Akihiro Sato says Rufa Mae Quinto's lips taste like "strawberry"

"I'm having fun and we know each other more now. She helped me a lot and, actually, I don't think about malice. I think about my profession and my career. And kasi, I'm imagining myself, all those scenes, I'm really scared coz it's my first time. I really don't have time to think about malice," says Akihiro Sato about leading lady Rufa Mae Quinto (inset).


"Sweet at sobrang bait" kung i-describe ni Akihiro Sato ang leading lady niya sa SRO Cinemaserye Presents Moshi Moshi I Love You na si Rufa Mae Quinto.

"Oo, sobrang mabait siya," says Akihiro in his "Brapanese-Tagalog" accent nang nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Moshi Moshi I Love You last Monday, October 12.

Kaya nga hindi na raw pinasok ng malisya ang utak niya kahit may mga intimate scenes sila ni Rufa Mae sa naturang programa ng GMA-7, na magsisimula na sa October 15, Huwebes ng gabi. Lagi rin daw siyang masaya kapag kasama si Rufa Mae sa taping.

"Oo, sobra! I'm having fun and we know each other more now. She helped me a lot and, actually, I don't think about malice. I think about my profession and my career. And kasi, I'm imagining myself, all those scenes, I'm really scared coz it's my first time. I really don't have time to think about malice," saad ng hunky model turned actor.

Sa pinakaunang pagbibida ni Akihiro sa telebisyon, may takot siyang nadarama.

Aniya, "Scared, kasi Rufa Mae, she is big star and I am just new. But I feel great and I really appreciate that a lot of opportunities are coming to me."

Isang Japanese star ang role ni Akihiro sa Moshi Moshi I Love You bilang si Akihiro Watanabe. Sa tunay na buhay, kahit half-Brazilian at half-Japanese siya ay hindi raw siya marunong magsalita ng Niponggo.

"I speak pa nga more Tagalog than Japanese, more Portuguese and Spanish," nakangiting sabi niya.

"LASANG STRAWBERRY." Aminado si Aikihiro na crush niya si Rufa Mae. Nakakapanood din daw siya noon pa ng movies at TV shows ng sexy comedienne. Hindi rin nag-alinlangan si Akihiro na sabihing ang pinakagusto niyang parte ng katawan ni Rufa Mae ay ang boobs nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She has a perfect body! If you look at her... kind of like a Spanish woman's body. Sarap!" bulalas ni Akihiro.

Handa naman si Akihiro if ever ma-link sila ni Rufa Mae.

"Why not? She's mabait and sexy."

Kung walang boyfriend si Rufa Mae, posible kayang ligawan niya ito?

"I don't know... work muna."

Dahil may kissing scene sila ni Rufa Mae, natural na maitanong kay Aikihiro kung ano ang lasa ng mga labi nito.

"Lasang strawberry!" sagot ni Akihiro. "Her smell, it's kind like a rose, and like orchids and flowers."

Bukod kay Rufa Mae, crush din ni Akihiro sina Iza Calzado, Rhian Ramos, at Marian Rivera. Pero sino ang pinakagusto niya sa kanila?

"Actually, I like all girls," sagot ni Akihiro. "It's hard to decide which one coz I just met all the artistas now. Lahat sila maganda."


CELEBRITY DUETS. Aside from SRO Cinemaserye, nasa Celebrity Duets pa rin si Akihiro bilang isa sa mga celebrity contestants. Ayon sa kanya, nalulungkot siya kapag may nawawalang contestant.

"Actually, it's hard to see someone go because from the start, we were one group then one will get out. Like Maxie [Cinco, fashion designer], I was very sad. Because we always both get nervous, so we talk to each other," sabi niya.

By the way, para sa mga gustong manalo si Akihiro sa Celebrity Duets, iboto lamang siya by typing DUETS_akihiro at i-send sa 367 for Smart at Talk 'N Text, at 2344 for Globe, TM at Sun.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN