Dancer Jay-L Dizon turns to acting via indie film I Love Dreamguyz

"Hindi ko masasabing artista na talaga ako. Hindi ko pa masyadong nararamdaman. May mga taong excited, nababalitaan nila, pero hindi ko gaanong ramdam," says newcomer Jay-L Dizon.


Tubong-Pampanga ang newcomer na si Jay-L Dizon, ipinakikilala sa bagong indie film ng DMV Entertainment, ang I Love Dreamguys, na mag-o-open sa mga sinehan on November 4. He's 20 years old, stands at 5'10", kaya tipong artistang puwedeng i-develop talaga.

"May grupo rin po kami ng dancers sa Pampanga," banggit ni Jay-L sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Malaking bagay siguro yun kung bakit nakuha ko yung role. May nag-text sa akin na baka interesado akong mag-audition, e, ang project daw, tungkol sa mga dancer.

"Ang akala ko nga, dancing lang siya talaga. Yun pala, movie na. Nagulat ako dahil ang nakita kong nagpapa-audition, sina Direk Manny Valera at Direk Joel Lamangan. Parang, wow! I really gave my best sa audition pa lang."

Ang dami na palang sinalihan na contests nitong si Jay-L, pero hindi siya pinalad.

"Sumali ako sa Star Circle Quest, Love Idol, TV Idol, StarStruck... Sa Batch 3 ng StarStruck, na-disqualify ako. May manager kasi ako. Noon kasi, bawal pa yung may manager. Lahat na halos, nasalihan ko na. Pati Pinoy Big Brother. May kasama akong dancer noon, siya ang contact ko kapag mayroong mga ganyang pa-search. Pag may sayaw-sayaw, tinatawagan ako.

"Hindi nga malinaw sa akin na movie pala yung sasalihan ko. Ako nga ang unang isinalang. Ginalingan ko na," kuwento niya.

Aware din si Jay-L na gay ang tema ng kanyang unang pelikula. Pero ang importante sa baguhang aktor, baka nga naman ito na ang break na hinihintay niya.

"Lumusot na ako, e. Paninindigan ko na ito. Mabuti na lang, magaling na kaeksena si Marco [Morales]. Sabi niya sa akin, huwag akong mag-alala, siya raw ang magdadala. Sumunod lang ako," nangingiting sabi niya.

Talagang umaatikabong kissing scenes ang karamihan sa mga eksena nila ni Marco sa I Love Dreamguyz.

"May girlfriend nga ako, e. Napanood niya yung trailer ng movie. Sabi niya, okey naman daw pala yung eksena. Okey lang daw sa kanya. Happy ako, kasi yung mga taong nagke-care sa akin, gusto nilang mag-succeed ako dito sa pinasok ko. Alam din ng parents ang desisyon kong ito. Kung gusto nilang panoorin ang movie, okey lang sa akin. Excited lahat sila, kasi, ito na raw ang simula ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lang naman sa kapwa niya lalaki may sex scenes ang baguhan sa I Love Dreamguyz. Luckily, may anggulo rin sa kanila ni NiƱa Jose, who plays his girlfriend in the film.

"Depende kay Tito Manny yung susunod kong project. Basta ang gagawin ko lang, maghahanda ako nang maghahanda. Okey lang sa akin ang sexy roles. Kaya ko rin sigurong gawin yung ginagawa ni Marco na nagpo-frontal. Depende rin kasi yun. Abangan na lang nila.

"Pero, hindi ko masasabing artista na talaga ako. Hindi ko pa masyadong nararamdaman. May mga taong excited, nababalitaan nila, pero hindi ko gaanong ramdam," sabi ni Jay-L Dizon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN