Alfred Vargas will play Emilio Aguinaldo in Mario O'Hara movie

Alfred Vargas may become a real political figure, too. He'll be running for councilor of the 2nd district of Quezon City in next year's election.


Handa si Alfred Vargas na mag-lie low sa paglabas sa TV sakaling i-require sa kanya ito bilang napipintong kandidato para sa 2nd District ng Quezon City sa panahon ng pangangampanya.

"Nakausap ko na rin ang mga taga GMA-7 pagdating diyan, pero habang wala pa, sige pa rin ang labas ko sa Darna. Ayaw na talaga akong bitawan ng GMA-7 dahil simula nang magkakontrata ako sa kanila, never akong nawalan ng project sa kanila.

"May time na mga dalawang buwan lang yun na walang regular soap, pero kaliwa't kanan ang guestings ko. Hindi ako nawawala, at saka laging may malaking project kung saan kasama ako, kaya wala akong masabi sa ganda ng suporta ng GMA-7 sa career ko," sabi pa ni Alfred.

Hindi rin siya magtataka kung pati ang political ambition niya ay may pagpapala ng GMA-7 at susuportahan pati ang pagpasok niya rito.

"Pagkatapos ko na lang na mag-file ng candidacy, roon ko ipaaalam ang iba pang detalye," ani Alfred. "Pero, habang wala pa, nakatutok ako sa career ko. At saka habang may pagkakataon, sinasamantala ko na yung mga bagay na, normally, hindi ko nagagawa.

"Gaya ng pag-attend ng international film festivals. Yung Colorum, kasama sa Tokyo Film Festival, kaya I'm off to Japan for that. May iba pang invitations kaya gusto ko ring mag-attend, at isa naman ito sa mga gusto kong mangyari kaya tumanggap ako ng indie film na naging entry pa sa Cinemalaya," kuwento ni Alfred.

INDIE-MAND. May puso na ang aktor sa indies. In fact, mayroon siyang standing offer from Lav Diaz, na isang premyadong direktor na kung tutuusin, at excited din siya sa offer ni Mario O'Hara.

"Nang malaman ko na interesado sa akin ang mga filmmaker na hinahangaan ko, umoo agad ako. Tuloy pa rin daw yung kay Direk Lav, pero nagkakaproblema lang sa funding sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kinausap na ako for the Mario O'Hara project, biopic ni Emilio Aguinaldo ang material. So, I'm planning to shed a lot of pounds for the role. Yun ang preparation ko. I really have to look like Emilio Aguinaldo, pati yung tikas niya as a military man, pinag-aaralan ko na rin to be convincing.

"Gusto kong nasa kondisyon ang katawan ko kapag nag-umpisa na kami ng shooting," naipagtapat sa amin ng aktor.

PROJECT FOR FUTURE CONSTITUENTS. Katulad ng ibang artistang pumapasok sa pulitika, sa darating na 2010 elections, naghahanda nang ibabala kumbaga sa giyera itong si Alfred.

"Nakipag-usap na ako sa ilang officers ng ENPRESS [Entertainment Press Society, Inc.] for a project na tutulong sa maraming tao, at nataon nga na may calamity na nangyari.

"Isa sa talagang naapektuhan ay ang maraming nasasakupan ng District 2 sa Quezon City. Itataon ko sa birthday ko this October ang project na 'yan, to be more significant. My friends from ENPRESS are willing to give naman their share, para rin sa club nila yun," sabi pa niya.

Tuluy-tuloy rin ang pagiging negosyante o entrepreneur ni Alfred. Ang Cafe Mundial niya sa may Ortigas, sa likod ng SM Hypermart at sakop ng Tiendesitas, ay talagang humahataw ng regular customers.

"Personal supervision lang talaga, at very happy ako sa turnout din ng Makulay Farms sa Sta. Maria, Bulacan. Napakaganda ng ani kahit nga sumama ang panahon. Nama-manage pa rin, at malaking bagay yung mayroon akong mapagkakatiwalaang staff doon.

"At saka importante nga yung ako mismo ang nakakaalam sa takbo ng mga negosyo, kaya kung anuman ang kailangan, natutugunan kaagad," sabi pa ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN