Three Airai members talk about their Survivor Philippines: Palau experience

(From left) Charles de Vera Fernandez, Tara Macias, and Cris Bolado are three of the remaining members of Airai.


Pagkatapos ng magandang simula ay biglang nag-disintegrate ang Airai tribe at naging sunud-sunod ang talo nila laban sa Koror sa Survivor Philippines: Palau.

Sa ngayon, apat na lang ang natitirang miyembro ng Airai samantalang anim pa ang sa Koror. Pero mababawasan na naman sila ng isa sa susunod na Tribal Council dahil natalo ulit ang Airai sa pinakahuling Immunity Challenge. Kasunod nito ay inaasahan na ang pagme-merge ng dalawang tribo kaya dehadong-dehado ang Airai kung bilang ng kakampi ang pagbabasehan.

Sa presscon na ipinatawag ng GMA-7 para sa mga miyembro ng Airai nung Biyernes, September 25, ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang tatlo sa apat na natitirang castaways mula sa nabanggit na tribo—sina Tara Macias, Charles de Vera Fernandez, at Cris Bolado.

Kasama nilang humarap sa press ang mga natanggal nang sina Maya Segovia, Troy Perez, Vlad Nesas, at Louie Ang. Ang isa pang miyembro ng Airai na si Mika Batchelor ay hindi naman nakarating.

TARA MACIAS. Una naming nakausap si Tara, na kapatid ng unang castaway na natanggal sa first season ng Survivor Philippines, si Chev Macias.

Tinaguriang "Taray Queen," si Tara ay galing sa original Koror tribe, pero nalipat siya sa Airai nang magkaroon ng tribal switch.

Kung pagbabasehan ang perception ng mga kapwa castaways niya sa kanya, marami ang hindi nagkakagusto si Tara. Wala rin siyang malinaw na alyansa sa alinman sa kanyang mga kasama kaya posibleng siya ang mauunang matanggal kapag nagkaroon ng merge, lalo pa't nakaligtas siya sa susunod na Tribal Council dahil sa kanya ibinigay ng Koror ang Immunity bracelet pagkatapos nilang matapos sa Immunity Challenge.

Tinanong ng PEP si Tara kung ano ang pakiramdam niya habang pinapanood ang mga sinasabi sa kanya ng ibang castaways—na karamihan ay hindi maganda?

"Yeah, I was very surprised... Binu-vote out talaga nila ako from the very beginning. But then, hindi nangyayari yun. I thought all the while na okay lang, okay lang... Parang ako, feeling ko, I did right lang naman, e. Wala naman akong tinatapakan or something. But then, judging a lot, like saying madaldal daw ako or something, tapos hindi naman napapakita na nagdadaldal talaga ako... I mean, it's just being truthful. So, ang hirap ng feeling na nadya-judge ka. So, kailangan mo magtaray talaga," saad ni Tara, isang Korean-English tutor sa Cebu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa naging very vocal sa kanyang pagka-ayaw kay Tara ay si Louie. Ano ang pakiramdam niya ngayong nagkikita-kita na sila ulit?

"Sa akin, seriously, sa nakikita ko ngayon... Kasi wala naman akong alam na ganun nga, na grabe nila akong pinag-uusapan, especially Louie, I thought all the while that we're good. But after that, when I saw it, like, 'Wow, grabe ka pala, dami mo pala sinasabi sa akin.' Kasi hindi ko naman alam na naasar pala siya sa akin... So, na-shock ako."

Kumusta ang pakikitungo nila sa isa't isa ngayon ni Louie?

"Well, good... Well, I don't know. I thought, yeah, we're good. I mean, I thought he's fine with me. But then I found out he doesn't like me... Sabi ko, 'Uy, Louie, and dami mong sinasabi tungkol sa akin. I thought we're good, hindi pala.'"

Isang katangian ni Tara na pinaka-ayaw raw ni Louie sa kanya ay ang pagiging "madaldal." Sa palagay ba niya ay naging liability ang kanyang pagiging madaldal para kainisan siya ng kanyang mga kasama?

"Hindi, kasi siyempre pag madaldal ka, yun yung pakikisama na tinatawag dun, e. So it's either lang kung i-take nila yun positively or negatively, yung pagka-madaldal mo... Para sa akin, sa tingin nila, very confident lang ako magsalita. Pero honestly naman, sa sarili ko, hindi naman ganun ka-feeling na confident ako, sinasabi ko lang," paliwanag niya.

Naging totoo ba siya sa kanyang sarili habang nandun siya sa Palau?

"Yes, I was," sagot ni Tara.

Kumpara sa kapatid niyang si Chev, malayo na ang nararating ni Tara sa Survivor Philippines. Kung si Chev ang unang natanggal sa first season, si Tara ay nananatiling matatag at hindi pa napapatalsik.

Hindi ba nai-insecure ang kapatid niya sa kanya?

"I don't know po," aniya. "Hindi po ako sure kung nai-insecure siya. Maganda naman yung kapatid ko. She's lucky naman, e. Wala siyang dapat kaanuhan sa aming dalawa. Kaming dalawang magkapatid, we're very thankful dahil nakuha kaming dalawa [sa show]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano yung napanood niya sa kay Chev na iniwasan niyang gawin para magtagal siya sa Survivor Philippines?

"Yung hindi siya nakikipag-usap about alliances, yun yung ginawa ko. In a very good manner lang nga," sagot niya.

Sinabi rin ni Tara na hindi niya ipinaalam nung una sa mga kapwa niya castaways na kapatid niya si Chev.

"Yes, hindi nila alam, lahat... Si Mommy Carol [Gementiza] lang... Sino pa ba, maybe si Jef [Gaitan], may hint siya konti, pero hindi nila talaga alam, as in. Si Echo [Caceres], idinenay ko talaga, sobrang idinenay ko, and that makes me a liar," sabi niya,

Bakit niya ginawa yun?

"I had to, kasi part yun ng strategy ko, not to say something about it. Kasi para sa 'kin naman, it's not a big deal. I'm not there to revenge... I want to join, of course. Exciting, It's not a joke, siyempre, di ba? For me, sobrang laki ng pera [cash prize]. So, kailangan ko sumali. At the same time, siyempre ano na rin, bawiin kung anong pangalan na..." paliwanag ni Tara.

Ano ang naging effect sa kanya ng Survivor Philippines?

"Marami, sobrang marami!" bulalas niya. "Ako kasi yung taong masyado akong positive sa lahat, e. I thought wala kang sasabihing masama sa akin, kasi naging totoo lang naman ako sa sarili ko. Parang ganun. So, yung kailangan pala maging maingat ka, kasi you can't please everyone."

CHARLES DE VERA FERNANDEZ. Sumunod naman naming nakausap ang tinaguriang "Raketista" ng grupo na si Charles, na tubong-Pangasinan. Gaya ni Tara ay galing din sa Koror tribe si Charles.

Pag-upo pa lang ni Charles ay sinabi na niya agad na: "Hello po, hello po. Pasensiya na kayo, mahiyain ako, tahimik po. Character ko po talagang mahiyain, tahimik. 'Tsaka hindi ako sanay sa tao. Naniniwala kayo?"

True enough, kabaligtaran ito ng kanyang character dahil halos wala siyang preno kung magsalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa unang episode pa lang ng Survivor Philippines: Palau ay nakitaan na ng kahinaan si Charles. Ilang beses na rin siyang sinigawan at minura nang harap-harapan ni Louie dahil hindi siya nakakatulong masyado sa mga challenges.

"Actually, talagang sobrang hirap, talagang mahirap [yung challenges]. Totally, yung mga pinapagawa, talagang sasaludo ka na... Ang ibang tao kasi, nanghuhusga na, e. Pero okay lang ako. Go lang ako nang go sa mga negative at saka bad comments. Hindi ka naman maaano, e. Pakialam ko sa mga 'yan!" pahayag ni Charles.

Ano naman ang pakiramdam niya tuwing sinisigawan at minumura siya ni Louie sa challenges?

"Kasi ako yung tao na ayaw ko na minumura ako, e. Hindi ko gusto yung minumura ako. Pero kailangan mong gawin, e. Kasi demonyo si Louie, e. Puwedeng sirain ka niya, na ito ang iboboto, gagawan ka niya ng paraan. Kaya kailangan kong kunin yung tiwala niya. Nakuha ko naman," sagot ni Charles.

Okay lang din daw kung inuutos-utusan siya ni Louie habang nasa camp sila.

Ano naman ang reaksiyon niya nang sabihin siyang "bakla" ni Louie?

"Hinuhusgahan na niya ako that time. Sabi niya, 'Para kang bakla, e.' Sabi ko, 'Hindi ako bakla.' 'Lalampa-lampa ka kasi, e.' 'Bakit ikaw, para namang ang yabang-yabang mo, e, dito nga wala ka namang nagagawa, e. Utos ka lang nang utos,' sabi ko sa isip ko. Pero hindi ko puwedeng sabihin sa kanya kasi kapag sinabi ko..." bitin niyang sagot.

Alam ba ni Louie ngayon yung nararamdaman niya? Nagkausap na ba sila?

"Actually, okay naman kami ni Louie ngayon, wala naman akong... Kasi ako, nasa laro kami, e, part ng game. Sumali kami, kailangan din naming panindigan yung ginagawa namin. Kami naman, kung ano yung nakikita n'yo, yun kami talaga. Kami talaga yun sa tunay na buhay. Reality show 'yan, e, wala kang maitatago, lahat ng baho mo lalabas," sabi ni Charles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ironically, kahit sinisigawan at minumura siya, si Louie raw ang pinaka-close na castaway kay Charles.

"Kasi utusan niya ako, utusan niya ako before... That time kasi, wala na yung 'Koror ka dati'. Ang importante dun, gumawa ka ng paraan para mag-stay. Nandoon ka na rin, pinaghirapan mo na rin 'yan, kailangan dire-diretsuhin mo na. Kung papalarin ka pa rin, makakagawa ka ng paraan para mag-stay pa rin.

"Kasi ang Survivor, hindi biro. Ang pinaka-number one na problem diyan ay pagkain. Nagtsa-challenge kami nang hindi kumakain, talagang mahilo-hilo kami... walang tubig. Talagang ang pinakamahirap yung swimming, e, magsu-swimming ka nang gutom ka. Nakakainom ka na ng tubig, talagang hindi ka na makahinga."

Bagamt inamin niyang crush niya ang katribo niyang si Mika Batchelor, sinabi ni Charles na kahit minsan ay hindi siya nakaramdam ng sexual urge habang nasa Palau sila.

"Actually, nung nandun kami, walang tinayuan sa amin. Why, hindi mo iisipin, e. Tinanong namin yung doctor... Una kasi ganito, ang focus n'yo, hindi doon. Ang focus n'yo nasa laro, wala kayong kinakain, wala na kayong iniinom na tubig. Kaya yung katawan n'yo, hindi nagpa-function lahat," sabi niya.

Paano nabago ng Survivor Philippines: Palau ang buhay niya?

"Ay, marami po!" sambit niya. "Totally yung pakikisalamuha sa tao, gustung-gusto ko. Kasi nasa business world ako, parang sanay sa public relationship. Ngayon, marami nang pumapansin sa akin. Talagang wow, ang sarap ng feeling! Pero simple pa rin ako, kasi humble pa rin ako. Naglalakad pa rin ako, kumakain pa rin ako sa canteen, nagde-deliver, naniningil... nagbi-business pa rin ako.

"Kasi hindi mo pa naman alam kung ano ang mangyayari after ng Survivor. Gusto ko tala itong ginagawa ko, pero kung pagbibigyan ako ng opportunity, why not? God's will na lang po. Iga-grab ko yung opportunity na yun... Kasi, hindi pang-habangbuhay ang pag-aartista. Maraming dumarating na mga bagong shows, mga talent search, kung ano pang mga programa para maka-attract ng bagong artista."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, may balak siyang mag-artista?

"Why not? Kung meron naman pong ibibigay na opportunity at offer ang GMA, bakit hindi ko tatanggapin?" sagot niya.

Ito ba ang reason kung bakit siya sumali sa Survivor Philippines?

"Hindi lang yun. Gusto ko ring patunayan sa lahat na may kaya pa akong ipakita. Dun ko natutunan ko na don't give up, lumaban ka lang nang lumaban, gumawa ka ng paraan para maka-survive ka, how to handle, how to manage... Kahit na minumura ka na, kahit gusto mo na lumaban, pero hindi mo puwedeng gawin, e."

Ano ang nagawa niya sa Survivor na hindi niya akalaing magagawa niya?

"Yung dati kasi, may phobia ako sa mga malalalim, e. Na ako, talagang hindi ako nalunod. Talagang pinasok ko yung Survivor, talagang nag-practice ako ng swimming. Basic lang. Pero nung sumama ako sa Survivor, dun ako natutong lumangoy," sagot niya.

CRIS BOLADO. Isang retired PBA player si Cris Bolado. Naglaro siya sa maraming koponan, kabilang na ang sikat na sikat na Ginebra noong panahon ni Robert Jaworski.

Pagkatapos niyang mag-retire sa PBA ay tahimik at simpleng namuhay si Cris sa lalawigan ng Quezon kasama ng kanyang pamilya. Kaya nga nagulat ang marami nang nag-audition siya sa Survivor Philippines: Palau.

Ano ang naging epekto ng Survivor Philippines sa buhay ni Cris?

"Okay naman, okay naman," sambit niya. "Nawala ako sa feeling na retired na talaga ako, retired na yung as in wala ka nang gagawin. So nung sa Survivor, parang nabuhay ulit, e. So lahat ng mga kasama ko noon sa PBA, tumatawag sila sa akin. 'Pare, kaya mo ba?' 'Oo, kaya ko 'to,' yung mga ganung mga usapan. Inaano ko na parang basketball pa rin. So, yun, natutuwa ako."

At 39, si Cris ang isa sa pinakamatandang castaway sa Survivor Philippines: Palau. Kumusta ang naging pakikisama niya sa mga mas batang castaways sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin naman ano, kung bata kasama ko, ganun din ako. Pag matanda, iba, may adjustment, e. So, marami na akong na-encounter na kung bata o matanda, sunod ka lang sa alon para makasabay ka sa kanila.

"Ang adjustment lang naman dun ay kung merong hindi nakiki-cooperate sa amin, na hindi nila ginagawa yung dapat, yung best mo. Ako, every team ko, ang attitude ko, ibibigay ko lahat, e. Yung parang walang bukas na, bahala na ulit bukas, yung parang gano'n. So kapag merong hindi nakipag-participate na isang tao lang o dalawang tao, sigurado talo. Kasi inaasahan nila ako, malaki, yung power niyan nandun. So, hindi yun. Yung teamwork dapat, di ba?" saad niya.

Dahil sa laki ng pangangatawan ni Cris ay inaasahan ng marami na magiging malakas siya sa mga challenges. Pero madalas ay natatalo pa rin ang tribo nila.

Aminado naman si Cris na nahirapan siya sa ibang challenges.

Kuwento niya, "Ang hindi ko lang naman kinaya, yung bumitin [sa kawayan]. So, yung time na yun, may mga sugat pa kami. So, hindi ako makaano, sa paa ko. Bale sa pangalawang challenge, alam ko na yung gagawin, in-explain sa amin. Sinabi ko na hindi ako tatagal. Kung wala akong diperensiya sa balat, siguro tatagal ako. Pero at least, ginawa mo yung best mo, pero inamin ko sa kanila na hindi ko kaya. "

Nahirapan din daw siya sa challenge kung saan kinailangan nilang kumain ng fruit bat.

"Alam mo bang sobrang ano ako... Kasi hindi ko alam yung challenge na yun, two days akong walang kinain, 'tsaka hindi ako uminom ng tubig. Yung challenge na yun, sabi ko, uminom pala dapat ako ng tubig para may fluid ako. Hindi ko nalunon yung may balahibo. So dito [sa lalamunan], umistak lang dito. Bumalik, nandito na siya, bumalik, e. Talagang may natira pang balahibo dito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang isang bagay na akala niya ay hindi niya magagawa pero nagawa niya sa Survivor Philippines?

"Yung sa akin, yung malaking bato na binuhat namin," sagot ng dating PBA player. "Kasi, di ba, sobrang bigat nun? Parang itatawid, iaangat mo lang para bitbitin mo siya. Mahirap na yun. So ayun, medyo nahirapan ako dun kasi ako yung nasa ilalim. So, sabi ko, 'Naku, puputok yung sa sobrang bigat.' Kasi 350 kilos, tapos wala kang kinain, walang tubig, tapos sobrang init! Mabubuhat mo ba yun? Yun ang pinaka-hindi ko malilimutan. Akala ko nga mababali yung tuhod ko sa sobrang bigat, e."

Hindi ba nag-alala si Cris nung sumali siya sa Survivor Philippines na magiging target siya agad ng kapwa niya castaways dahil kilala siya at malaki ang katawan niya?

"Hindi naman, hindi naman," sagot niya. "Kasi bago pa lang, unang-una, bago ka pa lang magde-develop ng alliance. So, ang pagbabasehan talaga, challenge. Kung sino yung mahina sa challenge, siyang unang matatanggal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN