Christian Bautista says moving to Universal Records is a "step of faith"

"I'm focusing on my work now. That's the challenge, e, for a single guy or a single girl. Kung kaya mong mag-isa, if you're secure sa sarili mo to live a life that it's you, your family or your friend, ibig sabihin, kapag may dumagdag pa na relationship, mas dagdag pa sa 'yo. Ibig kong sabihin, pangit yung may kulang, tapos siya lang ang makakapuno. Dapat sa loob mo, puno ka," says Christian Bautista about being loveless yet self-sufficient.


Sa two-year period na "ligawan," finally ay napasagot na ng Universal Records (UR) si Christian Bautista at ang management ng Stages, na humahawak sa career ng singer, para maging contract artist nila. Galing sa Warner Music si Christian, kung saan niya ginawa ang kanyang self-titled debut album, with "The Way You Look At Me" as its carrier single.

Malaking factor daw ang project na iprinisinta ng UR na gagawin ni Christian. Ito ay ang pag-revive ng hit songs ni Jose Mari Chan sa kanyang first album under UR. Ito nga ang Christian Bautista, Romance Revisited The Love Songs of Jose Mari Chan.

"One of the main reasons talaga, na it's a project that no one should refuse," sabi ni Christian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

How does it feel na, this time, iba naman ang recording company niya?

"Noong una, kinakabahan kami. It's always a risk, e. It's always a risk to get out of your comfort zone. Pero it was a step of faith that we have to do and it was rewarded by this album," saad ng singer.

Isa ba si Jose Mari sa maituturing niyang idol or influence sa pagkanta niya noon?

"Siguro. Kasi, sa bahay namin, meron kaming tape ng Constant Change at saka Christmas in Our Hearts. So, dati ko pa siyang naririnig every Christmas or every time my parents will play. So, I'm just very honored na ngayon, ako naman ang pinakanta niya."

May effort ba sa kanya na baguhin ang rendition niya o may instances na nagagaya niya ang pagkanta ni Jose Mari?

"Hindi naman," sabi ni Christian. "Dapat lang, conscious ako na habang nire-record ko, hindi masyadong pareho at hindi rin masyadong iba. Dapat yung 'sakto lang talaga"

Madalas daw silang magka-text at tawagan ni Jose Mari to talk about the album. Kaya malaki raw ang pasasalamat niya na sa hanay ng local singers ngayon, siya ang pinahintulutan ni Jose Mari na mag-revive ng kanyang mga kanta, na nagkaroon ng Double Diamond Platinum award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang sinabi ni Jose Mari sa pag-interpret ni Christian sa mga kanta niya?

"Noong una, yung master [copy], pinarinig namin sa kanya. Sabi namin, 'Sir, I hope you'll like it, medyo kinakabahan ako. But I really hope you'll appreciate.' Tapos, tinext niya 'ko. Sinabi niya that, 'You sang it very well, you voice is very soothing. So, congratulations.' Nagustuhan niyang talaga," kuwento ni Christian.

Among all the songs in his latest album, ano yung masasabi niyang nakaka-relate siya?

"'Beautiful Girl,'" mabilis niyang sagot. "Kasi kung titingnan n'yo ang lyrics, beautiful girl, wherever you are... I know when I saw you... So, parang hinahanap ko siya. At kung dumating siya, ready ako na pakasalan siya or gawin siyang girlfriend. Pero sa ngayon, hindi naman yung hinahanap na, 'Nasaan ka na? Nasaan ka na? Ang lungkot ko kapag wala ka.' Hindi naman ganoon."

SINGLE & AVAILABLE. Open naman si Christian sa pagsasabing he's still single. After his relationship with Rachelle Ann Go, wala pa rin siyang nagiging seryosong relasyon since then, unlike Rachelle na may bago nang boyfriend, si Gab Valenciano.

"Na serious? Wala pa... wala pa," sambit ni Christian.

So, may mga not-so-serious naman pala?

"Yung mga ano lang... mga dating lang. Getting-to-know, pero hindi umabot sa relationship."

Bakit hindi na umaabot sa relationship?

"You look for ano, e... you look for the connection. You look for that something, that loving feeling na talagang gusto mong i-spend the rest of your life with. E, hindi kasi ako yung basta-basta lang. Meron kasing ibang guys na kapag wala silang girlfriend, parang they feel such a loser. Gusto nila, may ibang girl agad na wala namang plano," paliwanag niya.

May two years na rin daw siyang loveless, but he's not necessarily lonely.

"I'm focusing on my work now. That's the challenge, e, for a single guy or a single girl. Kung kaya mong mag-isa, if you're secure sa sarili mo to live a life that it's you, your family or your friend, ibig sabihin, kapag may dumagdag pa na relationship, mas dagdag pa sa 'yo. Ibig kong sabihin, pangit yung may kulang, tapos siya lang ang makakapuno. Dapat sa loob mo, puno ka," saad ni Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon niya kapag nakikita niya sina Rachelle and Gab na magkasama?

"Okey lang. Minsan nagba-basketball kami ni Gab. Minsan, I see them every Sunday."

Wala nang selos?

"Wala na. Ang tagal na, moved on na," sagot ni Christian.

May mga lumalabas na balita na break na raw sina Rachelle at Gab, pero itinanggi na nila ito. Ano ang naging reaksiyon ni Christian nang marinig niya ang balitang ito?

"That's life. Parang wala na rin akong masyadong close relationship with either Rachelle or Gab. Still, life goes on," sabi niya.

Christian had the idea before na kapag nagkaroon siya ng girlfriend, it will be his first and last. Obviously, it didn't happen with Rachelle.

"Mali pala yun!" natawa niyang sabi. "Ang maganda palang kasabihan is kung meron kang girlfriend, it's still not sure. So, medyo nag-iba na ang thinking ko ngayon. It's still courtship, e. You will know if she's the one for you if she says, 'I do.' Yun na yun, wala nang kawala yun. Kasi ngayon, kailangan sure ka na kung sino man. And I'm the type of guy na gusto ko, long-term. Ayoko ng sandalian lang."

PERSISTENT RUMOR. Kakabit ng pagiging single ni Christian, hindi rin mamatay-matay ang issue sa kanya at sa ilang kasamahan niya sa ASAP tungkol sa pagkuwestiyon sa kanilang pagkalalake. Ano ang masasabi niya rito?

"It's very immature for people to think that a guy without a girlfriend is gay. So, that is very childish. Tinatawanan lang din naman namin ang mga ganoon," sagot niya.

Hindi siya naapektuhan kapag may mga ganoong intriga?

"Kasi minsan, kapag naapektuhan ka pa, sasabihin nila, 'O, totoo pala!" natatawa na lang niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN