Rhian Ramos celebrates 19th birthday with typhoon Ondoy survivors

Young actress Rhian Ramos did not have a lavish party when she celebrated her 19th birthday last October 3. The Stairway To Heaven star spent it with the survivors of typhoon Ondoy in Marikina, where she handed out relief goods.


Binigyan ng surpresa ng kanyang co-stars at staff ng Stairway to Heaven si Rhian Ramos sa kanyang 19th birthday last October 3. Ipinakita nga ito sa Showbiz Central kahapon, October 11.

Paglabas niya ng elevator ng GMA-7 habang nagte-taping sila ay bumulaga sa kanya ang mga kasamahan sa primetime series na pinagbibidahan nila ni Dingdong Dantes.

Kasunod nito ang birthday celebration niya, not with a grand party but with the Ondoy survivors in Marikina kamakailan lang. Nagpapasalamat nga si Rhian sa lahat ng tumulong sa kanya.

"Sa mga nagpunta, nagbigay, nag-repack at sa mga Rhianatics din po ay nag-donate para sa mga goods na ipinamigay namin. So, natutuwa akong makita na ang daming tumulong. Dito ko nakita na nagkaisa talaga ang mga tao sa paligid ko. Fans, friends and family and even the people that I endorse."

Sa pagkakataon nga raw na ito napili ng isa sa mga endorsement ni Rhian ang mag-donate ng one million pesos para sa Kapuso Foundation.

Aniya, "Sana po, makatulong ito para makabangon tayong lahat at maiwan natin ang nangyari for the past weeks."

Kahapon naman sa SOP, nag-celebrate ng kanyang birthday si Rhian. Kasabay nito ang launching ng kanyang Audition Dance Battle album under EMI.

"Very, very happy kami at saka, very happy ako na naisipan din nila ako. Very first time na gumawa ako ng dance album," masaya niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN