Kaye Abad's onscreen tandem with Guji Lorenzana gets second wind

"Nakakagulat yung response ng tao, kasi for a long time also, identified din ako as loveteam of John Lloyd [Cruz]. After Lloydie, wala na. Wala nang nag-click na ka-loveteam ko, kahit yung sa amin ni Marvin [Agustin]. Kaya nagulat ako na nag-click yung sa amin ni Guji, hindi ko talaga ito inaasahan," says Kaye Abad about her partnership with Guji Lorenzana.


Kahit second choice lang noon si Kaye Abad to play Guji Lorenzana's love interest in Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers: Pepper and Roses—after Roxanne Guinoo backed out from the project—nag-rate pa rin ang nasabing episode. Napatunayang may chemistry sina Kaye at Guji kaya naman nagdesisyon ang ABS-CBN management na ibalik ang tambalan nila via another episode of Precious Hearts Romances, ang Somewhere in My Heart.

Kaya naman masayang-masaya si Kaye nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Siyempre masaya kasi kumbaga, ito na naman kami uli. At the same time, nakakakaba kasi ito na yun. Unlike nung Bud Brothers, sila yun, grupo. This time, kami na lang dalawa. So, nakakakaba. Pero siyempre sa kaba, kasama yung pagsusumikap na mapaganda yung show, importante yun. Kasi kung kampante ka lang, walang mangyayari sa iyo. Nagpapasalamat din ako sa tiwala ng management na binigay sa amin ang project na ito," pahayag ni Kaye.

Tinanggihan ni Roxanne noon ang Pepper and Roses dahil hindi raw niya kaya ang mga love scenes na required dito. Blessing in disguise naman ang pagkakatanggap ni Kaye sa nasabing project dahil maraming nangyaring maganda sa kanya mula nang tinanggap niya ang nasabing role.

"For a long time, ang tumatak sa akin ay bilang si Eds," banggit ni Kaye. "Kahit na magka-project ako after Tabing Ilog, Eds pa rin ang tumatak sa tao. After ng Bud Brothers, dun nagsimula, may tumatawag na ng Pepper sa akin. Kumbaga, natanggal na sa utak nila yung Eds.

"Nakakagulat yung response ng tao, kasi for a long time also, identified din ako as loveteam of John Lloyd [Cruz]. After Lloydie, wala na. Wala nang nag-click na ka-loveteam ko, kahit yung sa amin ni Marvin [Agustin]. Kaya nagulat ako na nag-click yung sa amin ni Guji, hindi ko talaga ito inaasahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Saka usually pag lumalabas ako before, manang ako. Dun sa Bud Brothers, dito talaga ako binago nang bonggang-bongga ni Direk Cathy [Garcia Molina] na maiigsi yung skirt, maiikling short, kinulot niya ang buhok ko... iba talaga."

Daring and sexy ang Pepper and Roses. Mas sexy and daring daw kaya ang mga eksena nila Kaye at Guji sa Somewhere in My Heart?

"Kung bagay naman sa eksena, kung kinakailangan naman talaga, bakit hindi? Depende sa balat na ipapakita at kung gaano karaming balat," sabi ni Kaye.

Sa kabila ng mga balita na nag-break na sina Kaye at ang boyfriend na si Chito Miranda, lead vocalist ng Parolya ni Edgar, ay may balita ring lumabas na maayos naman daw ang ilang taon na ring relasyon ng dalawa. Palaisipan tuloy sa iba kung hindi kaya issue kay Chito ang ginagawang pagpapa-sexy ni Kaye?

"Ever since naman, walang issues sa ganyan. Pag trabaho, trabaho. Nag-Maxim nga ako, okey lang. Nung nakilala niya ako, ito na ang trabaho ko, so respetuhan lang ng trabaho," saad ni Kaye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN