More sources confirm Richard Gutierrez airport incident

Raymond Gutierrez (not in photo) tweeted yesterday that his family plans to "ignore" the recent incident involving his twin brother Richard (main photo) who reportedly spat on his boarding pass, slammed it against a wall, then shouted at an airport personnel.

Richard and Jewel (inset) were supposed to fly to Malaysia but were "offloaded from the flight."


Kahapon inilabas ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pag-iskandalo umano ni Richard Gutierrez sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, kung saan "dinuraan daw ng aktor ang boarding pass nito at hinampas sa pader, at pagkatapos ay pinagsalitaan ng masama ang taong kausap." Ayon sa nakuhang report, nangyari ang insidente noong Biyernes, Oktubre 2. (CLICK HERE for related story.)

"AKO NAUNA SA RADYO...." Kahapon din, binanggit ni Ogie Diaz sa kanyang radio show na Wow Showbiz! ang tungkol sa isang aktor na nagwala sa airport, pero hindi niya pinangalanan kung sino.

Sa description ng showbiz columnist at radio host-TV personality sa kanyang blind item sa radyo, ang aktor ay "nagwala, nagmura at dinuraan ang boarding pass bago pinunit at saka itinapon sa kausap nitong airport personnel."

May pagkakapareho ang kanyang pagkakalahad sa ilang detalye na inilabas sa PEP, maliban sa destination ng flight. Ayon sa kanya, patungong Bangkok si Richard, kasama ang girlfriend na si Jewel Mische. Ang naisulat naman sa website na ito ay "Kuala Lumpur, Malaysia."

Nang kausapin namin si Ogie sa pamamagitan ng cell phone kanina, sinabi nitong kahapon ng umaga niya binanggit sa kanyang 11 a.m. showbiz show sa radyo ang blind item.

Ang bungad niya, "Nauna kayo sa written form. Ako nauna sa radyo at as blind item. Bilib nga ako sa inyo, pinangalanan n'yo." Ang balita ay nakalap daw ng "pinsan ng friend" ni Ogie.

Sinubukan din daw ng radio show niya na makakuha ng karagdagang detalye mula sa isang opisyal ng Cebu Pacific Air, ang airline na dapat sana'y sasakyan nina Richard at Jewel noong gabi ng Biyernes, ika-2 ng Oktubre. Subalit ang kuwento ni Ogie, "Wala pa raw nakakarating sa kanya..."

Pinangalanan na ni Ogie sa kanyang kolum sa People's Tonight, na inilathala sa araw na ito, kung sino ang nag-iskandalong aktor. Ito nga ay si Richard Gutierrez. Dugtong niya, "Panay nga ang banggit ko ng PEP.ph, e..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan din daw niyang kontakin ang ina at talent manager ni Richard na si Annabelle Rama subalit "out of reach" daw ang cell phone number nito.

Bukod sa radio show ni Ogie, lumabas din sa ilang Facebook discussions at blog sites ang airport incident na kinasangkutan ni Richard.

RAYMOND TWEETS. Samantala, ilang minuto pagkatapos inilabas ng PEP ang artikulo tungkol sa pagwawala at paninigaw ni Richard sa airport, nag-react ang kakambal nitong si Raymond sa pamamagitan ng kanyang Twitter.

At dahil sa naka-public profile ang account nito, ilang PEPsters ang nag-post ng kanyang mga tweets sa comments column ng PEP. Heto ang mga posts sa account ni "Mond Gutierrez" (published as is):

"wow.it seems like PEP is really out to get my bro.no airport incident happened-he's been in the country &was even in Mel&joey live lastnight"--16 minutes ago from web

"Just called my brother reg the latest article on PEP. Like me, he is saddened & shocked. another day, another lie. what can we do..."--14 minutes ago from web

"there are a lot of future scriptwriters out there. half of them work for PEP."--13 minutes ago from web

"all the negative press the past few months... wonder who's behind it all. hmmm... lets all take a wild guess shall we?"--12 minutes ago from web

"Nakakatawa ang PEP. fri-he was in GMA with the people from GMA films; Sat-he worked out in his condo&had a meeting; Sun- he was on Mel&Joey."--7 minutes ago from web

MORE FACT-FINDING. Sa sinasabi ni Raymond Gutierrez na "nakakatawa ang PEP" dahil noong Biyernes ay nasa GMA Films ang kambal na si Richard, wala namang sinasabi ang PEP na hindi totoo iyon. Walang dahilan ang PEP upang hindi paniwalaan na si Richard ay nasa piling ng mga tiga-GMA ng araw ng Biyernes. Ang tanging sinasabi ng PEP ay nasa NAIA si Richard ng gabi ng Biyernes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa sinasabi rin ni Raymond na noong Sabado ay nag-workout si Richard sa kanyang condo at may ka-meeting pa, at na noong Linggo ay nasa Mel and Joey, wala ring sinasabi ang PEP na wala si Richard doon. Walang komento ang PEP dito.

At kung ginagamit ni Raymond ang mga datos na ito upang patunayang narito sa Pilipinas at wala sa ibang bansa si Richard, sang-ayon din ang PEP doon. Sinasabi nga ng PEP na hindi nakalipad si Richard; napagsarhan siya sa boarding gate ng NAIA noong Biyernes ng gabi.

Ang pinaninindigan ng PEP ay nasa NAIA Terminal 3 si Richard, kasama si Jewel, ng gabi ng Biyernes, Oktubre 2. Kung ito ang itinatanggi ni Raymond, doon siya nagkakamali sa datos niya.

Sinegundahan ng isa pang PEP source—na noong mga oras na 'yon ay nagre-rebook ng kanyang flight sa ticketing office ng Cebu Pacific Air—na si Richard ang kanyang nakita't narinig na sumigaw sa NAIA Terminal 3 noong Oktubre 2.

Pero hindi naabutan ng source ang eksena sa boarding gate kaya ang inilahad niya ay yung insidente sa "rightmost check-in counter, under the big column" na malapit sa ticketing office.

Sa email na natanggap ng PEP, alas 3:25 kaninang hapon, aniya: "I was initially at the ticketing office when the manager shouted, 'Sino sa inyo nag-issue ng ticket ni Richard Gutierrez?' Referring to the ticketing personnel, a girl raised her hand and then the manager talked to that person..."

Lumabas daw ang source sa office para puntahan ang kanyang ina na nakaupo sa isa sa hanay ng mga upuan sa harap ng ticketing office. Sa pagpapatuloy niya, "My mom did not realize that it was Richard who was making the scene as they [Richard and Jewel] were both wearing caps. She thought he was just some regular outraged guy."

Ang insidente ay nangyari "around 9pm," at sa pagdedetalye niya: "He was screaming mad, demanding to get a refund...'Ibalik niyo pera ko! Ano bang klaseng sistema meron kayo dito?' Nagwawala talaga..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na nasubaybayan ng pangalawang source kung paano natapos ang insidente. "I was also preoccupied with having my flight rebooked. I went back to the ticketing office."

Papunta siya ng Singapore at dapat sana'y 8:30 p.m. noong gabing iyon ang kanyang flight. Aniya, "My flight was supposed to be 5J 803 bound to Singapore leaving at 830pm," and the ticketing personnel reportedly told her, "Ma'am kasama mo dapat si Richard sa flight."

Pero gaya ng una nang nabanggit dito sa PEP, Malaysia ang talagang destination ng dalawang GMA-7 stars.

Nagpunta ang PEP sa Bureau of Immigration (BI) at tinanong kung nai-log ba nila ang pagdating nina Richard at Jewel sa airport noong Biyernes ng gabi. Matatandaang binanggit sa artikulo kahapon na "dumating sila [Richard at Jewel] sa Immigration Counter 8:50 p.m., na last step before boarding stage."

Kinumpirma ng aming immigration source na nandoon nga ang aktor, at heto ang detalyeng naitala ng Immigration Department records division: "October 2, 2009 via 5J501 (Cebu Pacific)."

At noong i-research ng PEP kung saan papunta ang nasabing flight: "MNL-KUL."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN