Tikoy Aguiluz hopes audiences will embrace what Filipino filmmakers have to offer

Cinemanila 2009 will screen 80 films from 30 countries at Market! Market! in Taguig. Founding festival director Tikoy Aguiluz encourages moviegoers to "celebrate and enjoy what world cinema has to offer." The 11th edition of Cinemanila will run until October 25.


"Filmmakers are no longer ivory tower artists. As filmmakers, they are also citizens who help their fellowmen and continue making films," makahulugang banggit ni direktor Amable "Tikoy" Aguiluz VI sa kanyang speech sa opening night ng 11th Cinemanila International Film Festival 2009 noong October 15.


Nasaksihan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang simpleng pagpapasimula ng Cinemanila sa bago nitong venue sa Market! Market! sa Taguig City.

Nagmarka ang mga salitang ito ng Cinemanila festival founding director dahil sariwa pa sa isipan ng madla ang mga naging pinsala ng bagyong Ondoy at Peping kamakailan.

Ayon kay Taguig City Mayor Freddie Tinga, muntik nang ma-postpone ang kasalukuyang ginaganap na international filmfest dahil hindi pa rin lubos na nakaka-settle ang maraming mga Pilipinong nawalan ng tirahan at mga pag-aari.

Pero kabilang ang kanyang tanggapan sa mga nasa likod ng taunang CIFF nitong taong 2009. Kasama ang kanyang Bise-Alkalde na si George Elias, nagpasya silang ituloy ang festival dahil mayroon itong kahalagahan sa pagpapalaganap ng kultura, na hindi naman magiging pinsala sa madla.

AUSTERE OPENING, RICH OFFERINGS. In keeping with the current situation, nasaksihan ang isang simple o austere rites ng Cinemanila sa bago nitong venue. Ang maikling programa ay pinangunahan ni Giselle Sanchez bilang host, with the rap artists group Kalayo, Siga (Astig ng Taguig) as guest performers.

May mga bagong section ang film festival, bukod sa regular nitong programang pang-kompetisyon, tulad ng Main Competition, Southeast Asian Section, at Digital Lokal na naging popular na ang mga entries taun-taon, lalo sa mga tagatangkilik ng art films na world-class at mga independently-produced digital movies (o indie films).

This year, in-introduce ng CIFF '09 ang Machinima, isang animation section in two categories: Video Shorts (entries include Clockwork, I Don't Like The Dark, The Visitor, The Stolen Child, Traders, at The Body Is Obsolete) at Music Videos (entries include Brief Encounter, Nobody Dance, Inside Your Head, The Graveyard, Worship The Will, at Wish For You).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa lamang ito sa mga bagong masasaksihan ng publiko sa 10-day filmfest (Oktubre 15 to 25) na nagsimula sa pamamagitan ng pagpapalabas ng pelikulang Lola na dinirek ni Brillante Ma. Mendoza.

Matatandaang naging surprise entry sa 66th Venice International Film Festival last month ang obra ni Brillante. Tampok sa pelikulang ito ang mga veteran actresses na sina Anita Linda at Rustica Carpio, pati na rin ang mga aktor na sina Jhong Hilario at Ketchup Eusebio.


Nahirang si Brillante bilang Best Director ng Cannes International Film Festival '09 para sa Kinatay, na siyang ipalalabas muli sa Taguig bilang parte ng Cinemanila.

"I'm really excited!" masayang banggit ni Direk Tikoy. "I think we have a very good track record, the selections are good...."

RECOGNITION ABROAD. Sa Main Competition lalaban ang Independencia ni Raya Martin. Naging entry ito ng Pilipinas sa Cannes filmfest '09 (Un Certain Regard section) at kamakailan ay nanalo rin sa Bangkok International Film Festival sa Thailand.

Bilang closing film, gaganapin ang Philippine premiere ng pelikulang Himpapawid ni Raymond Red. Entry din ito ng bansa sa Tokyo International Film Festival sa Japan.

Samantala, may special screening ang Engkwentro ng 22-year-old filmmaker na si Pepe Diokno. Nagwagi ang Engkwentro bilang Best Picture sa Orrizonti section ng 66th Venice International Film Festival sa taon ding ito.

Kabilang naman sa magkakaroon ng world premiere ang Biyaheng Lupa (Soliloquy), debut film ni Armando "Bing" Lao at competing entry sa Digital Lokal section ng festival. Gaganapin ang premiere sa Lunes, Oktubre 19.

Sa mga naka-line up na entries mula sa iba't ibang bansa (pang-competition man o special screenings), kabilang rito ang Hunger ni Steve McQueen, Tulpan ni Sergei Dvortsevoy; ang Inglorious Basterds ni Quentin Tarantino (starring Brad Pitt and Christoph Waltz), at Broken Embraces ng Oscar-winning Spanish filmmaker na si Pedro Almodovar.

Bibigyan ng Lifetime Achievement Award ang filmmaker na si Paul Schrader, direktor ng mga klasikong pelikulang Hollywood tulad ng Raging Bull at Taxi Driver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CINEMANILA FOR DISASTER VICTIMS. Sa last day ng festival (Oktubre 25), kasabay ng awarding ceremonies ay isasagawa ang Project Tropical Storm, isang special project ng Cinemanila para sa mga kapuspalad na naging biktima ng nakaraang mga pananalasa ng kalamidad.

Ito ang kontribusyon ng Cinemanila sa kawanggawa, na hindi dapat bale-walain. Kung nagbibigay-kasiyahan ang festival sa pamamagitan ng mga ipinalalabas na mga world-class films at quality Pinoy indies, may pagtanaw rin ang proyekto sa kapakanan ng mga kapuspalad.

Sabi ni Direk Tikoy, "We have a lot to be thankful for. This marks the beginning of a new decade, wherein our filmmakers and Philippine cinema has arrived..."

Sa kabila man ng mga kalamidad, mayroon mang mga trahedya at pagluluksa ang sambayanan, ay nariyan din ang mga pagtatagumpay o triumph ng mga Filipino filmmakers.

At nabanggit pa ni Direk Tikoy ang mga kasalukuyang pangyayari, na nagtatagumpay ang mga Pinoy filmmakers at mga obra nila, "from Greece to Vladivostok to Pusan... Filipino filmmakers have amazed the world audiences with our stories. We hope the local audiences will also embrace what our filmmakers have to offer...."

Para rin kay Direk Tikoy, ang taong ito ng Cinemanila ay isang pasasalamat, "A thanksgiving for the Filipino filmmakers who continue to tell their stories and mesmerized world audiences...."

Hindi maiiwasang magkaroon ng mga problema habang ongoing ang festival. Tulad sa mga nakalipas na taon, mayroong hindi natutuloy na screening. Ilang ehemplo ay ang Mar Adentro o The Sea Inside ng Spanish filmmaker na si Alejandro Amenabar noong 2005, o ang Imburnal ni Sherad Anthony Sanchez, ang entry sa Digital Lokal section ng CIFF '08 na una'y nabigyan ng X-rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at muntik nang hindi maipalabas sa Cinemanila.

"There might be similar problems, but we hope to overcome them," sabi ni Direk Tikoy. "Kasi, kung meron mang casualties, siguro out of 80 [films], isa o dalawa. Ang mahalaga naman is the overall program is really excellent."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At isa itong magandang dahilan para magdiwang sa loob ng sampung araw na ginaganap ang 11th Cinemanila International Film Festival 2009.


"Celebrate and enjoy what world cinema has to offer," pagwawakas ni Direk Tikoy Aguiluz.


CLICK HERE to view the complete screening schedule of Cinemanila 2009.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN