LJ Reyes insists that Paulo Avelino is not her boyfriend

"Wala lang, kasi nakakasawa na rin yung hair ko. So, para maiba-iba naman. Pero hindi naman siya yung sobrang mahal na hair extension. Wala pa naman siya sa half ng extension ni Ate Regine [Velasquez]!" says LJ Reyes when asked about her new hairdo.



Sporting long curly hair si LJ Reyes nang dumating sa birthday party ng talent manager na si Perry Lansigan kagabi, October 12, kasama ang kapwa Kapuso stars na sina Chynna Ortaleza at Kris Bernal, sa Celsius Bar sa Tomas Morato, Quezon City.

Na-curious ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit biglang nagpahaba ng buhok si LJ at kung para ba ito sa isang show. Pero aniya, extension lang daw ang buhok niya at para maiba naman daw kasi ang look niya.

"Wala lang, kasi nakakasawa na rin yung hair ko. So, para maiba-iba naman. Pero hindi naman siya yung sobrang mahal na hair extension. Wala pa naman siya sa half ng extension ni Ate Regine [Velasquez]!" natatawa niyang kuwento when we asked kung magkano ang naging cost ng hair extension niya.

STARSTRUCK V. After All My Life, wala pa raw sinasabi sa kanya ang Kapuso network na bago niyang series, pero may gagawin daw siyang bagong show. Isa raw siya sa magiging segment host ng updates ng StarStruck V.

"Meron talagang main hosts, sina Dingdong Dantes, Carla Abellana, and Raymond Gutierrez. Pero may mga host din na mag-a-update. Bale kumuha sila per batch ng StarStruck. Si Mark Herras for Batch 1, ako sa Batch 2, si Arci Muñoz for Batch 3, at si Paulo Avelino naman ang Batch 4.

"Ang alam ko, like sa audition, kami yung magpupunta sa iba't ibang lugar. May magpupunta ng Australia, hindi ko lang alam kung sino. Pero ako, next week, I'll be in Dubai. Dun ako sa auditon sa Dubai. First time ko pa lang magpupunta ng Dubai kaya nagtatanong-tanong ako sa mga nakapunta na dun. Pero ang alam ko, maganda raw dun," saad ni LJ.

Hindi pa masabi ni LJ kung kailan ang exact airing ng StarStruck V. Ang alam lang daw niya, by November ito mag-i-start. Hindi rin niya alam kung ano ang timeslot at kung totoo nga ba na hindi na ito daily tulad ng nakaraang apat na batches ng StarStruck.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PAULO AVELINO. Tinanong din ng PEP si LJ tungkol sa napapabalitang relasyon daw nila ni Paulo Avelino. Pero itinanggi ito ng young actress at sinabing hindi raw niya boyfriend ang binata.

Pero sinabi namin sa kanya na marami na ang nakakita sa kanila together at marami na rin ang nagpapatunay na sila na nga. Ano ang masasabi niya rito?

"Hindi talaga," diin ni LJ. "Si Paulo naman, ganoon naman talaga siya kahit kanino. As in, sweet. Basta yun... ganoon siyang talaga sa lahat."

Palagi raw silang magkasama?

"Lumalabas naman kami, kumakain, pero group kami. 'Saka palagi naman ganoon, kahit may mga kasama kami, parang ang akala, kami lang!" natatawa niyang sabi.

Ayon kay LJ, single pa rin siya hanggang ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN