Felix Roco says he's not yet worthy to be compared with Coco Martin

"Si Coco naman, matagal na siyang gumagawa ng indie films at award-winning actor na siya. Nakakahiyang ma-compare sa kanya kasi malayo talaga, e. Hindi ko pa naaabot ang mga narating na ni Coco," says Felix Roco about being compared with the Prince of Indie Films, Coco Martin.


Si Felix Roco ang pinakabagong pinag-aagawan ng indie film producers dahil sa pagwawagi ng tinampukan niyang indie film na Engkwentro ng top prize sa Orizzonti (New Horizons) category ng 66th Venice International Film Festival. Idinirek ng young filmmaker na si Pepe Diokno ang naturang pelikula.

Kaya naging sunud-sunod ang mga ginagawa niyang indie films na idinidirek ng mga premyadong film directors ngayon. Tulad nga ng Sagrada Pamilya at Dukot na parehong idinirek ni Joel Lamangan. May dalawa pa raw indie films na sisimulan si Felix at pareho raw maganda ang roles na ibinigay sa kanya.

COCO MARTIN. Kaya nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Felix kung ano ang pagkakaiba niya sa tinaguriang "Prince of Indie Films" na si Coco Martin, sinabi nito na hindi sila dapat ipagkumpara. Unang-una ay magkaibigan sila at pangalawa ay malayo na raw ang narating ni Coco kumpara sa kanya.

"Magkaibigan kami ni Coco kasi nagkasama kami before sa grupo na The Studs. Si Coco naman, matagal na siyang gumagawa ng indie films at award-winning actor na siya. Nakakahiyang ma-compare sa kanya kasi malayo talaga, e. Hindi ko pa naaabot ang mga narating na ni Coco," sabi ni Felix, anak ng batikang aktor na si Bembol Roco.

Nasabi ni Felix na suwerte lang niya at napasama siya sa cast ng Engkwentro at nabiyayaan naman sila na manalo ng international award. Nagkaroon pa ng chance si Felix na makapaglakad sa red carpet ng Venice International Film Festival at makita ang mga hinahangaan niyang Hollywood actors at directors.

"Isa sa mga hindi makakalimutan 'yon," sambit ng young actor. "Talagang na-star-struck ako. Noong ikuwento ko nga kay Daddy [Bembol], tuwang-tuwa siya kasi hindi raw niya na-experience 'yon noong nagsisimula siyang mag-artista. Natutuwa naman siyang naranasan namin 'yon sa edad namin ngayon."

DAISY SIETE. Pero kahit maituturing na ngang isang premyadong young actor si Felix, gusto pa rin niyang naaabot siya ng masa, kaya natutuwa siya dahil kasama siya sa cast ng 24th season ng Daisy Siete. Ito ay ang "My Shuper Sweet Lover," kung saan bida sina Jopay Paguia at Joshua Zamora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This is my third time to be in the cast of Daisy Siete. Una akong lumabas sa 'Tabachingching' then sumunod ang 'Prince Charming and the Seven Maids.' Enjoy kasing lumabas sa show na ito. Parang ang gaan lang magtrabaho at walang masyadong pressure.

"Kaibigan ko pa lahat ng mga involved sa show kaya maganda ang working relationship namin. Kaya noong mag-offer ulit sila ng role for the new season, umoo kaagad ako. Basta Daisy Siete, okey para sa akin," sabi ni Felix.

Magsisimula na sa October 19 ang "My Shuper Sweet Lover" sa GMA-7 Dramarama Sa Hapon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN