Anne Curtis keeps door ajar, maybe for second time around with Sam Milby

"Hindi kami, but siguro safe to say na we're not closing our doors to it. Hindi namin minamadali, kaya sana huwag din kaming madaliin ng mga tao. We're just taking our time. Lumalabas naman kaming madalas ngayon, never naming dine-deny, but we're not rushing into anything. Ine-enjoy lang namin yung time namin together," says Anne Curtis about her current relationship with ex-boyfriend Sam Milby (inset).


When Anne Curtis and Sam Milby broke up more than a year ago, aminado ang dalawa na dumaan sila sa stage kung saan naputol ang komunikasyon nila at hindi sila nag-usap. Hindi rin naman itinago ng dating magkasintahan na pareho silang nag-move on at sumubok ding lumabas at makipagkilala sa ibang tao.

But after some time, nagkaayos din sina Anne at Sam, lalo na noong pareho silang naaksidente sa magkaibang pagkakataon. Anne and Sam were there for each other, kaya inakala ng marami na may balikan nang nangyari.

THE FEELING'S STILL THERE. Sa storycon ng pelikulang pagsasamahan nina Anne at Sam, inamin ng aktres sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na may espesyal pa rin siyang nararamdaman para sa kanyang ex-boyfriend.

"Well, si Sam naman, yung love ko sa kanya, as I've always said sa mga past interviews ko, hindi naman yun mawawala agad. It may not be as strong as before, but it's still there. That's three years of history din naman.

"Hindi kami, but siguro safe to say na we're not closing our doors to it. Hindi namin minamadali, kaya sana huwag din kaming madaliin ng mga tao. We're just taking our time. Lumalabas naman kaming madalas ngayon, never naming dine-deny, but we're not rushing into anything. Ine-enjoy lang namin yung time namin together," paliwanag ni Anne.

Inamin din ni Anne na sumama talaga ang loob niya noon kay Sam to the point na ayaw niya itong makita.

"Mahirap talaga yun kasi one year kami na hindi kami okay. During that time, masasabi kong hindi ko siya na-miss. You have to go through stages talaga na galit ka, nasasaktan ka, naiinis ka, babalik ka na naman sa malulungkot ka, babalik ka sa naiinis—it's stages. When I finally get over all of it, dumating ako sa point, 'Uy, na-miss ko itong taong ito.' Ito yung nag-start na nagtsi-chikahan na kami ulit," kuwento ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE WAY THEY USED TO BE. Na-link before si Anne sa isang non-showbiz guy at nabalita rin na lumabas si Sam kasama si Maja Salvador. They also came to a point na nagkakatuksuhan na sila pag may nali-link sa kanila, pero aminado si Anne na iba na ang kaso ngayong close sila uli ni Sam.

"Genuine yun, I'm happy for him kung sinuman ang na-date niya at that time," sabi ni Anne. "Yung sa kanila ni Maja, I think you have to clear it muna with Sam kung ano talaga ang sa kanila. Kasi wala talaga ako sa posisyon para magsalita hanggang sa magsalita sila about it, kung anuman yun o kung ano pa ang nangyari.

"Right now, I think it will be a different situation kasi madalas kaming magkasama ni Sam, everything would be different. But siyempre, at the end of the day, gusto ko pa ring maging masaya si Sam."

VEHICULAR ACCIDENTS. After Anne's vehicular accident, ilang buwan lang ang binilang ay si Sam naman ang naaksidente sa Libis, Quezon City. Si Anne ang isa sa unang tinawagan ng aktor para malaman ang nangyari sa kanya at agad naman dumating si Anne para tingnan ang kalagayan ng dating kasintahan.

"Kinabahan ako. Ang unang bungad niya sa akin, I just got hit by a truck. Siyempre naloka ako! Kala-landing ko lang from Bicol, parang 'Ano ito?' Of course, pumunta ako. I owe it to him nung ako naman ang naaksidente, he did the same thing for me.

"Sabi niya, hindi naman daw niya kasalanan, natamaan lang daw talaga siya and that caused kung bakit yung van niya ay tumaob. Sabi ko sa kanya, don't blame anyone. Ang mahalaga okey siya, walang nasaktang ibang tao. It's just a van, mapapalitan 'yan. At least walang nangyari sa kanya."

FIRST MOVIE TOGETHER. For the first time ay magkakasama sa isang pelikula sina Anne at Sam para sa Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya,excited ako. Parang reunion namin ni Sam to work together after Dyosa and also with Direk Mae [Cruz] na siyang humawak sa story namin sa Maging Sino Ka Man. Sobra kaming excited dahil kung mayroon mang direktor na nakakabisado sa amin ni Sam, si Direk Mae yun. It will be next year, I think early next year siya ipapalabas," banggit ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN