Jessa Zaragoza feels secure about hubby Dingdong Avanzado doing a concert with ex-girlfriend Rachel Alejandro

"Naku, ayokong bumuntot sa asawa ko! Hindi muna ako sasama sa kanya sa Australia. I trust my husband. At saka ayaw naming mag-entertain ng negative thoughts. Gusto ko na ring matigil ang isyung 'yan, kasi si Rachel, mabait din naman talaga sa akin," says Jessa Zaragoza about the concert of husband Dingdong Avanzado with his ex-girlfriend Rachel Alejandro (not in photo) in Australia.


Si Dingdong Avanzado ang pangunahing dahilan kung bakit na-inspire si Jessa Zaragoza to come up with an album na may kakaibang konsepto. Ito ay ang Jessa Sings The Greatest Musical Idols, na ini-release ng MCA Universal Records.

Ayon kay Dingdong, "Nakilala nang husto si Jessa sa OPM [Original Pilipino Music], at tumatak na siya nang husto doon. Pero naniniwala kasi ako sa potensiyal niya, na kaya rin niya ang iba pang klase ng mga kanta.

"So, I told her, since matagal naman siyang nawala, it's about time na marinig at makita ng mga tao ang kakaibang style niyang 'yan. Bakit hindi niya gawin yun sa album niya? Yung concept nito, parang showcasing na rin the versatile talents that she has, and at the same time, giving tribute na rin sa greatest musical icons."

Sa ngayon, nagtutulungan sila para higit pang maging successful ang latest album ni Jessa na naglalaman ng sarili niyang interpretations ng "Don't Be Cruel" (original by Elvis Presley), "La Isla Bonita" (Madonna), "Here I Am" (Air Supply), "Brokenhearted Me" (Anne Murray), "Every Breath I Take" (The Police), "Call Me" (Blondie), "When You Tell Me That You Love Me" (Diana Ross), at marami pang iba.

TYPHOON VICTIM. Natuloy na rin ang bonggang launching ng album ni Jessa sa Eastwood City kamakailan. This time, part ng proceeds mula sa mapagbebentahan ng album ay mapupunta sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng.

"Naku, yung bahay rin namin sa Binangonan, naapektuhan ng baha!" sambit ni Jessa. "Yung helper lang namin ang nandodoon. Pero, hanggang baywang. Ibig sabihin, noong kalakasan ng Ondoy, mas mataas pa ang tubig doon sa main road.

"Nabasa yung mga gamit ng kapatid ko. Wala kaming choice. May mga nasagip, pero hindi kinaya na powers ng helper namin yung mga computer at iba pang appliances. May mga depekto na yung iba at tinitingnan nga kung puwede pang ipaayos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DINGDONG'S ALBUM. Naghahanda na rin si Dingdong para sa kanyang sariling album. Ibang klase naman daw ang konsepto nito, ayon sa singer.

"I have been writing songs," ani Dingdong. "And lately, affected akong sobra sa mga nangyari sa bansa natin. Hindi lang outwardly, pati inwardly. So, nakapagsusulat talaga ako ng mga kanta ngayon. At the same time, hayan nga at in the making na rin ang susunod kong album. Doon ko mailalabas ang inspiration na yun."

Marami rin ang nangeengganyo muli kay Dingdong na pasukin ang pulitika. Dati siyang nahalal na councilor sa 3rd district ng Quezon City.

"Hindi ko inaalis ang posibilidad, for as long as the desire in me to help is there," sabi niya. "But I'm weighing my options. I'm not saying that I'm closing my doors to it. Para sa akin, bukas ang puso ko para magsilbi sa bayan, kung kailan, yun ang tanong. Kailangan d'yan ang right timing."

Happy si Dingdong dahil supportive si Jessa sa isa pang pangarap niyang ito.

"Kung ako ang tatanungin, mahirap talaga. But, it's really a commitment," sabi ni Jessa.

Ayon kay Dingdong, darating ang pagkakataong mauuna pa ang pulitika kaysa pamilya niya. Malaking desisyon 'yan.

Pero sabi ni Jessa, "Kahit wala sa posisyon, puwede pa rin namang tumulong ang mister ko."

RACHEL ALEJANDRO. May repeat din daw ang Ladies of the '90s concert na pinagsamahan nina Jessa, Rachel Alejandro, Geneva Cruz, at Roselle Nava. Mukhang okey naman sila ni Rachel at naging close nga sila after that. Dating girlfriend ni Dingdong si Rachel.

"Wala namang problema sa amin ni Rachel," sabi ni Jessa. "Inaayos lang yung sked para sa repeat. Yung relationship namin ni Rachel, okey naman. Pupunta nga sila ni Dingdong sa Australia. Mayroon silang concert doon for Globe. Kung may problema, e, di hindi na ako pumayag na magsama sila doon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, ayokong bumuntot sa asawa ko! Hindi muna ako sasama sa kanya sa Australia. I trust my husband. At saka ayaw naming mag-entertain ng negative thoughts. Gusto ko na ring matigil ang isyung 'yan, kasi si Rachel, mabait din naman talaga sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN