Pauleen Luna receives angry messages for hitting Ikaw Sana co-star Jennylyn Mercado

"Honestly, wala akong interes ngayon. Siguro dahil you're so preoccupied, hindi mo na naiisip kasi nagpo-four times a week kami na taping, tapos nag-e-SOP ako, tapos nagho-hosting ako, sobrang preoccupied. Na yung konting time ko, itutulog ko na lang, dahil nga sa sobrang trabaho," says Pauleen Luna when asked about her lovelife.


Sa tunay na buhay, hindi kaya ni Pauleen Luna na maging maldita nang dahil lang sa pag-ibig. Sa Ikaw Sana kasi ng GMA 7, bilang kontrabida kina Jennylyn Mercado at Mark Herras, ay bad girl siya. Pero mabait naman daw siya sa tunay na buhay.

"Alam mo, kapag nagte-taping kami ng eksenang ganun, na sobrang salbahe ako, hinihika ako! Hindi naman kasi ako ganun sa totoong buhay, e. But I guess effective kasi madaming nagagalit sa akin," sabi ni Pauleen nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kahit nga raw sa Twitter account niya ay may mga "nagagalit" daw sa kanya.

"Nakaka-receive ako ng message sa Twitter na hinay-hinayan ko naman daw yung pananakit kay Jennylyn, na parang sineseryoso ko na daw."

Baka naman tinototoo na nga niya ang pananakit kay Jennylyn?

"Hello, hindi naman!" natatawang sagot ni Pauleen. "Kasi alam mo naman yun, kahit tulak-tulakan mo lang nang mahina, magmumukhang malakas na ang tulak mo, e, kasi ang payat-payat [ni Jennylyn]! Kahit yung mga fans sa Eat Bulaga!, lahat talaga sila, sinasabi ang sama ko daw. Sabi ko naman sa kanila, huwag naman silang magalit sa akin."

Pero sa istorya ngayon ng Ikaw Sana ay nagpapanggap na mabait si Pauleen kay Jennylyn para mapasakanya si Mark Herras, na pareho nilang mahal.

Hindi naman daw nakakaapekto ang mga gano'ng senaryo sa kanya.

"Ang maganda kasi sa akin, may breaker ako, di ba? Nakikita nila yung totoong ako kapag nasa [Eat] Bulaga! ako, na mabait, nagpapatawa, nagho-host. Unlike yung mga ibang kontrabida na nag-i-straight na puro salbahe ang napapanood sa kanila ng mga tao. No wonder nagagalit sa kanila kasi wala silang breaker," saad ng young actress.

Tatanggap ba siya ulit ng kontrabida roles?

"Actually, itong Ikaw Sana, tinanggap ko ito because of Direk Joel Lamangan. Kasi puro praises yung nakuha ko sa kanya, tapos he offered me this role. Madali naman kasi akong kausap. Kapag ipinagawa, hindi ko sila pinahihirapan. After ng Adik Sa 'Yo, in-offer niya sa akin, nahiya naman akong tanggihan. Siyempre, it's always a privilege to work with him," paliwanag ni Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami nga ang pumupuri sa galing niya bilang kontrabida.

"Actually, nung una, hindi naman ako naniniwala, until yung time na yung mga fans ni Jennylyn, nagte-text sa akin. Gusto daw nila akong sabunutan!" natatawang kuwento niya.

Isa rin si Pauleen sa nag-alala nang husto at nagpakita ng concern sa co-host nila sa Eat Bulaga! na si Paolo Ballesteros na sinalanta rin ng bagyong Ondoy.

"Oo nga, kawawa nga si Pao, e. Nasa taping ako nun, nag-i-straight three-day taping kami for Ikaw Sana nung nalaman ko. Tinext niya ako, na hindi pa siya nakakauwi sa bahay niya, na hanggang baywang pa din ang tubig sa bahay nila," kuwento ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN