PEP SPECIAL REPORT: Where is Atty. Manuel Jimenez Jr.?

Atty. Manuel Jimenez Jr., (main photo) one of the accused in the gruesome murder of Ruby Rose Barrameda-Jimenez, as of this writing, cannot be located. He is supposed to be confined now at the Philippine Heart Center to continue his hospital arrest after he complained of chest pains when he surrendered to police last September. The admitting section of the Philippine Heart Center, however, reports they have not admitted anyone by the name of Manuel Jimenez Jr. Rochelle Barrameda (inse


Habang sinusulat ang artikulong ito, wala pa ring paglilinaw kung nailipat na sa Philippine Heart Center mula sa Angono Medics Hospital si Atty. Manuel Jimenez Jr., ang pangunahing akusado sa Ruby Rose Barrameda-Jimenez slay case.

Sinampahan ng kasong murder ng Department of Justice (DOJ) noong Agosto si Jimenez Jr., kasama ang limang iba pa na kinabibilangan ng kapatid niyang si Lope Jimenez at mga tauhan na sina Manuel Montero, Eric Fernandez, Leonard "Spyke" Discalzo, at Roberto Ponce.

At large pa rin sina Lope, Fernandez, Discalzo at Ponce habang nasa custody na ng Philippine National Police (PNP) National Capital Region Police Office (NCRPO) si Montero. Nagpa-hospital arrest naman si Jimenez Jr. mula nang sumuko ito sa Angono police noong September 4, matapos magreklamo ng pananakit ng dibdib.

HOSPITAL TRANSFER. Pero ayon kay NCRPO chief General Roberto Rosales, hindi dapat nasa isang pribadong ospital si Jimenez Jr. Bilang isang akusado, kailangan pa ring nasa pagbabantay ng mga alagad ng batas si Jimenez Jr., at kung may sakit man ito, sa Camp Crame Hospital dapat ito naka-confine para mabantayan nang husto.

Pinaboran naman ni Judge Hector B. Almeyda ng Malabon-Navotas Regional Trial Court (RTC) Branch 170, noong September 18, ang punto ni Gen. Rosales. Ngunit imbes na sa Camp Crame Hospital, inutusan ni Judge Almeyda ang kampo nina Jimenez Jr. at ang Angono Police na mailipat ang akusado sa panggobyernong ospital na Philippine Heart Center sa East Avenue, Quezon City, sa loob ng 24 oras pagkatanggap ng order niya ng Angono police.

Sa kahilingan na rin ito ng pamilya Barrameda, lalo na ng aktres na si Rochelle Barrameda (kapatid ni Ruby Rose), na nag-akusa kay Jimenez Jr. na "nagda-drama lang" at wala naman talagang sakit. Inutusan na rin ng korte na magsagawa ng checkup ang chief ng Philippine Heart Center na si Dr. Ludgerio D. Torres kay Jimenez Jr. upang matiyak kung may sakit nga ito o nagdadahilan lang, gaya ng pag-akusa ni Rochelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dahil sa mga nakaraang pag-ulan sa Kamaynilaan dulot ng bagyong Ondoy, hindi natuloy ang paglipat kay Jimenez Jr. Magtatatlong linggo na mula nang ilabas ang unang order ni Judge Almeyda na mailipat ng ospital si Jimenez Jr. Noong huling pagdinig sa kaso nitong October 9, sinabi ni Judge Almeyda sa PEP na maglalabas siyang muli ng order sa Angono Police na ilipat ng ospital si Jimenez Jr. sa loob ng 24 oras. Sasampahan niya raw ng Contempt of Court si Jimenez Jr. kung hindi ito susunod sa kanyang order.

WHERE IS JIMENEZ JR.? Kinumpirma noong Martes ng umaga ng Malabon-Navotas RTC Branch 170 clerk of court na si Atty. Jesus Hernandez na noong Lunes lamang ng hapon nakuha ng mga representatives ng Angono Police ang inisyung order ni Judge Almeyda. Sinabi rin nin Atty. Hernandez na 48 oras ang ibinigay na panahon ni Judge Almeyda upang mailipat si Jimenez Jr.

Ngunit sa pagtatanong ng PEP, mula pa noong Martes hanggang sa sandaling ito, ay hindi pa rin kinukumpirma ng Philippine Heart Center admitting section na may pasyente silang Manuel Jimenez Jr.

Nakausap din ng PEP kaninang hapon ng alas-4:15 si Emmy Hernandez, isa sa mga sekretarya ni Director Torres ng Philippine Heart Center, na siya sanang magsasagawa ng checkup kay Jimenez Jr. Sinabi nitong wala silang natatanggap na pasyenteng Manuel Jimenez Jr. o kahit na sinong nagngangalan ng ganito na sumailalim sa physical at medical examination ni Dr. Torres.

Taliwas naman ito sa ibinigay na pahayag ng abogado ni Jimenez Jr. na si Atty. Mario Aguinaldo nang tanungin ng PEP kung nasa Philippine Heart Center na nga ang kanyang kliyente. Sagot nito sa text ng PEP, "He is undergoing several tests at the Phil. Heart Center. Pls. do not disturb him."

Nang makausap pa ng PEP sa cell phone, sinabi pa ni Atty. Aguinaldo na maraming tests ang ginagawa sa kanyang kliyente at may silid na raw na tutuluyan ito sa Phil. Heart Center pagkatapos ng checkup dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap din ng PEP ang admitting section at nurse station ng pinagpahingahan ni Jimenez Jr. na Angono Medics Hospital noong sumuko ito at magpa-confine noong September. Ayon sa admitting section, nagpa-discharge na kahapon pa, Martes, si Jimenez Jr. ngunit may mga naiwan pang gamit ito sa pinagpahingahan nitong silid sa ospital. Hapon daw ito nagpa-discharge at hindi naman nakumpirma sa PEP ng Angono Medics Hospital kung may bantay bang mga tauhan ng Angono Police si Jimenez Jr. nang umalis ito sa ospital.

Alas-9 ng gabi ngayong, araw, Miyerkules, muling tumawag ang PEP sa Philippine Heart Center upang tanungin kung may pasyente na silang Atty. Manuel Jimenez, Jr. Ayon sa admitting section ng nabanggit na ospital, wala pa rin daw silang natatanggap na ganitong pasyente.

OCT. 9 HEARING. Samantala, nitong huling pagdinig ng kaso ng karumal-dumal na pagpatay kay Ruby Rose Barrameda-Jimenez, ginulat ng isa sa mga akusado at potential state witness na si Manuel Montero ang prosecution lawyers at maging ang pamilya Barrameda, nang maghain ito ng "guilty plea" sa korte.

Nauna nang ginulat ni Montero ang grupo ng prosecution lawyers na sina Atty. Theodore Villanueva, Atty. Cielito C. Celi, Atty. Benito Oliver Sales III (DOJ prosecutors), Atty. Anna Kristal at Atty. Rowena Guanzon (private prosecutors ng Pamilya Barrameda) nang sisantehin nito ang mga in-appoint sa kanyang abogado ng Public Attorney's Office (PAO) noong September 18 hearing nila. Kapalit ng mga sinisante niyang abogado ng PAO ay ang bago niyang abogado na si dating Western Police District-General Assignment Section (WPD-GAS) chief superintendent Arturo Paglinawan. Bukod sa guilty plea, naghain din sina Montero at Paglinawan sa korte ng Motion to Discharge sa kasong isinampa rito.

Sa panayam kay Paglinawan matapos ang hearing, sinabi nitong may kumpiyansa siya na magiging state witness na talaga si Montero. Inilalakad na kasi ng DOJ prosecutors na maging state witness si Montero. Ayon sa batas, isa sa mga requirement para maging state witness ay ang pag-amin ng guilt ng akusado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong mga abogado pa ng PAO ang tagapagtanggol ni Montero, "not guilty" ang plea na iniharap nila sa korte ni Judge Almeyda nang basahan na si Montero ng kaso laban dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN