng bagyong Ondoy?

"Naapektuhan ako in a way na kasi nung day na yun, nag-Game KNB? ako. Tapos nag-Wowowee ako. Hindi umabot yung dalawang kasama ko [Toni Gonzaga at Bianca Gonzales] sa E-Live, nag-E-Live ako hanggang [Cinema] FPJ, kinain namin yung oras. So, ang tagal ko sa TV. Sabi ko, baka nasusuka na yung mga tao sa face ko, sunud-sunod. So, dun sa part na yun, na-affect ako.

"Pero you know, I'm really very, very blessed kasi yung family ko, I mean, nag-wait sila sa car for six hours, na-traffic sila, lolo't lola ko ganun. Pero ako, hindi ako binaha kasi mataas yung floor ng condo ko. I'm really so lucky and I'm so thankful," saad ni Mariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ZANJOE MARUDO. Nag-worry ba ang boyfriend niyang si Zanjoe Marudo?

"Hindi, because he knew I was in ABS. So, nakaka-text ko siya. Actually, kasi ang tagal ko sa ABS, sobra kasing takot ako sa baha. Takot ako kasi never ko pang na-experience yung lumusong sa baha. Hindi naman sa dirty water, scared lang ako na yung tubig papasok sa kotse. Hindi mo alam kung anong mangyayari. Never ko pa kasing na-experience, so scared talaga ako."

Tinutulungan daw siya ni Zanjoe sa pag-aayos ng condo niya. Ibig bang sabihin nito ay nagli-live in na sila?

"Matagal na isyu na 'yan," sabi ni Mariel. "Sabi nga nag-break na raw kami. Tapos may isyu pa na buntis daw ako. Teka lang naman, nag-e-effort ako para magpapayat, tapos sasabihin na buntis ako!"

Lumabas din ang isyu na nagselos daw si Mariel sa kasamahan ni Zanjoe sa Lovers in Paris na si Maricar Reyes. Totoo ba ito?

"You know, I answered it before, na I feel bad for Maricar because it's not true. First of all, hindi naman kami nag-break [ni Zanjoe]. So, it's really not true. Naaawa ako sa kanya kasi nasasangkot siya na hindi naman dapat. At saka feeling ko, kung sakali mang maghiwalay kami, hindi dahil sa ibang tao, sa third party. He's just not that way. I'm not naman that way also."

Ano naman ang masasabi niya sa naging pahayag ni Zanjoe (na lumabas din dito sa PEP) na if ever magli-live in sila ay hindi sa condo kundi sa totoong bahay talaga? (CLICK HERE to read related story.)

"Ay, that's so nice naman!" sambit niya. "Kasi nag-iipon kaming dalawa ngayon. Not just para sa aming dalawa. Pero alam ko para sa pansarili o sa pamilya, nag-iipon siya. Ako rin, nag-iipon ako."

In favor ba siya sa live-in?

"You know, mahirap mag-comment kasi merong iba na ginagawa yun. Tapos baka masaktan sila. So, kanya-kanya naman," sagot ni Mariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paano kung yayain siya ni Zanjoe na mag-live in, papayag ba siya?

"Maybe I will cross the bridge when I get there. Kasi for now, wala pa talaga."

GIVING TIME FOR EACH OTHER. Pareho sila ni Zanjoe na very busy sa kanilang showbiz commitments. Right now, tatlo ang shows ni Mariel sa ABS-CBN—ang Wowowee, Entertainment Live, at ang parating na Pinoy Big Brother Double Up. Paano pa sila nagkakaroon ng time na magkita?

"For example, katulad nung bumagyo, since walang taping, nakapunta siya sa akin. We make time naman. Like kahapon habang nagba-Banana Split siya, dumaan ako sandali bago sila mag-take. Nag-hi ako. Yung ganun, konting ways."

Nakakapag-date pa ba sila?

"You know what, birthday ng pamangkin ko ng Saturday tapos naka-watch kami ng movie."

Sinabi ni Mariel na nanood sila ng sine sa Alabang Town Center. Pero hindi agad niya sinabi na ang pinanood pala nila ay Yaya & Angelina: The Spoiled Brat Movie, kasi nga raw ay hindi ito from ABS-CBN o Star Cinema. Ang Yaya & Angelina ay mula sa GMA Films at APT Entertainment.

"Kasi, di ba, nagko-comedy siya, so gusto namin i-weigh. Kailangan alam mo rin yung nangyayari sa kabila. Kasi I watched Kimmy Dora and sobrang natawa ako. Ang ganda ng Kimmy Dora. Gusto ko lang i-compare kasi halos sabay," paliwanag ni Mariel.

Paano niya ide-describe yung relationship nila ngayon ni Zanjoe?

"I think Zanjoe and I are in a place na we understand each other. Alam namin yung priorities ng isa't isa. Siguro wala nang insecurity yung relationship namin, kasi matagal bago natuloy na naging kami."

So, wala nang puwang ang selos sa puso nila?

"Alam mo, para magselos pa kayo, parang ang petty, e, di ba? I really trust him. Kasi kung magloloko siya, e, di magloloko siya. Ganun talaga, wala akong magagawa. E, as of now, hindi naman kaya masaya ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WILLIE REVILLAME. Ano naman ang masasabi niya sa umano'y pagyayabang daw ni Willie Revillame sa Wowowee sa live announcement nito ng pagdo-donate ng one million pesos sa Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation? May isyung lumabas pa nga na parang sa laki ng kinikita ni Willie ay maliit lang daw ang one million pesos na donation nito.

"Kailan ba naging maliit ang one million?" balik-tanong ni Mariel. "Alam n'yo, hindi lang naman yung moment na yun tumulong siya, e. Marami pa siyang ibang tinulungan na hindi natin alam, di ba? Ang dami sa pamilya namin na nawalan din ng bahay, sino ang tutulong dun, si Kuya [Willie] ang tutulong dun. So, I think it's unfair to judge kung magkano ang ibibigay. Dapat maging thankful tayo na nagbigay. There's no help na malaki o maliit, ang importante yung sincere na pagbibigay."

Ano naman ang mako-comment niya sa sinasabing may halong pulitika raw ang ginagawang pagtulong ni Willie?

"You know, I cannot blame them for thinking that because yun naman talaga ngayon, e. Hindi lang naman siya dyina-judge. Si Ate Kris [Aquino] din may nagsasabing nangangampanya siya for Noy [Aquino]. But now is not really the time for that. We just have to work together kasi ang dami ngang kawawa talaga. Yung mga nega, after na lang nating sabihin yung mga nega. Pero sana tumulong na lang din tayo. Kasi sige, sabihin mo nga yun, o tapos ano ang mangyayari, di ba? Mas dapat ba siyang tumigil dahil sinasabi ngang nangangampanya lang ito, e. Sana walang ganun," pakiusap pa niya.

Sa part naman ni Mariel ay nagbigay siya ng personal na mga gamit niya dahil wala naman daw siyang milyones na ibibigay para sa mga biktima ng bagyong Ondoy. Ang sponsor din daw niyang Meg clothing ay nag-donate ng P200,000 worth of clothes. At nakatulong din daw siya para ipaabot kay Kris Aquino na nagho-host ng Sagip Kapamilya telethon ang text ng Globe Telecom para sa donasyon nitong one million pesos cash.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN