Jericho Rosales downplays his heroic act during typhoon Ondoy's onslaught

"Sa panahon na ganun, instinct na yun, wala ka nang magagawa, lumalabas na, kailangan na, game na! Ang daming heroes diyan na hindi name-mention na mas dapat. Ang kailangan ng bayan natin ngayon ay inspirasyon," says Jericho Rosales.


Sa kasagsagan ng paghagupit ng bagong Ondoy, isa sa itinuring na bayani sa hanay ng mga artista ay ang Kapamilya star na si Jericho Rosales. Lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mga larawan ni Jericho sakay ng kanyang surfing board habang nagliligtas ng ilang kababayan natin sa gitna ng lagpas-taong baha sa Marikina. (CLICK HERE to read related story.)

Noong una ay naging tikom ang bibig ni Jericho na magsalita tungkol sa kabayanihang nagawa. Pero last Sunday, October 4, ay nagbigay na rin ng pahayag ang aktor sa nangyari sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ASAP '09.

"It's not that I don't want to talk about it," umpisa niya. "I saw naman the good results, may mga na-inspire na tumulong din. I'd like to believe na ganun ang nangyari. Para sa akin, wala yun. Mas gusto mong saluduhan yung isang construction worker, sa pamilya niya. Saludo po ako sa anak ninyo na sumagip ng 30 katao, tapos namatay siya.

"Sa panahon na ganun, instinct na yun, wala ka nang magagawa, lumalabas na, kailangan na, game na! Ang daming heroes diyan na hindi name-mention na mas dapat. Ang kailangan ng bayan natin ngayon ay inspirasyon.

"Me naman as a celebrity, yun ang edge kasi nakikita kami sa TV... Sige, i-inspire natin ang mga tao. At first, I didn't want to talk. Pero sabi ni Tita Angeli [Pangilinan-Valenciano, Echo's manager] and the rest of the gang, 'You know you're inspiring people and nakatulong yun.' It feels good. Someone even said to me, 'Para ka palang superhero,' and childhood dream ko yun. Glory to God! Thanks for my youth that I can still do it," saad ni Jericho.

KRISTINE HERMOSA. Maaaring ang kabutihang ginawa ni Jericho ay pasasalamat at pagbabalik din sa Nasa Itaas sa mga magagandang nangyayari sa kanyang career, at sa mga kababayan nating sumuporta sa mga proyektong nagawa at ginagawa. Isa na nga rito ay patuloy na mainit na pagtanggap ng publiko sa Dahil May Isang Ikaw at sa pagbabalik-tambalan nila ni Kristine Hermosa pagkatapos ng halos limang taon ng paghihiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you so much, keep watching lang Dahil May Isang Ikaw. Ano pa lang ang nakikita ninyo, kumbaga, tip of the iceberg. Hindi pa ninyo nakikita ang kabuuan. Patikim pa lang 'yan, matagal pa ang tatakbuhin namin.

"It feels good, nakaka-surprise, nakatuwa. Even nga yung mga kasama ko sa industriya, yung mga iba kong mga naging co-actors, even sila PJ [Piolo Pascual] and Vhong [Navarro], sabi nila, 'Iba ang chemistry ninyo talaga [ni Kristine].' I'm very happy about that. Kahit maraming taong hindi nagsama, maraming nangyari in between, professionally now, professionally, I can say... Kasi before kami, di ba? Pero ngayon, walang halong personal. We respect each other, nirerespeto namin ang trabaho naming dalawa. It comes out naturally, beautifully, ang ganda!"

Hiningan din namin ng pahayag si Jericho sa lumalabas na balita na sakit daw ng ulo sa set ng Dahil May Isang Ikaw si Kristine. Pasaway raw ang aktres at pag ayaw magtrabaho ay hindi uma-attend ng taping. May balita pa na na-pack up daw before ang taping ng Dahil May Isang Ikaw dahil mas pinili pa raw ng aktres na mag-badminton kasama si Oyo Sotto.

Ipinagtanggol naman ni Jericho si Kristine.

Aniya, "Wala akong alam o nakikitang hindi siya uma-attend sa taping. Most of the time, magkasama kami sa eksena. Yes, we have a cut-off and I don't see anything wrong with that. I do also have a cut-off. Mas maaga nga lang yung cut-off niya kaysa sa akin.

"I don't know, wala akong masyadong balita. But for me now, okay kaming magkatrabaho. Wala akong mairereklamo, pag mabigat ang eksena, nandiyan siya, all out siya sa eksena namin. She's on time naman, hindi naman siya sakit ng ulo sa set.

"Regarding that badminton issue, I don't think she'll do that. Kung anuman ang mga internal problems, hindi ko alam. But I'm sure kung anumang bagay ang nangyayari, may mga rason 'yan. But again, I don't know what's happening. Ang alam ko lang na medyo nahihirapan kami, yun ay sa sked namin due to typhoon, rains. But everyone naman is cooperating. Pag kailangang mag-extra taping days kami, nag-e-extra taping days kami," saad ni Jericho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIRST ALBUM IN STAR RECORDS. May bagong album din ngayon si Jericho under Star Records, ang Change.

"It's my first album under Star Records. Star Records and I produced it. My carrier single is 'Pusong Ligaw,' it's an original song na isinulat ko. Isinulat ko yun matagal na tapos ni-rewrite ko for Dahil May Isang Ikaw," banggit niya.

Ang iba pang cuts sa album ay "Guitar Man," "Change The World," "Love Bug" of Jonas Brothers, "I Love Your Ways," "Di Bale Na Lang," and "Beautiful In My Eyes."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN