Kapamilya executives reportedly "caught unaware" by Claudine Barretto's decision to sign up with Viva Films

Contrary to Claudine Barretto's claim that she asked permision from Star Magic and Star Cinema before signing up with Viva Films, a source from the Kapamilya network says the actress did not tell any ABS-CBN executive about her decision.


Usap-usapan sa apat na sulok ng mga opisina ng top executives ng ABS-CBN at Star Cinema Productions ang pagpirma ni Claudine Barretto sa Viva Films, ayon sa isang mapagkakatiwalaang source sa Kapamilya network. Tila caught unaware daw ang mga executive ng Kapamilya network at film arm ng ABS-CBN sa naging desisyon ng aktres.

Pinabulaanan pa ng aming source ang claim ni Claudine na nagpaalam siya sa Star Magic nang pumirma siya ng two-picture contract sa Viva Films. (CLICK HERE to read related story.)

Wala raw mataas na executive ng ABS-CBN at Star Cinema ang kinausap o sinabihan man lang ni Claudine para magpaalam sa gagawin niyang pelikula sa Viva Films. Maging si Johnny Manahan daw na head ng Star Magic ay walang alam na pipirma si Claudine sa Viva Films.

Dahil dito, galit daw ang ABS-CBN at Star Cinema management sa ginawa ni Claudine. Bago ang pagpirma ni Claudine sa Viva, binitin-bitin pa raw kasi ng aktres ang ABS-CBN sa pagtanggap niya ng teleserye na pagsasamahan nila ng kapatid na si Gretchen Barretto.

Pinatagal-tagal pa raw ni Claudine ang pagpirma sa kontrata niya para sa teleserye at ang dami-dami pa raw demands nito. Hanggang sa binaha na ang bahay ng aktres, kung saan ayon na rin kay Claudine ay kasamang nabasa ang kanyang kontrata sa bago niyang teleserye.

Pero sa ginawang pagpirma raw ni Claudine sa Viva Films, tila magkakaroon ng pagbabago. Posible raw na hindi na matuloy ang unang proyekto na pagsasamahan nila dapat ng kanyang Ate Gretchen sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN