PART 2. Sonsorol male castaways talk about their Survivor Philippines: Palau experience

(From left) Shaun Rodriguez, Marvin Kiefer, and Suzuki Sadatsugu are three of the remaining male castaways of Survivor Philippines: Palau.


Bukod kina Mika, Jef, at Echo ay nakausap din ng PEP ang tatlo sa male castaways ng Sonsorol na sina Marvin, Suzuki, at Shaun.

MARVIN KIEFER. Gaya ni Jef ay Isa ring model ang 18-year-old na si Marvin, na mula sa Cagayan de Oro.

Si Marvin ang pinakabatang castaway ngayong season ng Survivor Philippines: Palau, pero hindi naman ito naging hadlang sa kampanya niya dahil, so far, ay humahataw siya sa mga challenges. Dapat ay kasama na siya sa unang season ng Survivor Philippines, pero underage pa siya noon.

Kumusta ang naging experience niya sa Palau?

"Experience is fantastic. Definitely once in a lifetime. Special. Iba, iba... I know hindi na mauulit 'yon," sambit ni Marvin.

How was camp life?

"Yung camp life, I think it's the hardest part of the game," sagot niya. "Kaya ko naman yung maggawa ng fire, maggawa ng shelter... Yung mahirap do'n yung pakikisama. Yung psychological part na you have to pretend to like each other even if you want to vote the person out. And the fight to conquer boredom—malaking problema yung wala kang ginagawa."

Sino sa tingin niya yung matindi niyang makakalaban nang una niyang makita ang ibang castaways?

"Pagpasok ko sa show, sa first time, sa schoolyard pick, sa tingin ko, pinakamahirap si Shaun kasi makita mo talaga na batak siya. I know I was one of the last pick and I laughed when that happened kasi I know my own capacity, and I prepared for it. I did a very hard regimen—endurance, strengthening, exercises—before I went in. I really looked at the strongest person in the show, it was Shaun. Alam ko naman si Cris [Bolado] na malaki siya, he's raw strength and power. Endurance and speed, I can beat him. I know that."

With his strength in the challenges, pakiramdam ba niya ay naging target siya ng ibang castaways?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi yung sa simula, kasi ako yung isa sa huling pinili... Yun naman talaga ang plano ko pagpasok. Hindi ako magpapakita ng lakas. But how it so happened, yung tribe namin, the Koror tribe, was so weak in the beginning na lahat ng malakas nasa Airai. So, kumbaga sa akin, if I didn't show my strength, we would have lost all the way.

"Simula pa lang, sa first challenge pa lang with the crate, I said, 'Sige, ipakita ko na.' Same strategy, ipinakita ko yung lakas ko. With the people, I have to strategize na lang... It still worked until the point na I needed to, until that [tribe] shuffle... Hindi ko talaga plano na ipakita yung lakas ko hanggang merge. Pero I needed to for my tribe to win. Otherwise, our tribe would have lost," paliwanag ni Marvin.

Base sa mga ipinalabas nang episodes, hindi malinaw ang pakikipag-alliance ni Marvin sa ibang castaways. Pero sino nga ba ang mga ka-alliance niya?

"Sa simula pa lang, si Suzuki at saka si Louie," sabi niya. "And when the shuffle happened, I found out Louie wanted to take me out. Dun ako nagtaka na baka yung alliance ko, they're betraying me. So, talagang I tried to make my alliance with Suzuki solid and then, si Echo, nilapitan ko siya ilang beses to be my ally in the game. So, yun nga, sa shuffle, nag-iba kasi yung mga taga-Airai... At that point, since we were winning all the time, kahit yung iba, hindi na nila masyadong iniisip yung strategy."

"Observant naman ako kung may ginagawa sila sa gilid-gilid na ganun. Wala, I just kept my cool... But when it comes to challenges, win it para tapos na, wala nang worries."

SUZUKI SADATSUGU. Ang Fil-Japanese na si Suzuki naman ang nagsilbing "comic relief" ng mga castaway ng Survivor Philippines: Palau, partikular na sa kampo ng Korordahil mahilig siyang magpatawa. Pero kumusta siya pagdating sa challenges?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pagdating ng challenges, siyempre magseseryoso po ako, kasi hindi pupuwede magku-komedyante lagi ako. Kailangan bawat challenges, kailangan magseseryoso ako," sagot ni Suzuki, na medyo hirap sa pagsasalita ng Filipino dahil sa kanyang Japanese accent.

Ano yung hindi niya makakalimutan na experience sa Survivor Philippines?

"Ah, experience po yung agawan-buko, yung pinagtatakbuhan ako ng talagang ano... Yung binangga ko si Vlad [Nesas], talagang hindi ko makakalimutan yung laro na yun, kaya kakapagod yung mga ano namin... Talagang ganda ng laban, gusto ko yun."

Ano naman yung pinakamahirap na challenge para sa kanya?

"Pinakamahirap na challenge para sa akin... Lahat naman mahirap sa totoo lang, lahat naman. Pero pinakamahirap na challenge yung mga dugtong-dugtong [puzzle]... Meron kaming, parang yung team namin, isang word na gagawin... Pinakamahirap kasi gagawa ng words, kasi mahirap ako mag-Tagalog. Parang ano, makikinig lang ako. Hindi ko alam gagawin ko. Yun yung pinakamahirap para sa akin," saad ni Suzuki.

Sa Japan ipinanganak si Suzuki. Ang ama niya ay Hapon samantalang Pinay naman ang kanyang ina.

Ilang taon siya nang magdesisyon siyang tumira ng Pilipinas?

"Ahmm, 18 years old," sagot niya. "Pero nung bata ako, nung 13, 12 years old, nandito po ako isang taon." Twenty-one na ngayon si Suzuki.

Bakit siya nag-decide na dito na sa Pilipinas manirahan?

"Nag-decide talaga ako na, kasi nga sobrang ang hirap sa Japan ngayon. Talagang global crisis, lahat ng mga Pinoy, gustong punta sa Japan. Bakit sa Pilipinas... Sa totoo lang po, gusto ko talaga dito sa Pinas kasi parang ano, masaya. At kahit paano, parang kumikita ng isang libo, dalawang libo... makakakain na mga dalawang araw. Ayun po, parang napakahirap sa Japan, parang walang pinag-asahan..." paliwanag ni Suzuki.

Pero nasa Japan pa raw ang mga magulang niya. Samantalang siya ay nakatira sa Tondo, kasama ng kanyang lola.

Nag-aaral siya ng kursong Criminology sa Emilio Aguinaldo College, kung saan nasa fourth yeath college na siya. Ayon kay Suzuki, mas mura raw ang mag-aral dito sa Pilipinas kesa sa Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit Criminology ang napili niyang kurso?

"Kasi lolo ko, pulis, e, kaya gusto kong... Parang may dugong pulis yata sa akin. Gusto kong maging police na law enforcer, dito sa Pilipinas."

Sino yung pinaka-close sa kanya sa mga castaway?

"Pinaka-close ko sa mga castaways, si Echo, 'tsaka Charles, Justine..."

Ano ang plano niya pagkatapos ng Survivor Philippines? Gusto ba niyang mag-artista?

"Sana, sana... magkaroon ako ng mga project [sa] TV... Sana po, kung kukunin nila ako."

SHAUN RODRIGUEZ. Si Shaun naman ang tinaguriang "Hot Dad" ng Survivor Philippines: Palau. Bukod sa pagiging empleyado ng Manila City Hall, nagpa-part time din siya bilang modelo. Isa sa mga nagawa niyang commercial ay ang Lucky Me Pancit Canton Extra Hot.

Ano ang maituturing na best experience ni Shaun sa Survivor Philippines: Palau?

"Siguro yung mawala ka rin nang matagal sa family mo. Kasi ano, e, for the past six years, almost every day, kasama ko yung wife and kids ko. So, parang office-bahay, office-bahay lang. So, yun siguro yung experience na sa akin parang naiiba, kasi mami-miss mo siya, e. Mami-miss mo yung family mo, pero kailangan mong tiisin. Ayun, natuto ka lang na malayo sa pamilya mo, lalo na sa anak mo," saad ni Shaun.

Pero sa palagay ba niya ay worth it ang pagkakawalay niya sa pamilya niya?

"Oo naman, oo, sobra!" sambit niya. "Kasi before pa ako napunta ng Season 2, plano ko na yung Season 1 dati. Kasi nanonood ako dati yung sa States pa, yung Survivor. Ang problema nung Season 1, parang hindi pa kaano yung katawan ko, parang hindi pa ako nakapag-workout, kulang yung preparation. Pero pagdating ng Season 2, ayun, nag-start na ako mag-workout after ng Season 1 pa lang."

Talagang pinaghandaan niya?

"Oo, naghanda ako nang wala kang kasiguraduhan kung makukuha ka. Pero kahit papaano, meron siyang reward. Kasi before ako napunta ng Season 2, nagwu-workout ako sa may Slimmers [Adriatico branch]. Kinuha nila ako sumali sa Mr. and Ms. Peninsula, tapos nagkataon naman nanalo ako. Parang hindi sinasadyang kasali ako doon. Ang preparation ko talaga ay for Season 2 ng Survivor, tapos biglang nanalo ka pa ng Slimmers, parang wow, achievement!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isa pang hindi malilimutan ni Shaun ay nang magpalit ng camps ang Koror at Airai. Sa camp kasi nila sa Koror ay maayos ang higaan nila dahil may papag at may kutson pa, na nakuha nila sa isang Reward Challenge. Pero halos hindi pa nila ito nae-enjoy ay napunta sila sa camp ng Airai.

"Yun yung pinaka-nakakainis dun, yung nag-switch bigla ng camp," sabi ni Shaun. "Sa amin kasi, parang napanalunan mo yun, e, napanalunan n'yo yun sa challenge, sa reward. Tapos isang gabi n'yo lang napakinabangan, tapos biglang papakinabangan ng iba. Lahat ng pinaghirapan n'yo sa camp, inayos mo yung camp, nagsibak ka ng sobrang dami ng kahoy na naka-stock doon... Yung food n'yo, yung crabs, sobrang dami. Tapos yung bigas n'yo tinitipid nyo, parang iba yung makikinabang ng pinaghirapan n'yo... Iba, iba po siya, iba yung pakiramdam. Talagang nakakainis, nakakagalit talaga ng... Parang hindi pa ba kayo kuntento na nag-switch na, nagkaroon ng palitan ng castaways, tapos biglang switch na naman?

"Iba yung pakiramdam, yung nanggigigil ka na. Tapos pagdating mo sa camp ng kabila, ano ito? Parang, camp ba 'to? Ang dumi, sobra kasing dumi! Dati naman akong nandun sa Airai, pero nandun kasi kami malinis yun, so madalas nililinis n'yo. Pagbalik mo, ba't ganito, anong nangyari sa camp? Parang nahihiya lang ako sa mga bago kong tribemates. Parang na-experience mo yung malinis na lugar, tapos pagdating mo dun sa dati mong camp, yung Airai, mahihiya ka na. Alam mo na hindi sila sanay sa ganun, e, na malinis sila, tapos, wow... nakakahiya lang," tila naiinis pa ring kuwento ni Shaun.

Si Shaun ang unang nanalo sa individual Immunity Challenge kaya safe siya sa Tribal Council ngayon gabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN