Richard Gomez still wants to do long-delayed movie with Sharon Cuneta but keeps cool about it

"Kung matuloy, then, well and good. Kung hindi naman, hayaan mo na. Baka on their part, marami lang silang ginagawa, baka very busy sila or baka yung timetable ng production, hindi pa ready. Siyempre, they have their own reason," says Richard Gomez about his supposed movie with Sharon Cuneta.


During the press launch of the second season of Family Feud, na magsisimula muling mapanood sa GMA-7 on October 19, isa sa kinumusta ng press sa host ng show na si Richard Gomez ay ang supposedly reunion movie nila ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Matagal na itong napapabalita, pero matagal na rin na hindi pa nasisimulan at hindi pa matuluy-tuloy.

"Naku, kapag tuloy na tuloy na lang, sabihan na lang nila 'ko. Parang wala pa yatang initial step. I have no idea kung bakit natatagalan," sagot ni Goma nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

Ano nga ba ang nagiging problema?

"I really have no idea. Kung matuloy, then, well and good. Kung hindi naman, hayaan mo na. Baka on their part, marami lang silang ginagawa, baka very busy sila or baka yung timetable ng production, hindi pa ready. Siyempre, they have their own reason."

Kung si Goma ang tatanungin, gusto niyang makagawa sila ni Sharon ng pelikula muli.

"It would be nice to do a movie with Sharon," sambit niya. "Ano na ba ngayon? October, then November, baka kaya pa. Kung hindi, e, di some other time," sabi ni Goma. Naalala niya ang gagawing pagtakbo bilang representative ng Ormoc City at sa period na puwede lang siyang maging visible sa telebisyon.

STUNNED. Gulat na gulat naman si Goma nang kunin ang reaksiyon niya sa inamin daw ni Sharon na muntik na siyang magkaroon ng breast cancer, pero okey na ito at nagpa-treat na sa U.S.

Napa-"What? Oh, shit!" ang aktor sa narinig at kasunod noon ay halos naging speechless na siya.

"Hindi nga? Totoo nga? Saan? Hindi ko alam yun, a! Are you serious? Ano ba 'yan, ginugulat n'yo naman ako! Siguro, babatiin ko muna siya bago ako mag-comment," sunud-sunod na sabi ni Goma, na tila hindi pa rin makapaniwala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ipinaliwanag din naman kay Goma na okey na ang Megastar. And later on, we found out na hindi naman talaga ito mako-consider na cancer dahil benign naman daw at hindi malignant ang mga bukol na nakapa ng Megastar sa kanyang dibdib.

"Hindi talaga ako makapag-isip! Nagulat naman ako!" napailing at napatahimik talaga si Goma. "Hindi ko kasi alam na nagkaroon pala siya ng ganoon. Hindi rin ako nasabihan. Siguro she wanted to keep it to herself until the time na ni-reveal nga niya."

SITLL HOPING. On their part, regular naman daw silang nagpapa-medical checkup ng asawa niyang si Lucy Torres-Gomez. Positive naman si Goma na in God's time, masusundan din ang anak nilang si Juliana.

Pero ngayong magiging busy siya sa kampanya lalo na kung mae-elect—dahil sa survey na isinagawa nila sa Ormoc, siya raw ang top choice na maging representative nila—paano na ang plano nila ni Lucy na makabuo ulit ng baby? Baka lalong hindi na niya ito magawa?

"Gusto ko nga masundan na si Juliana. Bakit naman hindi? Magagawan ng paraan basta gusto!" natatawang sabi ni Goma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN