Survivor Philippines Palau Update: Tara Macias and Echo Caceres voted off in back-to-back tribal councils

"It's not the end of the world," sobbed Echo Caceres (right) upon learning of her fate, while a more defiant Tara Macias (left) took a last dig at the "losers" who wanted her off the island. She and Echo join Marvin Kiefer in the Jury that will decide the Pinoy Sole Survivor.



Isang gabi, dalawang Tribal Council.

Ito ang scenario na naganap kagabi sa Survivor Philippines: Palau.

Pagkatapos ma-vote out ang English tutor to Koreans na si Tara Macias sa ikalawang Tribal Council ng Sonsorol ay nagulat ang mga nalalabing castaways nang i-announce ng host na si Paolo Bediones na magkakaroon ng isa pang Tribal Council agad-agad.

Kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkabigla nang sabihin ni Paolo na kailangan nilang bumoto ulit.

Pinabuksan ni Paolo sa businesswoman na si Justine Ferrer ang scroll na nakuha niya sa huling Immunity challenge. Nakasaad sa scroll ang: "Immunity sa Tribal Council." Kaya sa kanya ibinigay ni Paolo ang Immunity necklace na dating suot ng Japinoy student-model na si Suzuki Sadatsugu. Ang ibig sabihin nito ay hindi maaaring iboto ng castaways si Justine.

Sinabihan ni Paolo ang mga castaway na bawal silang mag-usap; tumingin lamang sa kisame para hindi nila mapag-usapan ang gagawin nilang pagboto.

Bagamat hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap, halos lahat ng walong natitirang castaways ay nagkaisa na ang dating call center agent mula sa Bicol na si Echo Caceres ang tanggalin. Anim ang nakuhang boto ni Echo, samantalang dalawa naman para sa Manila City Hall employee na si Shaun Rodriguez, na halatang kabadung-kabado habang binabasa ang mga boto.

TARA'S EXIT. Sa wakas ay dumating na rin ang pinakahihintay na sandali ng mga natitirang castaways ng Survivor Philippines: Palau nang mapatalsik nila ang tinaguriang "Taray Queen" na si Tara.

Expected na ng marami ang pagkakatanggal ni Tara sa laro dahil inis sa kanya halos lahat ng mga kasamahan sa Sonsorol.

Aminado naman si Tara na wala siyang kasundo sa mga miyembro ng Sonsorol, kahit na naranasan niyang mapabilang sa dalawang tribo noon—ang Koror at Airai. Dahil sa pagiging "maingay" niya kaya siya kinaiinisan ng kanyang mga kasama, pero ayon sa 20-year-old English tutor mula sa Cebu, nagpapakatotoo lang siya at hindi niya kayang makipagplastikan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa simula pa lang ng pagme-merge ng Koror at Airai ay naging puntirya na ng castaways si Tara. Pero mas pinili nilang tanggalin sa unang Tribal Council ng Sonsorol ang 18-year-old model na si Marvin Kiefer dahil sa pagiging threat nito sa challenges.

Pero hindi na pinalampas ng mga castaway ang pagkakataon na tanggalin si Tara nang matalo ito sa ikalawang Immunity Challenge.

Sa kanyang exit interview, maaanghang na salita ang pinakawalan ni Tara sa mga bumoto sa kanya, lalo na sa modelong si Jef Gaitan. "Galit na galit" daw siya sa ginawang pagboto sa kanya at gusto niyang "sampal-sampalin" ang mga dati niyang kasamahan.

Tinawag din ni Tara na "losers" ang mga castaway.

UNEXPECTED TWIST. Napahagulgol naman si Echo nang siya ang matanggal sa surprise Tribal Council. Hindi niya kasi napaghandaan ang pangyayaring ito.

Dahil siguro sa pagiging malakas ni Echo sa mga challenge kaya siya ang napiling tanggalin ng karamihan sa kanyang mga kasamahan.

Umiiyak na sinabi ni Echo na ipinagkait sa kanya ang pagkakataong maabot ang pangarap niya. Pero wala naman daw siyang sama ng loob sa mga bumoto sa kanya, bagkus ay ito raw ang gagamitin niyang sandata upang lalo siyang lumakas sa hamon ng buhay.

"It doesn't mean that it's the end of the world," sambit pa ni Echo.

Sa kanilang pagkakatanggal sa laro, sina Tara at Echo ang ikalawa at ikatlong miyembro ng Jury, kasama ni Marvin, na siyang magdedesisyon kung sino ang mananalo ng three-million cash prize at ng titulong Pinoy Sole Survivor.

REWARD CHALLENGE. Sa unang Reward Challenge ng Sonsorol, hinati ang siyam na castaways sa tatlong teams—yellow, red, at pink. Ang bawat team ay may dalawang catchers at isang shooter na gagamit ng higanteng tirador para mai-shoot ang mga rattan balls sa kanyang mga teammates.

Kailangang saluhin ng catchers ang mga rattan ball gamit ang basket na nakapatong sa kanilang ulo. Kapag nakasalo sila ng bola, kailangan nila itong ilagay sa isang container.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang siste, hindi nakikita ng shooters at catchers ang isa't isa dahil may nakaharang na pader sa pagitan nila.

Ang unang team na makasalo ng sampung bola ang mananalo ng reward: isang trip sa jellyfish lake at pagsakay sa Magical Meduu—isang klase ng bangka na salamin ang ilalim, kung saan maaari nilang makita ang mga lamang-dagat sa Palau. Kasama na rin dito ang snacks at drinks.

Ang bumuo ng Red team ay sina Charles (shooter), Echo at Tara (catchers). Nasa Yellow team sina Mika (shooter), Jef at Shaun (catchers). Ang Pink team naman ay binubuo nina Suzuki (shooter), Amanda at Justine (catchers).

"Tinambakan" ng Yellow team ang kanilang mga kalaban kaya sila ang nanalo sa challenge.

HIDDEN IMMUNITY. Nang makaalis na sina Mika, Shaun at Jef para sa kanilang reward ay sinabi ni Paolo sa anim na natirang castaways na may "pasalubong" siya para sa kanila pagbalik nila sa camp—clue para sa isang hidden immunity.

Nasa mga castaway na kung ibabahagi nila ito sa tatlong nanalo sa Reward challenge o itatago nila sa kanilang sarili.

Pero nang makabalik sina Mika, Shaun at Jef mula sa kanilang reward ay nagdesisyon ang anim na ibahagi ang clue sa mga ito.

Si Amanda ang nakahanap ng unang clue na nakalagay sa loob ng isang bote. Bagamat nagkamali siya nang ipahalata niya ang pagkakakita niya sa clue ay ibinahagi pa rin niya ito kay Echo.

Ito ang unang clue: "Ang porselas na nagliligtas sa kawalan mababagtas. Kapag humupa na ang tubig sa dagat, lilitaw bagay na hindi kumakagat."

Pagbalik nila sa camp ay nagdesisyon si Amanda na sabihin ang nilalaman ng unang clue sa kanyang mga dating kasamahan sa Airai, sina Mika, Jef at Shaun.

Kinabukasan ay kanya-kanyang hanap na ang castaways ng ikalawang clue sa hidden immunity, na makikita lamang kung low tide.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Akala ng ibang castaways ay si Tara ang nakahanap ng ikalawang clue dahil siya ang unang bumalik sa camp. Kaya sinundan siya nina Charles at Jef.

Pero pagdating sa camp ay iniwan ni Charles si Jef kaya ito na lang ang naiwang kasama ni Tara. Nang silang dalawa na lang ang natitira ay tinanong ni Tara si Jef kung bakit ganun ang trato nito sa kanya. Dito ay muntik nang magkasagutan ang dalawa dahil dire-diretso sa pagsasalita si Tara at hindi niya muna pinapatapos si Jef pag may sinasabi ito.

Sa huli, ang nakahanap ng second clue ay walang iba kundi si Suzuki. Pero dahil malalim na Tagalog ang nakasulat dito ay humingi siya ng tulong kay Charles para maintindihan niya ito.

Pero namataan sila ni Shaun, na noo'y hinahanap din ang clue kasama ng ibang castaways. Kaya biglang pumasok sa gubat sina Charles at Suzuki para magtago.

IMMUNITY CHALLENGE. Bago simulan ang ikalawang Immunity Challenge ng Sonsorol, sinabi ni Paolo sa castaways na bukod sa Immunity necklace ay may naghihintay ring scroll na naglalaman ng twist sa laro.

Pagkatapos nito ay ipinaliwanag na ni Paolo ang mechanics sa challenge, na hango sa Filipino folk dance na "Pandanggo sa Ilaw."

Maglalagay ang castaways ng kandila na nakalagay sa isang bote sa kanilang mga palad. Pagkalipas ng iba't ibang oras ay susundan ng mga castaway ang iba't ibang posisyon na magbabalanse sa mga kandila habang nakatayo sila sa isang elevated post. Hindi nila maaaring gamitin ang kanilang mga daliri para manatili sa puwesto ang mga hawak nilang kandila. Maaari lang nilang gamitin ang kanilang mga daliri pag magbabago na sila ng puwesto. Kailangan din nilang manatili sa kanilang puwesto hanggang sa pagpapalit ng posisyon. Kapag nahulog ang mga kandila, tapos na ang laban sa castaway.

May option din ang mga castaway na umayaw sa laro kapalit ng mga "suhol" na io-offer sa kanila sa pamamagitan ng mga pagkain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Limang minuto pa lang sinimulan ang laro ay umayaw na si Jef.

Pagkatapos ng 8 minutes ay si Amanda naman ang nag-give up. Sumunod sa kanya si Mika pagkatapos tumayo ng 10 minutes.

Twelve minutes lang naman ang itinagal ni Shaun, at 14 minutes ang inabot ni Charles.

Nanghinayang naman ang mga umayaw agad dahil pagkatapos nito ay saka lamang inilabas ni Paolo ang mga "suhol."

Ang unang inilabas ni Paolo ay hotdog sandwich na may kasamang french fries. Nagdesisyon si Echo na umayaw sa laro at kunin ang suhol pagkatapos ng 16 minutes.

Sa kabila ng pagbibiro ng mga castaway na bumaba na si Tara ay hindi ito natinag. Panay rin ang pagtsi-cheer nila kina Justine at Suzuki, bilang patunay na wala talagang may gusto kay Tara.

Sumunod na naging suhol ni Paolo ay burger meal, pero walang kumagat dito kaya tinanggal na lang ito ng host.

Ang huling suhol ay grilled fish fillet na may kasamang rice and chips, pero hindi rin ito kinagat nina Suzuki, Tara at Justine.

Napansin ni Jef na humahawak ang mga daliri ni Tara sa bote sa huling pose. Na-distract dito si Tara at nahulog ang kanyang kandila. Ilang sandali ay bumaba na rin si Justine, na naging dahilan upang si Suzuki ang makakuha ng Immunity necklace.

Tuwang-tuwa ang mga castaway dahil hindi si Tara ang nanalo. Pero balewala ito kay Tara.

Pagkatapos maibigay ni Paolo kay Suzuki ang Immunity necklace ay iniabot naman niya ang scroll kay Justine na siyang second placer. Sinabihan ni Paolo si Justine na bubuksan lang niya ang scroll sa susunod na Tribal Council. Kapag binuksan niya raw ito sa loob ng camp ay mawawalan ng bisa ang anumang nakasaad sa scroll.

Pagbalik nila sa camp ay kanya-kanya nang gapangan ang mga castaway kung sino ang iboboto nila sa Tribal Council.

Lumalabas na buo pa rin ang alyansa ng mga orihinal na miyembro ng Airai na sina Mika, Shaun, Jef at Amanda. Pero may umusbong din na girls' alliance na binubuo nina Mika, Jef, Amanda, Justine, Echo at Tara. Samantalang meron pa rin namang alyansa ng mga dating miyembrong Koror na sina Suzuki, Charles, Echo, Justine at Tara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, dalawang orihinal na miyembro ng Koror, sina Tara at Echo, ang ibinoto sa Tribal Council.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN