Gerald Anderson open to being paired with other young actresses, but Kim Chiu will always be his onscreen partner

"Siyempre, hindi nababawasan ang friendship kahit di na kami nagkikita, tine-text ko pa rin siya, tawagan, at imposibleng mabawasan yun. Wala naman kaming real score. What you see is what you get. Kung ano ang nakikita nila, yun na yun," says Gerald Anderson about Kim Chiu (inset).


Last Monday, October 5, sa Star Cinema office ay nagkaroon ng story conference ang pelikulang gagawin nina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Tiyak na ikatutuwa ng Kimerald fans ang paggawa nila ng pelikula dahil patunay lamang ito na walang katotohanan ang usap-usapan na bubuwagin na raw ang tambalan ng dalawa. Mukhang nagbunga rin ang paulit-ulit nilang pagpapadala ng e-mails na nagrereklamo sa balitang ipapareha na sa iba sina Gerald at Kim.

Ayon kay Gerald, "May gagawin kaming movie ni Kim sa Star Cinema. Right now nga, we had our story con. Yun muna ang offering namin para sa fans namin. Lagi ko namang sinasabi before na, for me, si Kim ang ka-loveteam ko, kami ang magkasama nung nagsisimula pa lang kami. Part ng growth namin as actor and actress ang i-pair kami sa iba. But right now, focus muna kami sa movie namin. Saka I've heard na mayroon pa kaming isang project na gagawin, pero wala pang detalye," banggit ni Gerald sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Aminado si Gerald na tulad ni Kim, may pressure at kaba siya sa magiging pagtanggap ng mga tao sa pang-apat na pelikula nila together—after First Day High, I've Fallen For You, at Shake, Rattle & Roll X.

"Siyempre, iba pa rin sa movie. Kasi sa TV, libre yun. Sa movie, magbabayad sila para panoorin ka. Dapat magbigay ka ng isang magandang performance para panoorin ka," aniya.

Kamakailan ay may lumabas na isang e-mail mula sa solid Kimerald fans. Dito ay nagpahayag sila ng kanilang saloobin tungkol sa nabalitang pelikulang pagtatambalan nina Gerald at Sarah Geronimo. Pero ayon sa young actor, wala pa siyang alam tungkol dito.

"Mas may alam pa kayo kaysa sa akin!" natatawang sabi niya. "Siyempre, tsismis-tsismis lang 'yan, puro balita pa lang. Ako naman, open naman ako to work sa lahat."

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Kim, sinabi nito na hindi na sila gaanong nagkakasama ni Gerald dahil pareho silang busy sa kani-kanilang trabaho. But Gerald stressed na hindi nababawasan ang lalim ng pinagsamahan nila ng kapareha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, hindi nababawasan ang friendship kahit di na kami nagkikita, tine-text ko pa rin siya, tawagan, at imposibleng mabawasan yun. Wala naman kaming real score. What you see is what you get. Kung ano ang nakikita nila, yun na yun."

TAYONG DALAWA BOOK 2? Sa huling teleserye nila ni Kim na Tayong Dalawa, naging hanging ang ending nito dahil lumabas ang mga character nina Rosanna Roces at Enchong Dee. Marami tuloy ang nagsasabi na baka may Book 2 ang Tayong Dalawa.

Magkakaroon nga ba ng Book 2 ang Tayong Dalawa?

"Baka," sagot niya. "Oo naman, gusto kong magka-Book 2. Siyempre sa success ng Tayong Dalawa, ang sarap gumawa ng isa pang karugtong. Pero sana ganun din kaganda yung istorya."

A SEXIER GERALD? Marami ang nagsasabi na pagkatapos ng love scene nila ni Kim sa Tayong Dalawa, pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash, at ang sexy production number nila ni Kim last Sunday sa ASAP '09, mukhang tuluy-tuloy na ang pagapapa-sexy ni Gerald.

"Siyempre, tumatanda na rin kami. Siyempre yung ginagawa namin ngayon, mas matured kesa sa mga ginawa namin last year. Pero siyempre, Kimerald pa rin. Kung paano kami nung una, ganun pa rin kami. Mas matured lang ng kaunti," paliwanag ni Gerald.

Sa kabayanihang ipinamalas sa nakaraang hagupit ng bagyong Ondoy, tikom pa rin ang bibig ni Gerald.

"Talagang kasama yun. Maraming nangailangan ng tulong ko at ang pumasok sa isip ko ay tulungan sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN