Richard Gomez returns for the second season of Family Feud

"Alam n'yo, siguro ginawa talaga akong instrumento ng Panginoon para magpaligaya ng tao, magpasaya. Siguro, kasama na rin dun ang makatulong ako sa kanila. After all naman, sa 25 years ng pag-aartista ko, ang tumulong sa pagkasikat ko, mga tao rin. So, it's really about time to give it back to them," says Richard Gomez.


Nagbabalik muli si Richard Gomez bilang game-show host sa second season ng Family Feud. Kahapon, October 13, sa Studio 5 ng GMA Network Center ay nagkaroon ng press conference for the show. Nagkaroon din ng sample ng actual game para sa ilang entertainment press na napili para maglaro.

Mas excited si Richard sa second season ng Family Feud dahil mas maraming bago at mas pinalawak daw ito.

"Nationwide na ang audition ngayon," banggit ni Goma. "Dati kasi sa studio lang ang audition. Pero ngayon, dadalawin na ng Family Feud ang iba't ibang probinsiya para makasali sila. Once na makapasa sila sa audition nila, GMA-7 na ang bahala sa board and lodging nila. At saka kung one week silang mananalo sa Family Feud, Family Feud will take care of them."

Malaking factor daw ang naging magandang outcome ng Season 1 ng Family Feud kung kaya't mas malaki at mas pinabongga rin ang premyo nila ngayon.

"Actually, noong pagkatapos ng Family Feud, pumasok na yung Hole in the Wall [hosted by Michael V and Ogie Alcasid as Yaya and Angelina], sabi ng tao, 'Kailan babalik yung Family Feud?' So, makikita mong marami ang nag-aabang ng show."

Ayon din kay Richard, Family Feud will run for two more seasons.

Hindi naman daw siguro magkakaroon ng conflict at aabot sa deadline ng mga artistang papasok sa pulitika, tulad nga ni Richard, na nasa ere pa ang show.

"If ever siguro, baka I might miss the last two weeks of Family Feud," sabi niya.

GOMA TO RUN IN ORMOC CITY. Handa na raw si Goma na tumakbo sa Ormoc City bilang congressman. Masaya rin ito na sa survey, siya ang lumalabas na nangunguna.

"Nag-survey kami, mataas naman ang survey ko sa 4th district sa Ormoc, 54 percent ako dun. Top answer nila dun, Richard Gomez. Sabi ng survey, sure!" natatawang biro pa ng actor-TV host na hinalintulad sa paraan ng laro ng Family Feud.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw problema sa mag-ina niyang sina Lucy Torres-Gomez at Juliana ang plano niyang muling pagpasok sa pulitika. Although this time, he will run for a local post naman. Matatandaang tumakbo si Goma bilang senador noong 2007, pero natalo siya.

"Siyempre, pinag-usapan namin ang plano namin at nanggaling talaga sa father ni Lucy ang blessing na, 'Sige, if you have the desire to help and improve yung situation sa Ormoc din, I'll give you my blessing.'"

Bakit sa Ormoc niya naisipang tumakbo?

"Kasi yun na ang hometown namin. Since ikinasal ako, naging Ormocano na rin ako," sagot ni Goma.

Nang unang sumabak sa pultika si Richard ay independent candidate siya. Although hindi siya pinalad na manalo, marami naman daw siyang natutunan sa mga naging experiences niya.

"Mahirap maging independent. There's no such thing as being an independent candidate. Marami... marami akong natutunan noon," sambit niya.

Bakit hindi national position ang naisipan niyang pasukan muli?

"Maganda kasi kapag nasa Congress ka, mas diretso mong natutulungan ang mga tao mo, yung mga constituents mo dun sa lugar. Siguro, yun muna ang gagawin ko for now," sagot ni Goma.

Parang hindi niya talaga matanggal sa sistema niya ang pagtulong?

"Alam n'yo, siguro ginawa talaga akong instrumento ng Panginoon para magpaligaya ng tao, magpasaya. Siguro, kasama na rin dun ang makatulong ako sa kanila. After all naman, sa 25 years ng pag-aartista ko, ang tumulong sa pagkasikat ko, mga tao rin. So, it's really about time to give it back to them," aniya.

Hindi rin daw magiging question ang residency niya dahil taga-roon naman sila. March pa lang daw of this year ay nai-transfer na niya ang pagboto ro'n.

So far, hindi pa masabi ni Richard kung anong party siya aanib at kung sinong presidentiable ang susuportahan niya.

"You have to decide, kasama mong tatakbo yung mga local municipalities. It will have to be group decision," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling imbitahan niya ang mga tatakbong presidente sa Family Feud, sino ang pipiliin niyang maglaro?

Mabilis ang naging sagot ni Richard na sina Senator Noynoy Aquino at Senator Manny Villar. Pero tumawa lang ito at hindi na nagbigay ng konkretong sagot.

NEW MANAGER. This time, iba na rin ang nagre-represent kay Richard at tumatayong manager niya. Dahil namayapa na ang original na manager nito na si Douglas Quijano, si Wyngard Tracy na ang napili niyang mag-manage sa kanya.

"Unang-una, I made sure na lahat ng kasama namin sa bakuran ni Dougs, maging okey na sila. Makahanap ng mga managers na gusto nila. Noong dumating yung time na okey na... Sila Anjo Yllana, sila Gelli de Belen, Janice de Belen, nakahanap na ng kanya-kanyang manager, kami talaga ang huli na nag-decide na, 'O, okey na silang lahat? O, tayo naman.'"

Pero kamusta silang mga talents ni Tito Dougs ngayon na magkakaiba na ang manager nila?

"Every once in a while, nagkikita-kita kami. Siguro sa next gathering namin sa bahay, iimbitahan namin kayo. Masaya, e..."

Kahit paano, adjusted na rin daw siya na wala na nga talaga si Tito Dougs.

"Of course, there are days na nami-miss mo siya. Kapag nasa bahay ako, meron siyang permanenteng inuupuan dun sa lamesa namin, so, palagi mong iniisip na kapag doon ka dumaraan, palagi mong nakikita si Dougs na nakaupo dun. Si Lucy naman, yung picture ni Dougs, palagi pa rin nandoon sa cell phone niya," lahad ni Goma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN