Survivor castaways Jef Gaitan and Marvin Kiefer admit they like each other, but they're not yet together

"I like yung pagiging suplado niya, na kapag kayo lang, he can be open pala, he can be very, very sweet. Marvin's smart. You can talk to him about anything, and meron siyang opinion lagi, meron siyang masasagot. Tapos yun nga, he's sweet na hindi nakikita ng lahat," says Jef Gaitan (right) about fellow Survivor Philippines: Palau castaway Marvin Kiefer.


Almost isolated on an island for possibly 39 days, a romance would most likely develop between two young and beautiful persons. Such is the case for Survivor Philippines: Palau castaways Jef Gaitan and Marvin Kiefer.

Sina Jef at Marvin ang dalawa sa nalalabing castaways ng second season ng hit reality show ng GMA-7. Mula sa Koror tribe, kasama sila sa magaganap na merge this week; along with eight other castaways.

Mula nang magkaroon ng shuffle sa dalawang tribes, kung saan nalipat ang dating taga-Airai na si Jef sa Koror, nasaksihan ng mga manonood ang pagka-develop ng feelings nina Jef at Marvin para sa isa't isa. Kung sa first season ng Survivor Philippines ay na-develop sina Vern Domingo at Rob Sy, dito sa second season ay tila ganun din ang mangyayari kina Jeft at Marvin.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Jef at Marvin sa second presscon na ibinigay ng GMA-7 para sa castaways ng Survivor Philippines: Palau last Friday, October 2, sa Mutya Hall ng Sulo Hotel sa Quezon City. Kung last week ay ang mga miyembro ng Airai ang iniharap sa entertainment press, this time ay ang mga miyembro naman ng Koror ang nakausap namin.

Bukod kina Jef at Marvin, humarap din sa press sina Echo Caceres, Shaun Rodriguez, at Suzuki Sadatsugu; si Mika Batchelor ng Airai na hindi nakasama sa unang presscon; at ang unang castoff na si Justine Ferrer na nanatili sa Isla Purgatoryo. Si Amanda Von Colley Van Cool ay bumalik na raw sa Alaska.

Kapwa aminado sina Jef at Marvin na "close" sila ngayon, pero nilinaw nila na hindi pa sila.

NYOY VOLANTE'S EX-GIRLFRIEND. Si Jef ay ex-girlfriend ng acoustic singer na si Nyoy Volante. Habang nasa Palau si Jef ay nabanggit niya sa show na may problema na sila ni Nyoy bago pa man siya umalis papuntang Palau. At nung bumalik siya sa Pilipinas ay saka raw sila pormal na nag-break.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The day na nag-arrive ako from Palau... Kasi there were issues na even before pa ako umalis. The thing is dito [Survivor Philippines], you can't tell anyone na aalis ka. So, meron kaming mga naiwang unresolved issues nung umalis ako. So when I got there, marami naman akong na-realize.

"Pagbalik ko, as in right after mag-arrive ako from Palau, we talked again, and then we ended naman nang maayos. Kasi before I left for Palau, nag-uusap na kami and we are already considering separation at that time," lahad ni Jef.

Almost two years daw ang naging relasyon nila ni Nyoy at ngayon daw ay magkaibigan sila.

Hindi ba nakaapekto sa breakup nila ni Nyoy ang closeness ni Jef kay Marvin?

"Ah, no. Hindi po, malayo," sagot ni Jef. "Kasi at that time, wala pa namang anything with Marvin. It's more of fun-fun lang sa island, nagkatuwaan lang..."

So, pang-"fun" lang si Marvin?

"No, no, no... It's real!" paglilinaw niya. "It's just that nung time na 'yon, hindi pa 'yon yung mako-consider mo na, 'Oy, I'm gonna break up with my boyfriend for this guy.' Hindi pa sa ganung point nung time na 'yon."

GETTING TO KNOW EACH OTHER. Mag-on na ba sila ni Marvin? May commitment na ba sila?

Natawa muna si Jef bago sumagot. Aniya, "No commitment. Wala. We're not together. Marvin and I, we're very, very close ngayon. Among all the castaways, siya na yung mas close because we hang out together. We're getting to know each other more."

Pero madalas silang magkasama together. So, ano ang ibig sabihin nito?

"Yes, 'cause we're comfortable with each other. Tapos, we like each other. We both know naman na we like each other," sagot ni Jef.

So, friends lang sila?

"Special friends," sambit niya.

Ano yung qualities na nagustuhan niya kay Marvin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I like yung pagiging suplado niya, na kapag kayo lang, he can be open pala, he can be very, very sweet. Marvin's smart. You can talk to him about anything, and meron siyang opinion lagi, meron siyang masasagot. Tapos yun nga, he's sweet na hindi nakikita ng lahat."

Marvin is younger than Jef by four years. Marvin is 18 while Jef is 22. Pero wala naman daw itong kaso sa kanila.

"Wala, kasi pag kasama ko si Marvin, feeling ko, may kausap akong mas older pa sa akin," sabi ni Jef.

Is he courting her?

"Bakit ako ang sasagot niyan?" natatawa niyang sagot. "I don't see it as courtship. Pero may effort from him. We both talked about it na priorities muna. Unahin muna namin ang dapat naming unahin... After Palau kasi, we got close po. Mas naging close kami."

IF THERE ARE OPPORTUNITIES... What are her priorities now?

"To find a job. Trabaho muna."

May balak ba siyang mag-artista?

"Kung ma-open po yung doors, yung opportunities, why not? Right now, tina-try kong bumalik sa modeling, medyo mahirap pa," saad ni Jef.

Marami ang nakakapansin na may hawig si Jef sa Kapuso star na si Heart Evangelista. At ayon nga kay Jef ay may mga nagsasabi na nito sa kanya.

"Siyempre, natutuwa because it's Heart. I like her," sagot niya nang tanungin namin kung ano ang pakiramdam pag sinasabing kamukha niya si Heart.

TWO MODELS. Ayon naman kay Marvin, isa sa mga dahilan kung bakit sila naging close ni Jef simula pa lang nung nasa Palau sila ay dahil pareho silang models.

"Kasi we got to relate, kasi model din siya. We know people that she knows. Small world kind of thing. Mas naka-relate ako sa kanya," paliwanag ng 18-year-old castaway.

Was there an attraction on his part?

"Oo naman, yes," pag-amin ni Marvin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Jef na may "effort" on his part to court her. Ano ang reaksiyon ni Marvin dito?

"Well, basically, we're just hanging out. We're close. I think right now, medyo it's not time, it's not the right time. But at the same time, we still hang out, we still get close..."

Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Marvin sa naging breakup nina Jef at Nyoy. Maaari kasing isipin na isa sa mga dahilan kung bakit tuluyan na ngang nakipag-break si Jef sa singer ay dahil sa naging close na sila ni Marvin.

"Kay Nyoy, in the island, she was already talking that they're having problems and they were about to break up when she left. But since she left, hindi nagkatuluyan na mag-break sila.

"When we got back to the Philippines, nag-separate kaming lahat, yung castaways. We were not really allowed to see each other. So, yun, bumalik na ako sa Cagayan and relax. And then I saw her a couple of weeks after, nun sa launch na [ng Survivor Philippines: Palau]. Dun na kami nag-usap uli. We started talking. Sa island naman, we just get close, and we liked each other, but nothing really pushed through and happened. From the presscon, that's where we started talking," lahad ni Marvin.

Aminado rin si Marvin na madalas silang magkita ni Jef.

"Oo, madalas kaming magkasama. Kasi we always hang out, mga group. I see her, minsan kami lang dalawa. We hang out a lot."

LIFE AFTER SURVIVOR. Ano yung plans niya after Survivor? Papasukin na rin ba niya ang pag-aartista?

Ani Marvin, "My line of work is modeling. Tingnan natin. We're back to our old life. But we'll see what happens after the show, kung ano ang offer, kung anong mangyari, kung meron bang offer."

Does he like to enter showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, why not?" sagot niya. "I'm willing to try. It's there, so if they give me an opportunity, I'll grab it."

What can he offer to the public if he decides to enter showbiz?

"I've done a little bit hosting before, so I think I really like to go into hosting. I'll try acting... I do dance. Recently, I've been practicing some gymnastics, so I can do some flips, stuff like that... I mean, I'll see what's there. I'll take it from there, do whatever, I'm game for whatever," sabi ni Marvin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN