Rufa Mae Quinto pairs up with Brazilian hunk Akihiro Sato in SRO's Moshi-Moshi... I Love You

Rufa Mae is used to the adulation of men but still felt girlish delight when she learned she was Akihiro's crush: "Nag-blush ako! Kasi matagal na akong hindi nakaranas na may guy na nagsabing crush niya ako. Feeling ko bagets ako na kinikilig!"


Ipa-partner for the first time si Rufa Mae Quinto sa sikat na Brazilian-Japanese male model na si Akihiro Sato sa bagong handog na SRO Cinemaserye Presents Moshi-Moshi... I Love You.

Sa naturang istorya ay gaganapin ni Rufa Mae ang papel ng isang may-ari ng laundry shop na mahilig manood ng mga foreign telenovelas. Isa nga sa mga paborito niya ay ang Japanese telenovela na pinagbidahan ng character ni Akihiro. Nang bumisita sa Pilipinas ang naturang actor para i-promote ang bago niyang telenovela, isa si Rufa Mae sa nahumaling sa kanya at parang naging stalker ng foreign actor.

"Basta, nakakatuwa ang aming SRO. Kasi for the first time nga nakatrabaho ko si Akihiro na first time ko ring makita in person.

"Sa totoo lang, hindi ko pa siya nakikita talaga, not until nakarating kami sa taping ng SRO. Nagulat nga ako noong dumating siya. Ang laki-laki niyang tao tapos naka-jacket at naka-shades pa. Hindi ko alam na siya na pala iyon kaya sobrang shocked ako dahil ang guwapo pala niya. Akala ko nga may naligaw na foreigner sa set namin, yun pala siya na pala si Akihiro.

"Nakikita ko lang kasi siya sa mga commercials at sa mga interviews niya sa TV, pero not in person yet. Kaya ibang-iba siya noong makasama ko na. Mabait siya at palangiti. And in fairness, marunong magsalita at makaintindi ng Tagalog," diin pa ni Rufa Mae.

SHOWER SCENE. Bukod sa kissing scenes nila ni Akihiro ay may shower scene pa silang gagawin.

"Noong mabasa ko nga ang script, parang, 'Uy kailangan pa ba ng shower scene?' Parang nag-inarte pa raw ako bigla!" malakas na tawa niya.

"Parang hindi bagay na tumanggi ako, di ba? Kasi nga parang bigla akong nahiya kay Akihiro. First scene nga na kinunan sa amin, may kiss na agad. Parang hindi pa nga ako handa, e, pero professional ako kaya go lang nang go!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Akihiro na bago pa itong SRO ay napapanood na raw niya si Rufa Mae sa TV at nakikita sa mga covers ng magazines. Isa nga raw si Rufa Mae sa mga crush niya at isang superstar daw ang tingin niya rito.

"Flattered ako noong sinabi niya na crush daw niya ako. In fairness, nag-blush ako! Kasi nga, matagal na akong hindi nakaranas na may guy na nagsabing crush niya ako. Feeling ko bagets ako na kinikilig!" patuloy na pagtawa pa ni Rufa Mae.

Tinanong na ni Akihiro kung payag si Rufa Mae na makipaga-duet sa kanya sa Celebrity Duets. Hindi nagdalawang-isip ang aktres at umoo kaagad.

"Bakit naman ako hihinde, di ba? Imagine, inimbita ako ng isa sa mga sexiest bachelors ng bansa. Pumapagaspas na ang career niya dito kaya siyempre, payag ako na maka-duet siya. Basta kay Akihiro, go, go, go tayo!" pagtatapos ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN