Gloria Diaz: "Me? Kung may boyfriend ako? Siyempre naman!"

"It's really luck, I suppose. Nakapasok ako sa business na ito 'cause I have been lucky. Since I won the Miss Universe title, sunud-sunod na ang opportunities," says Gloria Diaz about her longevity in the entertainment industry.

Inset photo shows Gloria with boyfriend Michael de Jesus attending the tribute for Comedy King Dolphy last July 2008.


Sa grand press conference last Tuesday, October 6, para sa Nagsimula sa Puso ng ABS-CBN—na maglulunsad finally sa ilang ulit na naunsyaming pagbibida sa teleserye ni Maja Salvador—isa sa nagbigay ng ningning sa event na ito ay ang suporta ni Gloria Diaz.

May mga nakapansing isa si Gloria sa mga natitirang sikat among her contemporaries. Ano ba ang sikreto ng longevity ng career niya?

"It pays to have friends in this business," sabi ng kauna-unahang Miss Universe mula sa Pilipinas. "Paano ka mabibigyan ng trabaho kung wala kang mga kaibigan dito na tutulong sa 'yo?

"I also think that I'm a professional. People say that you have to come on time, but that's not enough. Hindi lang sa punctuality nasusukat ang professionalism. You have to be on the set prepared. Alam mo na dapat ang gagawin mo. And I feel naman siguro, napatunayan ko rin na may kahusayan na rin ako kahit paano kaya kinukuha rin ako.

"It's really luck, I suppose. Nakapasok ako sa business na ito 'cause I have been lucky. Since I won the Miss Universe title, sunud-sunod na ang opportunities."

MAJA SALVADOR. Maaasahan naman talaga si Gloria, lalo na kung maganda ang offer, gaya ng Nagsimula sa Puso dahil bilib din kasi siya sa lead star nitong si Maja, bukod sa mahuhusay ring artista ang ibang kasama niya rito.

"Maja may not be the type who's drop-dead gorgeous, but she can carry herself very well. Ang importante rin d'yan, may talent siya. Impressed din ako sa kanya, ha!" sabi ng veteran actress sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa tingin ba niya, Maja can be a beauty-queen material?

"Why not?" walang kagatul-gatol na sabi pa ng dating Miss Universe. "Hindi naman kailangang super-ganda ka to join a beauty contest. You should have that personality, and definitely, Maja has it! At saka smart din siya. Hindi naman nakakahiya na isali siya sa isang beauty contest, lalo na't exposed na rin siya in public."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GLORIA'S DAUGHTER. Ang anak naman niyang si Isabelle Daza ay matagal nang inaawitan para mag-artista. In fact, may nag-o-offer na ito ang magbida sa TV remake ng Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa na pinagbidahan ng ina niya bilang launching movie niya noong 1974.

"Ang nasabi na lang ni Isabelle, 'What?' Napanood kasi niya yung movie kong 'yan, and she feels she doesn't have the guts to do what I did in that movie.

"No, hindi ko siya dini-discourage. In fact, she loves showbiz, ha! She has lots of friends na artistas, like Anne Curtis and Richard Gutierrez. Palagay ko, naimpluwensiyahan na 'yan. Ang sinasabi ko, there's just time for that. She just has to finish school. Unahin na niya ang pag-aaral niya. I don't know with her. Paiba-iba naman ang isip niya.

"Enjoy rin siya sa showbiz, yung mga nami-meet niya. Busy lang kasi siya sa school ngayon. She's studying in La Salle, but she wants to move to Ateneo. She's taking up Early Education but wants to shift to Medicine. I don't know with her. Everything is touch-and-go with her. I even told her to try showbiz after finishing her studies. Sayang din yung opportunities," sabi pa ni Miss Glory.

Binuking-buking ni Gloria na may special someone na ang anak niya, from out of showbiz. How about her?

"Me? Kung may boyfriend ako? Siyempre naman!" walang kagatul-gatol na sabi ng aktres.

Hindi rin daw ito taga-showbiz. Hindi naman sila nagkakalayo ni Isabelle. Miss Glory is already 58, but "I still don't know what I want to do."

Napag-alaman ng PEP na ang boyfriend ni Gloria ay nagngangalang Michael de Jesus, isang banker.

Hiwalay na si Gloria sa dati niyang asawa na si Bong Daza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN