John James Uy's stalker seems to have given up pestering him

"Thank God," sighed the model-turned-actor. "Nakakainis nga, kasi, na-hack ang e-mail ko, ang Facebook, pati iba ko pang accounts sa Internet. Mukhang umiwas nga nang medyo lumalaki na ang istorya sa media."


Nagkaroon ng media launch ang The Bar para sa cocktail drink na nagiging craze sa young crowd ngayon, ang apple vodka. Ginanap ito kahapon sa Eastwood Mall, at isa sa mga endorsers ng bagong mix ay si John James Uy.

Kasama ang iba pang Star Magic talents na sina Jay-R Siaboc, Wendy Valdez, Joyce So at Jaymee Joaquin sa pag-e-endorse nito.

Bukod dito, ang "Be Bench" finalist noon at ngayon ay gumagawa na rin ng pangalan bilang artista. Tampok si John James bilang isa sa mga suporta ni Coco Martin sa Tonyong Bayawak ng ABS-CBN.

"Parang one of the Alabang Boys ang role ko," nangingiting sabi ni JJ. "Coño kid na kontrabida ang role ko sa Tonyong Bayawak.

"Medyo natagalan nga. Nag-guest lang ako sa Tayong Dalawa, Your Song, The Wedding, kahit paano, may exposures. Puro guestings. Yun lang ang puwede kong gawin sa ngayon.

"Kasi bulol pa ako. Konting ayos lang. Pinagbabasa lang ako ng komiks. Kailangan ko nga ng Tagalog tutor. Kinakausap ko ang mga katulong sa bahay. Medyo konti pa.

"'Yan ang setback ko. Alam ko naman ang weaknesses ko, and my Tagalog is one of them," sabi pa niya.

At least, bongga si JJ dahil nakapag-VJ (video jock) siya sa Myx USA. Pero, nagbabawas nga raw ng VJs sa U.S. dahil hindi ito masyadong click doon. Mayroon pa raw mga VJs, pero hindi na nagbi-VJ si JJ.

JJ'S STALKER. Umiiwas na rin daw yung hacker/stalker na for a time ay gumagambala sa kanya.

"Thank God," at napabuntung-hininga siya. "Baka natakot na rin sa kung anu-anong istoryang lumabas. Kumalat kasi, 'tapos naging subjects pa sa talk shows.

"Nakakainis nga, kasi, na-hack ang e-mail ko, ang Facebook, pati iba ko pang accounts sa Internet. Mukhang umiwas nga nang medyo lumalaki na ang istorya sa media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala talaga akong alam, except that he or she is using a bogus name, I don't know. Jenna Jimenez yung name. Girl ang pangalan, but we don't know kung girl nga siya."

Imposible naman daw na yung ex-girlfriend niya na si Carla Humphries ang may kagagawan niyon. Mabait daw ito sa kanya.

"Kahit matagal na kaming nag-split, last January. Hindi nag-work. Maybe we just have to give more time to ourselves. Minsan, may communication pa rin. Nakita ko siya sa Star Magic Ball," sabi pa ni JJ.

Natawa nang malakas si JJ nang tanungin namin kung ano ang feeling niya nang pinagpalit siya ni Carla kay Raymond Gutierrez.

"Hindi ko alam kasi kung ano yun," natawang lalo si JJ, nang malamang caught on camera yung kissing nina Carla at Raymond.

"Talaga? I never would have guessed," mala-naïve na sinabi ni JJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN