Joseph Bitangcol's work with ABS-CBN helps him recover losses from Ondoy flood

"Siyempre, nandun pa rin yung pagmamahal. Siya kasi yung pinakamatagal kong naging girlfriend, e. Three years din kami. Sa lahat ng naging girlfriends ko, siya yung talagang napamahal din sa akin. May mga time na iniisip ko kung okay siya, yung naaalala 'ko pa rin," says Joseph Bitangcol about ex-girlfriend Sandara Park.


Inamin ni Joseph Bitangcol na kasama sila sa mga naapektuhan ng matinding pagbaha noong kasagsagan ng bagyong Ondoy. Nakatira kasi ang young actor sa Greenpark Subdivision sa Manggahan, Pasig, na inabot ng mataas na baha.

"Yun nga, kasama rin kami sa mga naging biktima ni Ondoy. Ang taas ng baha, kasi sa labas ng bahay, lagpas tao na. E, sa amin sa loob ng bahay, hanggang leeg na," bungad na kuwento ni Joseph nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong pang-hapong soap na Nagsimula sa Puso kagabi, October 6, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Nag-stay lang daw sila sa second floor ng bahay nila na mabuti ay hindi nga inabot ng baha. May mga na-save ba silang gamit?

"May konti namang na-save. May konting damit, tapos yung mga gamit sa itaas."

Paano siya nakaka-recover ngayon?

"Ngayon, pinu-push talaga namin yung business namin, yung barbecuehan pa rin doon sa village namin. Pag nakakuha pa kami ng konti pang-ipon, baka magbukas kami ng isa pang branch sa ibang puwesto naman."

Kapag walang taping, madalas daw mag-stay si Joseph sa barbecue stall nila.

"Pag walang taping, doon lang ako. Dagdag-atraksyon din para sa mga taong nagdadaan, di ba? At saka para makilala din ng mga hindi pa alam na sa amin yung barbecuehan," sabi ni Joseph.

BACK TO ABS-CBN. Malaking tulong din daw para maka-recover si Joseph sa mga nawala sa kanila ang pagkakaroon niya ulit ng regular na trabaho sa ABS-CBN. Balik-Kapamilya ulit si Joseph, una na sa Agimat Presents Tiagong Akyat na pinagbibidahan ni Gerald Anderson. Ngayon naman ay sa Nagsimula sa Puso, na pinagbibidahan naman nina Maja Salvador, Jason Abalos, at Coco Martin.

Kasama rin sa cast sina Nikki Gil, Jaclyn Jose, Gloria Diaz, Ronnie Lazaro, Irma Adlawan, Buboy Garovillo, at NiƱa Jose. Directed by Malu Sevilla at Darnel Joy Villaflor, ang Nagsimula sa Puso ay mapapanood na simula sa Oktubre 12 sa ABS-CBN Hapontastic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit siya nagdesisyong bumalik sa ABS-CBN matapos niyang iwan ito at magtrabaho sa GMA-7?

"Nagkataon kasing wala akong trabaho sa GMA," sagot ni Joseph. "Parang one month na nung natapos yung huling project ko sa kabila, which is Totoy Bato. Siguro mga ilang weeks wala pa akong nababalitaang kasunod.

"Tapos, nag-offer ang ABS, una nga yung Tiagong Akyat. So, grinab ko agad kasi, siyempre, masarap ding malaman na, wow, interesado pa rin pala sila. Siyempre iba pa rin yung home base mo, e. Nandito na ulit ako sa pinanggalingan ko. Tapos nasundan na nga nitong Nagsimula sa Puso. Kaya thankful din ako sa ABS-CBN, kina Sir Deo [Endrinal]."

Si Joseph ay produkto ng unang batch ng Star Circle Quest, kung saan kapanabayan niya ang nanalong si Hero Angeles, sina Roxanne Guinoo, Michelle Madrigal, Joross Gamboa, Melissa Ricks at ang naging ex-girlfriend niya na si Sandara Park.

WORKING WITH COCO, JASON & MAJA. Ginagampanan ni Joseph sa Nagsimula sa Puso ang role ni Eugene, ang matalik na kaibigan ng character ni Coco Martin na si Carlo. First time niya raw makatrabaho si Coco. Hindi ba siya na-intimidate sa husay umarte ni Coco ?

"Siyempre, nandun yung pressure, kasi may mga eksena kami dito na parang kulitan, then may away. Nag-away din kami dito. Nandun yung pressure na may nagsasabi sa akin na, 'Hoy, magaling si Coco, galingan mo.' So, pinaghahandaan ko rin na dapat makasabay ako. At saka hindi lang naman si Coco yung kaeksena kong magaling, nandiyan din si Jason."

Speaking of Jason, nauna siyang batch ng SCQ kaysa kay Jason, pero mas humahataw ang career nito ngayon kumpara sa kanya. Ano ang masasabi niya rito?

"Okay, siyempre masaya ako para sa kanya kasi best friend ko rin naman siya. Kasi parang may ibang direksiyon kaming napuntahan, so okay yung sa kanya dahil nagka-award siya, tapos sunud-sunod ang shows niya ngayon. Siguro kung sa ganung linya din ako napunta at nabigyan din ako ng magandang project, siguro mas okay ang career ko ngayon. Kaya thankful talaga ako sa ABS para sa second chance," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How is it working naman with Maja Salvador?

"Okay kasi may bonding na kami before pa. Nagkasama na kasi kami dati sa Spirits. Parang nakakatuwa nga dahil nagkatrabaho kami ulit. Masaya kami sa set dahil parang lahat kami barkada na."

ENOUGH WITH MAN-TO-MAN MOVIES. Marami sa mga aktor ngayon ang nagre-resort sa pagpapaseksi para umangat ang career. Siya ba ay sasali na sa grupong ito?

"Puwede, pero siguro hindi na katulad noong ginawa ko sa Walang Kawala na grabe. First time ko yung ginawa yung lalaki sa lalaki na eksena, then todo-todo. Kulang na lang frontal talaga, e. Parang tama na muna yun. Siguro kung sexy man yung gagawin ko, sa babae naman sana," sagot ni Joseph.

Ayon kay Joseph, nasabi na raw niya sa manager niyang si Manny Valera ang tungkol sa concern niyang yun.

"Nasabi ko na sa kanya. May susunod pa nga dapat na dalawa, sabi ko tama na muna."

SANDARA PARK. Sumunod namang kinumusta ng PEP kay Joseph ang relationship niya ngayon sa ex-girlfriend niyang si Sandara Park, na sikat na sikat na ngayon bilang member ng girl group na 2EN1 sa Korea.

"Okay naman. Friends naman kami," sambit ng aktor.

May communication pa ba sila?

"Sa ngayon wala, e. Busy siya sa Korea. At saka yung contact number niya sa akin nawala, yung dating ginagamit namin pang-text."

Hindi na raw nakuha ni Joseph ang bagong number ni Sandara noong huling magbakasyon ito sa Pilipinas. Three days lang si Sandara dito noon at nag-organize nga ito ng reunion ng mga ka-batch niya sa Star Circle Quest, kabilang nga sina Joseph, Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, at iba pa. Yun na rin ang huli nilang pagkikita.

"Actually, ang alam ko, yung dati pa ring number ang gamit niya. Then nung umalis siya, doon ko lang nalaman na bago na pala ang number niya. At saka nung nandito siya, nahihiya rin ako sa kanya kasi lagi niyang kasama yung road manager niya. So, hindi rin kami nagkaroon ng time na kaming dalawa lang talaga. At saka the next day dapat magkikita pa ulit kami ng grupo, parang may outing dapat. Akala ko nga doon na kami magkakausap, kaso hindi natuloy yung lakad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na ba puwedeng mabalik ang kanilang pagmamahalan?

"Hindi natin masabi, e," sagot ni Joseph. "Kasi siyempre, nandun siya, nandito ako. Sa Korea siya nagtatrabaho ngayon. Kung magkakabalikan kami, parang long distance, parang mahirap din. Hindi rin natin masabi, pero hindi ko naman isinasara yung sarili ko sa ganung posibilidad."

Mahal niya pa ba si Sandara?

"Siyempre, nandun pa rin yung pagmamahal. Siya kasi yung pinakamatagal kong naging girlfriend, e. Three years din kami. Sa lahat ng naging girlfriends ko, siya yung talagang napamahal din sa akin. May mga time na iniisip ko kung okay siya, yung naaalala 'ko pa rin."

May panghihinayang ba siya na nagkahiwalay sila ni Sandara?

"Panghihinayang na ano siguro, dahil kilala ko siya na loyal talaga. Kumbaga, pag nakilala n'yo si Sandy, wife material talaga siya. Parang sayang na puwedeng siya na talaga yung makatuluyan ko. Alam naman namin pareho kung bakit natigil yung relationship, may personal reason kami na napag-usapan naman namin."

Since matagal na yung breakup nila, ngayon ba ay puwede na niyang sabihin kung ano talaga ang reason ng paghihiwalay nila?

"Huwag na lang. Sa amin na lang siguro yun," tanggi ni Joseph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN