Michael V joins the talent-show bandwagon with SHOwwwTIME

"Kami lang ang show na pang-international, kasi sinakop na namin, e. Hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Bukod doon, we went out of our way para kami na mismo ang maghanap ng mahuhusay na mga Pilipino. Bukod doon, mas malaki ang premyo. Mahirap kabugin ang premyong ipamimigay natin. So, saan ka pa pupunta, e, di dito na," says Michael V when asked about the edge of his talent show.


Nawala man sa ere ang Bitoy's Funniest Video, hindi naman nalungkot ang host nitong si Michael V dahil isang mas malaki at mas exciting na show ang pumalit dito na siya pa rin ang host—ang Bitoy's SHOwwwTIME, na mapapanood tuwing Sabado ng gabi, simula sa October 17, pagkatapos ng Celebrity Duets sa GMA-7.

"Hindi ako nalungkot. Kasi may bago namang pumalit. Ako pa nga yung pursigido na, 'Tara na, gumawa na tayo ng bago!' Kasi nung una, tinitingnan ko, two years lang ang tingin ko lifespan ng BFV. Pero umabot nga ng five years. So, sabi ko, it's time to do another show. Kailangan kasi mag-evolve ka, e. Hindi puwedeng isa lang lagi ang ginagawa mo. Pag inabutan ka ng sawa ng tao, mahirap na.

"Although, hindi namin inalis yung element ng BFV na wacky and wild na videos. Kaya noong una, inisip namin na baka video lang yung puwedeng pagbasehan. Pero hindi, e, iba pa rin yung may element ng live. Kaya in-incorporate namin dito yung best of everything," pahayag ni Michael V sa presscon ng Bitoy's SHOwwwTIME kagabi, October 13, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Sa Bitoy's SHOwwwTIME, si Michael V ay isang futuristic emperor na naghahanap ng magagaling na mga Pinoy para makatuklas ng pinakabagong "internet-ional star." Kasama niya rito ang kanyang loyal jester na si Mang Enriquez para pasayahin ang mga manoond sa isang oras na wacky, wild, at world-class show na ito na mayroong apat na segments—"Talbugan," "Videokareran," "Facemuk," at "Gaya Mo Yun?".

Paano ba makasali sa show?

"Napakadaling sumali sa Bitoy's SHOwwwTIME. Mag-log on lang sa www.bitoystv.com. Nandudoon na lahat ng paraan, ng criteria, kung paano kayo sasali, kung saan magpu-fall ang talent n'yo—kung sa wacky ba o sa wild. Nandoon na lahat. Mag-log on lang kayo. Kami na ang bahala doon. All ages, puwedeng sumali. At napakalaki ng papremyo, P75,000 every week ang puwede n'yong mapanalunan. Kaya sali na kayo sa bonggang-bonggang show na ito!" pag-iimbita ni Bitoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


JOINING THE CREATIVE TEAM. Noong una ay hindi kasama sa creative team si Bitoy, pero hindi niya raw mapigilang sumali.

"Nung pagsali ko nga, dun na pumasok yung idea na puwedeng i-challenge yung isang contestant. Sabi ko, dapat may factor na parang patalbugan. May apat na bida at puwedeng mag-remain yung apat na yun. Pero mayroong atribida na puwedeng mag-challenge at pag nanalo ay sila na ang papalit na bida. Pero hangga't hindi ka nakakabog, nandun ka lang at palagi kang may P75,000. Puwede mong i-defend ang title mo for four consecutive weeks hanggang sa tanghalin kang 'Bida Best' at puwede kang manalo hanggang P300,000."

Ano ang mae-expect ng mga viewers na mapapanood sa show?

"Mapapangiwi kayo. Kakaibang husay ang ipinapakita nitong mga ito. Pati ako mismo, e, nung pinapanood ko, hindi ko akalain na may ganung tao pala na nakakagawa ng mga ganung klaseng bagay," sabi niya.

Siya rin ba ay magpapakita ng kakaibang talent niya sa show?

"Hindi, e. Baka katawan ko lang ang ipakita ko!" biro ni Bitoy.

Mapapanood pa rin ba ng mga tao ang pag-i-impersonate niya at pagpo-portray niya ng ibang characters?

"Puwede rin, pero sa ngayon, isang character muna, si Hari Ka [na katunog daw ng 'yari ka' niya sa BFV]. Pero eventually, tingnan natin, ie-explore natin."

Sino at ilan ang magiging judges sa show?

"Iba-iba yung bilang, e, pero definitely hindi isa o dalawa lang. Magkakaroon kami ng celebrity judges. Pati yung mga audience, isinasama namin."

May power ba siya to vote?

"Yes, in a way, sa deliberation. Pagka halimbawa nahirapan kami in case magkaroon ng tie, kasi hindi puwedeng magkaroon ng tie, e. So, yung deliberation minsan sumasama ako sa judges."

Kung hindi ba siya ang sikat na Michael V ngayon ay sasali ba siya sa ganitong talent show?

"Palagay ko," sagot niya. "Kasi dati na rin naman akong sumasali sa mga singing at dancing contests. At saka kung iisipin mo, may chance na maraming talentong ibinigay sa iyo ang Diyos at puwede mong gamitin ang mga ito para i-challenge yung mga current champions. Puwede ka kasing mag-challenge ng several times, e. Halimbawa, itong isang bida na ito tinapatan mo, tsinallenge mo, pagka natalo ka, puwede mo pa ring i-challenge yung isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CENSORSHIP. May limitations ba sila sa mga puwedeng gawin ng mga contestants sa show?

"Wala, walang limitations."

So, kahit yung kumakain ng buhay na manok, puwede?

"Puwede yun."

Hindi ba sila nag-aalala sa magiging reaksiyon ng MTRCB pagdating sa censorship?

"Hindi naman, kasi bukod sa censorship na mayroon sa show, may censorship din mismo sa network. So, bago pa dumating sa MTRCB, may pagdadaanan na talaga. Maaaring pumasa sa amin sa creative, pero pag inayawan ng network, hindi namin puwedeng ipilit yun. Iba na lang ang gagawin namin."

Bago pa man daw sumalang ang mga contestant sa show ay ini-screen na nilang mabuti ang mga ito.

"Kasi mamaya, iba ang gawin ng mga yun pag nasa stage na. Ibang talent pala ang gustong ipakita, alam mo na yung hindi puwede sa TV, yung ganun."

Dahil tumatanggap sila ng mga contestants sa ibang bansa, kailangan ba na ang mga sasali ay may dugong Pinoy?

"Dugong Pinoy, may kamag-anak na Pinoy, may karelasyong Pinoy. Not necessarily na Pinoy talaga," sabi ni Bitoy.

Gaano karami na ang nagpadala ng videos?

"Madami na and growing, e. Kasi mula nung i-announce namin yung website, kung ano yung puwedeng gawin, nag-ano kaagad, bumuhos kaagad. Parang Ondoy, bumaha talaga. Ganun ang nangyari."

Sa mga contestant na sumali na, ano yung pinaka-extreme at pinaka-wild na napanood niya?

"So far, yung nakita ko si Boy Bato. Literally, kamakain siya ng bato. Kaya alam mo nung makita ko yun, ang sabi ko, ano ba 'to?" may halong patawa ni Bitoy.

Lagi naman daw may naka-standby na emergency team sa labas ng studio just in case magkaroon ng accident. May waiver at insurance din daw na pinipirmahan ang mga contestant.

VERSUS OTHER TALENT SHOWS. Hit na hit ang talent shows ngayon. Pero ano ang plano nilang gawin para kabugin ang existing nang Talentadong Pinoy ng TV5 at ang parating na Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami lang show na pang-international, kasi sinakop na namin, e. Hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Bukod doon, we went out of our way para kami na mismo ang maghanap ng mahuhusay na mga Pilipino. Bukod doon, mas malaki ang premyo. Mahirap kabugin ang premyong ipamimigay natin. So, saan ka pa pupunta, e, di dito na," paliwanag ni Bitoy.

Paano niya iha-handle yung intrigang hindi sila ang nauna sa ganitong uri ng show?

"Meron kasing pagkakaiba dun sa ginagawa nila at sa gagawin natin ngayon. Ang pagkakaiba ngayon, ang bottomline lagi, ano ba yung mas maganda? Ano ba yung mas mainam na salihan sa mga ganitong kategorya ng mga shows," sagot niya.

Yung mga nanalo ba at hindi nanalo sa ibang talent shows ay puwedeng sumali sa show nila?

"Palagay ko hindi, e. Kasi kumbaga, naipakita na nila yung husay nila sa iba, e. Ang hinahanap namin dito yung bago at hindi pa nakikitang individuals. Kumbaga, nabigyan na sila ng break sa iba. So ngayon, iba naman ang bibigyan nami ng break."

YAYA & ANGELINA. Tuwang-tuwa naman si Michael V sa tagumpay ng movie nila ni Ogie Alcasid na Yaya & Angelina: The Spoiled Brat Movie. Magkano na ba ang kinita nito?

"Hindi ko alam yung present figures. Pero nung last na sinabi sa akin, mga nasa P70 million na. Considering na nagkaroon pa tayo ng mga kalamidad, kumita pa rin ang movie namin. Siyempre, thankful kami sa lahat ng tumangkilik."

Ine-expect ba nila na kikita ng malaki ang movie nila?

"Nung una, may ganung expecatations talaga kami ni Ogie at saka ng buong production. Pero nung bumagyo, dun kami medyo nag-alala. Pero despite the typhoon, medyo humataw pa rin. Kaya nga blessed talaga, e."

Magkakaroon ba ito ng sequel?

"Sequel, siguro not in the near future. May ideas na, pero hindi 'yon ang gagawin namin na susunod."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpahayag na sila ni Ogie na ipapahinga na muna nila ang mga characters nina Yaya at Angelina. Pati ba sa Bubble Gang ay hindi na mapapanood sina Yaya at Angelina?

"May mga ganung plans. Sa Bubble Gang, kung napansin n'yo, hindi na siya every week. Parang every other week na. Baka medyo bawasan pa namin yung exposure."

May plano ba sila ni Ogie na gumawa ng bagong characters?

"Meron, kaya nga gusto naming ipahinga muna sina Yaya at Angelina to give way to other ideas."

Sa Friday, October 16, ay magtatapos na ang Hole In The Wall, kung saan ang host ay sina Yaya at Angelina. Mami-miss ba niya ang show nila?

"Oo, very blessed yung show talaga kasi, e. Bukod sa naging daan siya para magkaroon ng pelikula na naging blockbuster, yung bond namin ni Ogie behind the camera, mas tumibay pa."

Hindi naman sinagot ni Michael V kung may mananalo ng jackpot sa last day ng Hole In The Wall. Pero sigurado raw na aabot ng mahigit sa isang milyon ang huling cash prize na puwedeng mapanalunan.

May plano bang ibalik ang show?

"There are plans. There are talks. Pero nothing is set. So, hintayin natin. Pero malamang ibalik kasi maganda yung reception, e."

NOT ENTERING POLITICS. Tinanong din ng PEP si Bitoy kung may plano ba siyang pumasok sa pulitika, lalo na't may mga artista nang nagpahayag ng pagkandidato sa darating na 2010 elections?

"Kandidato, hindi, e, kasi napaka-private kong tao. Parang sa sarili ko nga, wala na akong time. Hindi ako cut talaga for public service. Ipaubaya na natin sa iba 'yan."

Pero may susuportahan ba siyang kandidato, especially sa mga tatakbong presidentiables?

"Sandali, isipin ko lang," ani Bitoy sabay nag-check sign o V sign na kilalang sign na ginagamit ni Senator Manny Villar. "Siguro yung may ganun. Itse-check ko, ha."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN