Mark Herras feels that his image is changing gradually

"Actually, six years na rin ako sa business, pero kung tatanungin, okey lang ba 'ko? Hindi ba mabilis, hindi ba mabagal? Para sa akin, okey lang po. Na-enjoy ko yung stage na bata, pa-cute. Pero ngayon, papunta naman sa medyo matured na. Kumbaga, hindi naman mabilisan, gradual lang din lahat," says Mark Herras.


Nag-renew ng kontrata si Mark Herras sa Universal Records kahapon, October 15. Kasama niya sa contract signing ang mga boss ng UR na sina Kathleen Dy-Go at Peter Chan, at ang VP for TalentDevelopment andManagement ng GMA-7 na si Ida Henares.

Kasabay ng kanyang pag-renew ng kontrata sa UR ay ginagawa na rin ni Mark ang kanyang third dance album, Mark Herras: The Greatest Moves. His previous two dance albums both reached the platinum award.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark before the contract signing. Aniya, it was more of apprehension bago ang excitement when the new dance album was presented to him.

"Noong sinabi sa akin na may third album ako, ang unang pumasok sa isip ko, 'Teka, bagay pa ba sa akin?' Kasi siguro, mga two years na yung second dance album ko, medyo matagal na rin. At the same time, hindi na rin ako bumabata. In two months, turning 23 na 'ko.

"Yun nga, yung panahon, masyadong mabilis. Hindi na rin ako bumabata araw-araw. So, noong nalaman ko yun, parang nagkaroon ako ng apprehension. Inisip ko na kakagatin pa kaya ng mga tao? Pero siguro, kaya ko rin tinanggap at napapayag ako sa ganitong album, yung pagmamahal ko na rin sa pagsasayaw. Kumbaga, chance ko na rin 'to para maipakita sa lahat ng tao na hilig ko talaga ang pagsasayaw," pahayag ni Mark.

Mga original composition daw ang lahat ng tracks sa dance album niya at may kasama pa itong dalawang music videos na posibleng ma-release before the end of the month.

Ani Mark, "Actually, noong pinakinggan ko yung mga tracks, masasabi kong umangat siya ng two to three levels from my previous two albums. Pero siyempre, hindi mo pa rin puwedeng sabihin na sosyal na album. Siyempre, target pa rin namin ang mga bata. Actually, marami kaming plano at sana magawa namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE NEW MARK. Makikita na raw sa cover ng album niya ang pagbabagong gusto niyang ipakita sa mga tao. Mas mature at masasabi raw niyang mas sexy na ang concept ng pictorial niya.

"Kung tatanungin siya kung ano ang pinagkaiba sa first and second, ang layo!" sambit ng kauna-unahang StarStruck ultimate male survivor. "Physically, yung outfit, yung costume ko, hindi naman ako nag-topless, pero nakasando lang ako. Normally, nakalabas palagi ang arm ko. Wala na akong mga caps, baggy pants.

"During the pictorial, sabi nila Ma'am Kathleen, Ma'am Ida, tinitingnan nila ang pictorial ko, malaki na raw ang pinagkaiba ng mukha ko. Siguro nga dahil nagma-mature na rin siguro ako."

Tuwing magkakaroon kami ng pagkakataon na makausap si Mark, madalas niyang banggitin ang pagbabago ng image niya. Mula sa pagpapa-cute, at pa-tweetums, mas gusto na raw niyang maging mature na.

"Siguro yun ang nagtutulak sa akin... Actually, hindi naman mag-change ng image kung hindi mas galingan ko pa sa ginagawa kong craft. Para mas ma-improve more sa ginagawa ko. Like in dancing, hindi habambuhay ang pagsasayaw. Pero kung mahal mo 'yan, 'yan ang hilig mo, hindi mawawla sa katawan mo or sa ginagawa mo. So, yun, wala akong planong baguhin ang hilig ko sa pagsasayaw. In fact, I'm planning and I'm willing to learn more pagdating sa dancing.

"Siguro, in a way, kailangan ko lang din na kumilos nang maayos. Okey lang naman na makipaglaro, magbiro... Siguro lang, mababawasan na. Actually, yung nagtutulak din sa akin kaya ko ginagawa ito ay dahil mahal ko ang trabaho ko. Ayoko rin naman na gigising na lang ako ng isang umaga na bigla na lang akong wala," saad niya.

May ganun siyang fear?

"Opo, lahat naman siguro ng artista may ganoong fear. Siguro, yun lang na mga bagay na yun."

SIX YEARS IN THE BUSINESS. At present, okey naman daw si Mark sa takbo ng career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, six years na rin ako sa business, pero kung tatanungin, okey lang ba 'ko? Hindi ba mabilis, hindi ba mabagal? Para sa akin, okey lang po. Na-enjoy ko yung stage na bata, pa-cute. Pero ngayon, papunta naman sa medyo mature na. Kumbaga, hindi naman mabilisan, gradual lang din lahat," paliwanag niya.

Bukod sa Ikaw Sana nila ni Jennylyn Mercado at SOP, Mark will be one of the segment hosts of StarStruck V.

"Yes, isa pa po yun. Kumbaga, this time, masusubukan ko naman ang mag-host. At the same time, mas magkakaroon kami ng chance na makilala ang mga bagong batch. So, okey, okey lahat ng nangyayari," nakangiti niyang sabi.

Bagamat sa September next year pa ang susunod na Cosmopolitan Bachelor Bash, as early as now ay pinaghahandaan na raw ito ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN