Newbie Miggy Valdez gets meaty role in his first movie

"Wala akong acting experience. Gusto kong sumikat, pero ang pinakagusto ko yung papasok ako sa isang bagay, mag-e-excel ako. Kahit siguro hindi na ako sumikat, basta makilala lang ako as a good actor," says newcomer Miggy Valdez, who will be launched in the movie I Love Dreamguys.


Six-pack abs pa lang ang maipagmamalaki ni Miggy Valdez at wala pa siyang pruweba sa pag-aartista. First movie niya ang iso-showing na I Love Dreamguyz ng DMV Entertainment. Pero ibinuking ng co-star niyang si Marco Morales na napakalakas naman daw kumain nitong si Miggy.

"Oo nga, mabilis lang ang metabolism ko kaya hindi ako tumataba," sabi ng newcomer nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Na-discover si Miggy habang naglalakad lang sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City, kasama ang dating girlfriend at best friend niya.

Kuwento niya, "Nilapitan lang ako ng talent scout, connected sa DMV. Naglalakad lang kami doon sa may cinema lobby sa taas ng Gateway. Binigyan ako ng card, so naisip ko lang, subukang mag-audition. I tried, doon sa office ni Kuya Manny [Valera], nandoon din si Direk Joel Lamangan. Tinanong ako kung kaya kong umarte. Sabi ko, siguro naman, e, di subukan ko na lang.

"Wala akong acting experience. Gusto kong sumikat, pero ang pinakagusto ko yung papasok ako sa isang bagay, mag-e-excel ako. Kahit siguro hindi na ako sumikat, basta makilala lang ako as a good actor. Nandoon siguro ang passion ko. Although, I'm currently studying now, I'm taking up Industrial Engineering, third year, sa FEU-East Asia, sa Morayta."

May kasiyahan kay Miggy na pumapasok siya sa ganitong propesyon, na kaiba sa pinag-aaralan niya.

"Yung girlfriend ko naman, nag-split na kami!" at natawa si Miggy. "Mahabang kuwento. Basta bago pa ako nag-decide na mag-artista, wala na kaming relasyon."

Kumportable agad si Miggy sa pagtatrabaho. Okey raw makisama ang co-stars niya, like Sherwin Ordoñez, Marco Morales, Mhyco Aquino, Niña Jose, at Jay-L Dizon.

"Natutuwa ako dahil first movie ko, yung mga gaya nila ang kasama ko," aniya. "Five years ang pinirmahan kong kontrata sa DMV. Wala pang susunod na project after this, pero sana nga masundan agad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Challenging ang role ni Miggy for a first-timer sa I Love Dreamguys, at may butt exposures pa siya rito.

"Hindi talaga ako ready bago mag-shooting," sabi niya. "Pero naging comfortable na ako sa lahat, kaya nagawa ko yun nang hindi na naaasiwa. Na-motivate ako na this is it, I have to keep it moving. Okey lang. Hindi ko naman masasabing pagkatapos ng daring scenes ko rito, e, sanay na ako. First movie ko pa lang naman ito."

Naglalaro ng football si Miggy at kasama sa koponan ng Arrowheads. For local competition lang daw, na ang karamihan ng members ay galing sa La Salle-St. Benilde.

"Dati akong taga-Benilde, napariwara ako, napasama," very honest na pagtatapat ng baguhan. "One year lang akong nagtagal sa Benilde."

Pamangkin ng dating aktor na si Shintaro Valdez si Miggy. May asawa na raw at mga anak ang kanyang tiyuhin.

"Magkakasama kami sa bahay," sabi ni Miggy. "Uncle ko siya sa father side. May business na kasi siyang inaasikaso."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN