Kuh Ledesma's ex-husband Louie Gonzalez walks out of jail with murder charges dismissed

Kuh says Louie's incarceration brought him closer to God and his daughter and may even make them a family again: "Parati namang wish ni Isabella 'yan. And I always say naman na it's all up to God. If He wants me and Louie to be together again, so be it. Nothing will ever stand in God's way."


Sobra ang kasiyahan ng Pop Diva na si Kuh Ledesma nang lumaya na ang kanyang ex-husband na si Luisito "Louie" Gonzalez mula sa pagkakakulong nito nang halos isa't kalahating taon sa salang pagpatay diumano sa stepbrother niyang si Federico Delgado.

Noong March 10, 2007 ay napatay sa saksak si Federico Delgado sa apartment nito sa Malate, Manila. Ayon sa witness report, na-identify si Louie Gonzalez na isa sa nakitang tumatakas sa naturang apartment noong maganap ang krimen. Pati ang kanyang driver na si Antonio Buenaflor ay nasangkot sa kasong murder. Pero napatunayan sa korte na walang kinalaman sina Gonzalez at Buenaflor sa pagpatay at matapos ang labing-anim na buwang pagkakulong ay pinawalang bisa ng Korte Suprema ang charges sa kanila.

Nitong nakaraang Martes, Oktubre 6, lumabas ng National Bureau of Investigation detention cell si Gonzalez, apo ng dating Pangulong Elpidio Quirino, at si Buenaflor, mula naman sa Manila City Jail.

Inamin ni Kuh na labis siyang nasaktan nang mapagbintangan ang ama ng kanyang anak na si Isabella ng salang hindi naman daw nito ginawa. Kaya ang laki ng pasasalamat ng Pop Diva na dininig ng Diyos ang matagal nilang dasal na mapalaya na si Louie.

"With what happened to Louie, I now believe in our justice system. There is justice after all," ngiti ni Kuh.

"Before I had my doubts talaga sa sistema ng hustisya sa ating bansa. Sa dami ba naman ng mga kaso na tulad ng kay Louie, I really thought that justice will never happen to him.

"I believe that Louie is an innocent man to begin with. If this thing happened to him, paano na ang ibang tao na walang kalaban-laban, di ba? Kung kami nga, we are fighting this for such a long time because we have the means to do it. Paano naman ang ibang walang maaasahan o masasandalan lalo na kung inosente sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya sa pagkakalaya ni Louie, it gave me a sense of hope. May pag-asa pa tayong lahat. And all of that happens dahil sa paniniwala natin sa Diyos. Only God has all the answers to our questions and He is the hope na dapat nating panghawakan."

FATHER AND DAUGHTER BONDING. Ang pinaka-natuwa nga ay ang anak nilang si Isabella. Nang malaman raw nitong lalaya na ang ama, naiyak daw ito at kaagad na nakipagkita sa amang matagal na niyang hindi nakasama.

"Isabella is the happiest talaga. Before, noong wala pang ganitong mga problema ang father niya, they seldom see one another. Hindi sila ganun ka-close as father and daughter which is understandable naman.

"Sa nangyaring ito nga sa buhay ni Louie, it drew him closer to Isabella. My daughter would visit him every week and they would talk and talk about so many things. Sabi ko nga, e, God works in the most mysterious ways. It took something like this to Louie para mapalapit siya ulit sa anak niya. I am happy that this happened sa kanila. And now that he is a free man, he can freely do what he has promised to Isabella."

Isa nga sa pinapanalangin ni Isabella ay muling magkabalikan ang kanyang mga magulang para maging buo ang pamilya nila ulit.

"Parati namang wish ni Isabella 'yan. And I always say naman na it's all up to God. If He wants me and Louie to be together again, so be it. Nothing will ever stand in God's way.

"Sa ngayon, I guess it's also up to Louie. He's a changed man now at mas naging close na siya sa Panginoon ngayon after what happened to him. It's a big change for him and I wish nga that he be consistent at tuluy-tuloy 'yan.

"Noong maghiwalay nga kami ni Louie noon, it really crushed me. Halos nawalan na ako ng pag-asa noon. I almost died when our family went through that painful event. But it was the Lord who healed me and taught me to forgive. Wala namang hindi possible kay God. All we have to do is to pray and believe."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOTHER AND DAUGHTER IN CONCERT. Magkasama ang mag-inang Kuh at Isabella sa The Unity Concert Tour na gagawin sa US and Canada, kunsaan makakasama rin nila sina Christian Bautista, Carlo Orosa, Nanette Inventor, Jograd dela Torre at Charlie Green.

Ang purpose ng concert tour ay para maka-raise ng funds para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng.

"Matagal na naming pinaplano ang concert tour na ito and timing nga na biglang nagkaroon ng mga hindi magandang pangyayari sa ating bansa. Now, we will be doing this show as a fundraising and charity concert para sa ating mga kababayan na naging biktima ng dalawang bagyo.

"Marami na nga akong nakausap na mga kababayan natin sa US and Canada at gusto nilang makatulong talaga. Napapanood kasi nila sa TV ang mga nangyari ang it breaks their hearts. Kaya sa lahat ng venue na pupuntahan namin, we have people from Forex Cargo to help in collecting the contribution of our kababayans in the US and Canada."

The Unity Concert Tour will kick off on October 17 at BCI Church in New Jersey; October 20 at Jubilee Center in San Jose, California; October 24 at Long Beach Convention Center in Long Beach, California; and October 25 at Gladtidings in Vancouver, Canada.

For tickets, tawag lang sa 1-877-JIRF-JIR (1-877-547-3547) or 1-877-KUH-777 (1-877-584-5777) or log on to www.kuhlshw.com.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN