Sam Milby unharmed in a minor vehicular accident

Fil-Am actor-singer Sam Milby was involved again in a minor car accident last Saturday, October 3, in Libis, Quezon City. It can be recalled that Sam got into a road mishap last July 10, 2007.


Nabangga ang sasakyan ng aktor na si Sam Milby last Saturday, October 3, sa bandang Libis, Quezon City. Papunta dapat si Sam sa burol ng ina ng direktor na si Wenn Deramas nang bigla na lang daw sumalpok sa likuran ng kanyang bagong Toyota Grandia van ang isang kotse na mabilis ang pagtakbo.

Tumaob ang sasakyan ni Sam at nabasag ang salamin sa kaliwang bintana ng kotse. Mabuti na lang daw at naka-seatbelt si Sam kaya hindi siya tumilapon o naumpog nang husto ang ulo niya sa loob ng kotse.

Pero nalungkot naman si Sam nang makita niya na isang matandang babae ang inilabas sa sumalpok na kotse sa likuran ng van niya.

Laking pasalamat ng mga nagmamahal kay Sam dahil hindi siya nagtamo ng major injury sa katawan. Agad na tinawagan ni Sam ang ex-girlfriend na si Anne Curtis na siyang naghatid sa kanya pauwi. Dahil wala namang major injury si Sam, nagdesisyon ang aktor na magpahatid na lang kay Anne sa kanyang bahay sa Pasig.

Matatandaang noong 2007 ay nasangkot din si Sam sa isang minor car accident. Nabangga ng isang FX ang Toyota Sequioa ni Sam noong madaling-araw ng July 10, 2007 sa C-5 sa Taguig. (CLICK HERE to read related story.)

Samantala, maugong ang tsismis na tuluyan nang nagkabalikan sina Sam at Anne. Pero nilinaw ng aktor sa kanyang manager na si Erick Raymundo na wala pa raw balikang nagaganap sa kanila.

Ayon kay Sam, they're still dating and they're taking their time na mas makilala pa nang husto at manatili ang kanilang friendship kesa sumabak ulit sa isang relasyon at pagkatapos ay maghihiwalay lang sila ulit.

Sa ngayon, hinahanda na ng Star Cinema ang isang pelikula na pagtatambalan nina Sam at Anne. Anytime this week ay magaganap na ang storycon para sa pelikula na ididirek ni Mae Cruz.

Last Sunday, October 4, itinuloy na ni Sam ang pagpunta sa burol ng ina ni Direk Wenn with Anne. Doon ay nagkita-kita sila ng leading lady niya sa pelikulang Ang Tanging Pamilya na si Toni Gonzaga, kasama ang boyfriend ng huli na si Direk Paul Soriano at ang natsitsismis na magkasintahan na sina Meryll Soriano at Joem Bascon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN